Add parallel Print Page Options

Ang mga Haring Natalo ng mga Israelita

12 Nasakop(A) ng mga Israelita ang lupain sa silangan ng Ilog Jordan, buhat sa Ilog Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, at nalupig nila ang mga hari roon. Ang una'y si Sihon, ang hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon. Sakop niya buhat sa bayan ng Aroer sa Ilog Arnon, pati ang kalahati ng libis nito, hanggang sa Batis ng Jabok sa may hangganan ng mga Ammonita. Samakatuwid, sakop niya ang kalahati ng Gilead, gayundin ang Araba sa gawing silangan ng Jordan, buhat sa gilid ng Lawa ng Cineret patungo sa Beth-jesimot sa gawing silangan, hanggang sa Dagat na Patay tuloy sa paanan ng Bundok ng Pisga papuntang timog.

Nalupig din nila si Haring Og ng Bashan, isa sa ilang natira sa lahi ng mga higante. Nanirahan ang haring ito sa Astarot at sa Edrei. Sakop niya ang kabundukan ng Hermon, ang Saleca, ang buong Bashan hanggang sa lupain ng mga Gesureo at mga Maacateo. Kasama pa rin ng nasasakupan niya ang kalahati ng Gilead, karatig ng lupain ni Sihon na hari ng Hesbon. Ang(B) dalawang ito'y nilupig ng mga Israelita, sa pamumuno ni Moises. Ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang mga lupain nila sa lipi ni Ruben, ni Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases.

Ang mga Haring Natalo ni Josue

Sa pamumuno ni Josue, tinalo ng mga Israelita ang mga hari sa kanluran ng Ilog Jordan: buhat sa Baal-gad, sa kapatagan ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halac, sa pag-ahon ng Bundok Seir. Ang kanilang mga lupai'y pinaghati-hati ni Josue sa mga lipi ng Israel upang maging pag-aari ng mga ito habang panahon. Saklaw ng mga lupaing iyon ang kaburulan, ang mga kapatagan, ang Araba, ang paanan ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb. Doon naninirahan ang mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hivita at Jebuseo. Ito ang mga haring tinalo ng Israel sa pamumuno ni Josue: ang mga hari ng Jerico at ng Ai na malapit sa Bethel; 10 ang mga hari ng Jerusalem at Hebron; 11 ng Jarmut at ng Laquis; 12 ng Eglon at ng Gezer; 13 ng Debir at ng Geder; 14 ng Horma at ng Arad; 15 ng Libna at ng Adullam; 16 ng Maceda at ng Bethel; 17 ng Tapua at ng Hefer; 18 ng Afec at ng Lasaron; 19 ng Madon at ng Hazor; 20 ng Simron-meron at ng Acsaf; 21 ng Taanac at ng Megido; 22 ng Kades at ng Jokneam sa Carmelo; 23 ng Dor sa baybayin ng Dor, ang hari ng mga Goyim sa Galilea, 24 at ang hari ng Tirza. Lahat-lahat ay tatlumpu't isang hari.

12 以色列人在约旦河外向日出之地击杀二王,得他们的地,就是从亚嫩谷直到黑门山,并东边的全亚拉巴之地。 这二王,有住希实本亚摩利人的王西宏。他所管之地是:从亚嫩谷边的亚罗珥和谷中的城,并基列一半,直到亚扪人的境界雅博河; 约旦河东边的亚拉巴,直到基尼烈海,又到亚拉巴的海,就是海,通伯耶西末的路;以及南方,直到毗斯迦的山根。 又有巴珊,他是利乏音人所剩下的,住在亚斯他录以得来 他所管之地是:黑门山,撒迦巴珊全地,直到基述人和玛迦人的境界,并基列一半,直到希实本西宏的境界。 这二王是耶和华仆人摩西以色列人所击杀的。耶和华仆人摩西将他们的地赐给鲁本人、迦得人和玛拿西半支派的人为业。

约书亚击杀之王

约书亚以色列人在约旦河西击杀了诸王。他们的地是从黎巴嫩平原的巴力迦得,直到上西珥哈拉山。约书亚就将那地按着以色列支派的宗族分给他们为业, 就是人、亚摩利人、迦南人、比利洗人、希未人、耶布斯人的山地、高原亚拉巴、山坡、旷野和南地。 他们的王,一个是耶利哥王,一个是靠近伯特利城王, 10 一个是耶路撒冷王,一个是希伯仑王, 11 一个是耶末王,一个是拉吉王, 12 一个是伊矶伦王,一个是基色王, 13 一个是底璧王,一个是基德王, 14 一个是何珥玛王,一个是亚拉得王, 15 一个是立拿王,一个是亚杜兰王, 16 一个是玛基大王,一个是伯特利王, 17 一个是他普亚王,一个是希弗王, 18 一个是亚弗王,一个是拉沙仑王, 19 一个是玛顿王,一个是夏琐王, 20 一个是伸仑米仑王,一个是押煞王, 21 一个是他纳王,一个是米吉多王, 22 一个是基低斯王,一个是靠近迦密约念王, 23 一个是多珥山冈的多珥王,一个是吉甲戈印王, 24 一个是得撒王,共计三十一个王。

12 Now these are the kings of the land, which the children of Israel smote, and possessed their land on the other side Jordan toward the rising of the sun, from the river Arnon unto mount Hermon, and all the plain on the east:

Sihon king of the Amorites, who dwelt in Heshbon, and ruled from Aroer, which is upon the bank of the river Arnon, and from the middle of the river, and from half Gilead, even unto the river Jabbok, which is the border of the children of Ammon;

And from the plain to the sea of Chinneroth on the east, and unto the sea of the plain, even the salt sea on the east, the way to Bethjeshimoth; and from the south, under Ashdothpisgah:

And the coast of Og king of Bashan, which was of the remnant of the giants, that dwelt at Ashtaroth and at Edrei,

And reigned in mount Hermon, and in Salcah, and in all Bashan, unto the border of the Geshurites and the Maachathites, and half Gilead, the border of Sihon king of Heshbon.

Them did Moses the servant of the Lord and the children of Israel smite: and Moses the servant of the Lord gave it for a possession unto the Reubenites, and the Gadites, and the half tribe of Manasseh.

And these are the kings of the country which Joshua and the children of Israel smote on this side Jordan on the west, from Baalgad in the valley of Lebanon even unto the mount Halak, that goeth up to Seir; which Joshua gave unto the tribes of Israel for a possession according to their divisions;

In the mountains, and in the valleys, and in the plains, and in the springs, and in the wilderness, and in the south country; the Hittites, the Amorites, and the Canaanites, the Perizzites, the Hivites, and the Jebusites:

The king of Jericho, one; the king of Ai, which is beside Bethel, one;

10 The king of Jerusalem, one; the king of Hebron, one;

11 The king of Jarmuth, one; the king of Lachish, one;

12 The king of Eglon, one; the king of Gezer, one;

13 The king of Debir, one; the king of Geder, one;

14 The king of Hormah, one; the king of Arad, one;

15 The king of Libnah, one; the king of Adullam, one;

16 The king of Makkedah, one; the king of Bethel, one;

17 The king of Tappuah, one; the king of Hepher, one;

18 The king of Aphek, one; the king of Lasharon, one;

19 The king of Madon, one; the king of Hazor, one;

20 The king of Shimronmeron, one; the king of Achshaph, one;

21 The king of Taanach, one; the king of Megiddo, one;

22 The king of Kedesh, one; the king of Jokneam of Carmel, one;

23 The king of Dor in the coast of Dor, one; the king of the nations of Gilgal, one;

24 The king of Tirzah, one: all the kings thirty and one.