Josue 10
Ang Dating Biblia (1905)
10 Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon, at nangasa gitna nila;
2 Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.
3 Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,
4 Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.
5 Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.
6 At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.
7 Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.
8 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.
9 Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi.
10 At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda.
11 At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.
13 At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
14 At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.
15 At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
16 At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.
17 At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
18 At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
19 Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
20 At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
21 Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib.
23 At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon.
24 At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.
25 At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.
26 At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.
27 At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
28 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
29 At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Libna, at lumaban sa Libna:
30 At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.
31 At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.
32 At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.
33 Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.
34 At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;
35 At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.
36 At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:
37 At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
38 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir; at nakipaglaban doon:
39 At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
40 Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng Panginoon ng Dios ng Israel.
41 At sinaktan sila ni Josue mula sa Cades-barnea hanggang sa Gaza, at ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.
42 At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
43 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.
Josue 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Natalo ng Israel ang mga Hari sa Timog
10 Nabalitaan ni Haring Adoni Zedek ng Jerusalem na inagaw ni Josue ang Ai at nilipol nang lubusan at pinatay ang hari nito, gaya ng ginawa niya sa Jerico at sa hari nito. Nabalitaan din niya na ang mga taga-Gibeon ay nakipagkaibigan na sa mga Israelita at namuhay kasama nila. 2 Natakot siya at ang mga tao sa kanyang nasasakupan dahil alam niya na ang Gibeon ay isang makapangyarihang lungsod na may sarili ring hari. Mas malaki pa ito sa Ai at ang mga sundalo nitoʼy mahuhusay makipaglaban. 3 Kaya nagpadala ng mensahe si Adoni Zedek kina Haring Hoham ng Hebron, Haring Piram ng Jarmut, Haring Jafia ng Lakish, at Haring Debir ng Eglon. 4 Ito ang mensahe niya, “Tulungan nʼyo akong lusubin ang Gibeon dahil nakipagkaibigan ito kay Josue at sa mga Israelita.” 5 Kaya nagkaisa ang limang hari ng mga Amoreo: ang hari ng Jerusalem, Hebron, Jarmut, Lakish at Eglon. Tinipon nila ang mga sundalo nila at nilusob ang Gibeon.
6 Nagpadala ng mensahe ang mga taga-Gibeon kay Josue sa kampo nito sa Gilgal. Sinabi nila, “Huwag nʼyo kaming pabayaan, kaming mga lingkod ninyo. Pumunta po kayo agad dito at iligtas kami. Tulungan nʼyo kami dahil pinagtutulungan kami ng lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa mga kabundukan.” 7 Kaya umalis si Josue kasama ang lahat ng sundalo niya, pati ang lahat ng mahuhusay makipaglaban. 8 Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanila. Ibibigay ko sila sa iyo. Wala kahit isa sa kanila ang makakatalo sa iyo.”
9 Buong gabing naglakad sina Josue mula sa Gilgal, at nilusob nila ang mga kalaban na walang kamalay-malay. 10 Sinindak ng Panginoon ang mga kalaban nang makaharap nila ang mga Israelita, at marami sa kanila ang pinatay doon sa Gibeon. Ang iba sa kanilaʼy hinabol at pinatay sa daang paakyat sa Bet Horon hanggang sa Azeka at Makeda. 11 Patuloy ang paghabol sa kanila ng mga Israelita habang bumababa sila galing sa Bet Horon. At nang papunta sila sa Azeka, pinaulanan sila ng Panginoon ng malalaking yelo at namatay sila. Mas marami pang namatay sa kanila sa yelo kaysa sa espada ng mga Israelita.
12 Nang araw na pinagtagumpay ng Panginoon ang mga Israelita laban sa mga Amoreo, nanalangin si Josue sa Panginoon. Pagkatapos, sinabi niya habang nakikinig ang mga Israelita, “Araw, tumigil ka sa taas ng Gibeon! Ikaw naman buwan, tumigil ka sa taas ng Lambak ng Ayalon.” 13 Kaya tumigil ang araw at ang buwan hanggang sa natalo ng mga Israelita ang mga kalaban nila.
