Add parallel Print Page Options

Sakop niya ang kabundukan ng Hermon, ang Saleca, ang buong Bashan hanggang sa lupain ng mga Gesureo at mga Maacateo. Kasama pa rin ng nasasakupan niya ang kalahati ng Gilead, karatig ng lupain ni Sihon na hari ng Hesbon. Ang(A) dalawang ito'y nilupig ng mga Israelita, sa pamumuno ni Moises. Ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang mga lupain nila sa lipi ni Ruben, ni Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases.

Ang mga Haring Natalo ni Josue

Sa pamumuno ni Josue, tinalo ng mga Israelita ang mga hari sa kanluran ng Ilog Jordan: buhat sa Baal-gad, sa kapatagan ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halac, sa pag-ahon ng Bundok Seir. Ang kanilang mga lupai'y pinaghati-hati ni Josue sa mga lipi ng Israel upang maging pag-aari ng mga ito habang panahon.

Read full chapter