Ang pangyayaring ito ay nakasulat sa Aklat ni Jashar. Tumigil ang araw sa gitna ng langit, at hindi ito lumubog sa buong araw. 14 Hindi pa nangyari ang ganito mula noon, mula noon, na sumagot ang Panginoon sa panalangin ng tao na kagaya nito. Tunay na nakikipaglaban ang Panginoon para sa Israel.
15 Pagkatapos, bumalik si Josue at ang lahat ng mga Israelita sa kampo nila sa Gilgal.
Pinatay ang Limang Hari ng mga Amoreo
16 Nakatakas ang limang hari at nagtago sa kweba sa Makeda. 17 Pero may nakakita sa kanila na doon sila nagtatago, at sinabi nila ito kay Josue. 18 Kaya sinabi ni Josue, “Tabunan nʼyo ng malalaking bato ang bukana ng kweba at bantayan ninyo. 19 Pero huwag kayong manatili roon kundi habulin nʼyo at lusubin ang mga naiwang kalaban. Siguraduhin ninyong hindi sila makakapasok sa mga lungsod nila. Dahil ibibigay sila sa inyo ng Panginoon na inyong Dios.”
20 Halos naubos ni Josue at ng mga Israelita ang mga kalaban nila. Pero mayroon ding nakaligtas at nakapasok sa mga napapaderang lungsod nito. 21 At bumalik ang lahat ng sundalo kay Josue sa kampo nila sa Makeda. Mula noon, wala nang nagtangkang magsalita laban sa mga Israelita.
22 At nag-utos si Josue, “Buksan nʼyo ang kweba at dalhin dito sa akin ang limang hari.” 23 Kaya pinalabas nila sa kweba ang limang hari: ang hari ng Jerusalem, Hebron, Jarmut, Lakish at Eglon. 24 Nang madala na ang limang hari kay Josue, tinipon ni Josue ang lahat ng mga Israelita at sinabi niya sa mga kumander ng mga sundalo niya, “Halikayo, at tapakan nʼyo ang leeg ng mga haring ito.” Kaya lumapit sila at tinapakan nila ang leeg ng mga haring iyon. 25 Sinabi sa kanila ni Josue, “Huwag kayong matakot o kayaʼy panghinaan ng loob. Magpakatatag kayo at magpakatapang. Ito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng kalaban ninyo.” 26 At pinatay ni Josue ang limang hari at ipinabitin sa limang puno hanggang hapon. 27 Nang lumubog na ang araw, ipinakuha ni Josue ang mga bangkay nila at ipinatapon sa kweba na pinagtaguan nila. Tinakpan nila ang bunganga ng kweba ng malalaking bato na hanggang ngayon ay naroon pa.
Sinakop ni Josue ang Iba pang mga Lugar ng mga Amoreo
28 Nang araw na iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinapatay niya ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang hari nito. Nilipol niya ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Makeda ang ginawa rin niya sa hari ng Jerico. 29 Mula sa Makeda, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Libna at nilusob ito. 30 Ibinigay din sa kanila ng Panginoon ang lungsod at ang hari nito. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Libna ang ginawa niya sa hari ng Jerico.
31 Mula sa Libna, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Lakish. Pinalibutan nila ito at nilusob. 32 Ibinigay ng Panginoon ang Lakish sa mga Israelita sa ikalawang araw ng labanan. Gaya ng ginawa nila sa Libna, pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Lakish. 33 Habang nilulusob nila ang Lakish, si Haring Horam ng Gezer at ang mga sundalo nito ay tumulong sa Lakish, pero natalo sila ni Josue, at walang naiwang buhay sa kanila.
34 Mula sa Lakish, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Eglon. Pinalibutan din nila ito at nilusob. 35 Sa mismong araw na iyon, nasakop nila ang Eglon at pinatay ang lahat ng naninirahan dito. Nilipol nila ito nang lubusan gaya ng ginawa nila sa Lakish.
36 Mula sa Eglon, umahon si Josue at ang mga Israelita sa Hebron at nilusob ito. 37 Sinakop nila ang lungsod, at pinatay nila ang hari at ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang mga tao sa karatig baryo. Walang naiwang buhay. Winasak nila nang lubusan ang buong lungsod gaya ng ginawa nila sa Eglon.
38 Pagkatapos nito, bumalik si Josue at ang mga Israelita at lumusob sa Debir. 39 Inagaw nila ang lungsod at pinatay ang hari at ang lahat ng naninirahan dito, pati ang mga tao sa karatig baryo. Nilipol nila ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ang ginawa nila sa Hebron at Libna at sa mga hari nito ay ginawa rin nila sa Debir at sa hari nito.
40 Sinakop nga ni Josue ang buong lupain – ang mga kabundukan, ang Negev, ang kaburulan sa kanluran[a] at mga libis, pati na ang mga hari nito. Nilipol nang lubusan nina Josue ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa nila ito ayon sa utos ng Panginoon, ang Dios ng Israel. 41 Sinakop ni Josue ang mga lugar mula sa Kadesh Barnea hanggang sa Gaza, at mula sa buong lupain ng Goshen hanggang sa Gibeon. 42 Sinakop ni Josue ang lahat ng lupain at ang mga hari nito sa minsanang paglusob lamang, dahil ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ang tumulong sa kanila sa pakikipaglaban. 43 Pagkatapos, bumalik si Josue at ang lahat ng Israelita sa kampo nila sa Gilgal.
Footnotes
- 10:40 kaburulan sa kanluran: Tingnan ang “footnote” sa 9:1.
Joshua 10
New International Version
The Sun Stands Still
10 Now Adoni-Zedek(A) king of Jerusalem(B) heard that Joshua had taken Ai(C) and totally destroyed[a](D) it, doing to Ai and its king as he had done to Jericho and its king, and that the people of Gibeon(E) had made a treaty of peace(F) with Israel and had become their allies. 2 He and his people were very much alarmed at this, because Gibeon was an important city, like one of the royal cities; it was larger than Ai, and all its men were good fighters. 3 So Adoni-Zedek king of Jerusalem appealed to Hoham king of Hebron,(G) Piram king of Jarmuth,(H) Japhia king of Lachish(I) and Debir(J) king of Eglon.(K) 4 “Come up and help me attack Gibeon,” he said, “because it has made peace(L) with Joshua and the Israelites.”
5 Then the five kings(M) of the Amorites(N)—the kings of Jerusalem, Hebron, Jarmuth, Lachish and Eglon—joined forces. They moved up with all their troops and took up positions against Gibeon and attacked it.
6 The Gibeonites then sent word to Joshua in the camp at Gilgal:(O) “Do not abandon your servants. Come up to us quickly and save us! Help us, because all the Amorite kings from the hill country have joined forces against us.”
7 So Joshua marched up from Gilgal with his entire army,(P) including all the best fighting men. 8 The Lord said to Joshua, “Do not be afraid(Q) of them; I have given them into your hand.(R) Not one of them will be able to withstand you.”(S)
9 After an all-night march from Gilgal, Joshua took them by surprise. 10 The Lord threw them into confusion(T) before Israel,(U) so Joshua and the Israelites defeated them completely at Gibeon.(V) Israel pursued them along the road going up to Beth Horon(W) and cut them down all the way to Azekah(X) and Makkedah.(Y) 11 As they fled before Israel on the road down from Beth Horon to Azekah, the Lord hurled large hailstones(Z) down on them,(AA) and more of them died from the hail than were killed by the swords of the Israelites.
12 On the day the Lord gave the Amorites(AB) over to Israel, Joshua said to the Lord in the presence of Israel:
“Sun, stand still over Gibeon,
and you, moon, over the Valley of Aijalon.(AC)”
13 So the sun stood still,(AD)
and the moon stopped,
till the nation avenged itself on[b] its enemies,
as it is written in the Book of Jashar.(AE)
The sun stopped(AF) in the middle of the sky and delayed going down about a full day. 14 There has never been a day like it before or since, a day when the Lord listened to a human being. Surely the Lord was fighting(AG) for Israel!
15 Then Joshua returned with all Israel to the camp at Gilgal.(AH)
Five Amorite Kings Killed
16 Now the five kings had fled(AI) and hidden in the cave at Makkedah. 17 When Joshua was told that the five kings had been found hiding in the cave at Makkedah, 18 he said, “Roll large rocks up to the mouth of the cave, and post some men there to guard it. 19 But don’t stop; pursue your enemies! Attack them from the rear and don’t let them reach their cities, for the Lord your God has given them into your hand.”
20 So Joshua and the Israelites defeated them completely,(AJ) but a few survivors managed to reach their fortified cities.(AK) 21 The whole army then returned safely to Joshua in the camp at Makkedah, and no one uttered a word against the Israelites.
22 Joshua said, “Open the mouth of the cave and bring those five kings out to me.” 23 So they brought the five kings out of the cave—the kings of Jerusalem, Hebron, Jarmuth, Lachish and Eglon. 24 When they had brought these kings(AL) to Joshua, he summoned all the men of Israel and said to the army commanders who had come with him, “Come here and put your feet(AM) on the necks of these kings.” So they came forward and placed their feet(AN) on their necks.
25 Joshua said to them, “Do not be afraid; do not be discouraged. Be strong and courageous.(AO) This is what the Lord will do to all the enemies you are going to fight.” 26 Then Joshua put the kings to death and exposed their bodies on five poles, and they were left hanging on the poles until evening.
27 At sunset(AP) Joshua gave the order and they took them down from the poles and threw them into the cave where they had been hiding. At the mouth of the cave they placed large rocks, which are there to this day.(AQ)
Southern Cities Conquered
28 That day Joshua took Makkedah. He put the city and its king to the sword and totally destroyed everyone in it. He left no survivors.(AR) And he did to the king of Makkedah as he had done to the king of Jericho.(AS)
29 Then Joshua and all Israel with him moved on from Makkedah to Libnah(AT) and attacked it. 30 The Lord also gave that city and its king into Israel’s hand. The city and everyone in it Joshua put to the sword. He left no survivors there. And he did to its king as he had done to the king of Jericho.
31 Then Joshua and all Israel with him moved on from Libnah to Lachish;(AU) he took up positions against it and attacked it. 32 The Lord gave Lachish into Israel’s hands, and Joshua took it on the second day. The city and everyone in it he put to the sword, just as he had done to Libnah. 33 Meanwhile, Horam king of Gezer(AV) had come up to help Lachish, but Joshua defeated him and his army—until no survivors were left.
34 Then Joshua and all Israel with him moved on from Lachish to Eglon;(AW) they took up positions against it and attacked it. 35 They captured it that same day and put it to the sword and totally destroyed everyone in it, just as they had done to Lachish.
36 Then Joshua and all Israel with him went up from Eglon to Hebron(AX) and attacked it. 37 They took the city and put it to the sword, together with its king, its villages and everyone(AY) in it. They left no survivors. Just as at Eglon, they totally destroyed it and everyone in it.
38 Then Joshua and all Israel with him turned around and attacked Debir.(AZ) 39 They took the city, its king and its villages, and put them to the sword. Everyone in it they totally destroyed. They left no survivors. They did to Debir and its king as they had done to Libnah and its king and to Hebron.(BA)
40 So Joshua subdued the whole region, including the hill country, the Negev,(BB) the western foothills and the mountain slopes,(BC) together with all their kings.(BD) He left no survivors. He totally destroyed all who breathed, just as the Lord, the God of Israel, had commanded.(BE) 41 Joshua subdued them from Kadesh Barnea(BF) to Gaza(BG) and from the whole region of Goshen(BH) to Gibeon. 42 All these kings and their lands Joshua conquered in one campaign, because the Lord, the God of Israel, fought(BI) for Israel.
43 Then Joshua returned with all Israel to the camp at Gilgal.(BJ)
Footnotes
- Joshua 10:1 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them; also in verses 28, 35, 37, 39 and 40.
- Joshua 10:13 Or nation triumphed over
Иисус Навин 10
1940 Bulgarian Bible
10 А като чу ерусалимският цар Адониседек, че Исус превзел Гай и го обрекъл на изтребление, и че както сторил на Ерихон и на царя му така сторил на Гай и на царя му, и че жителите на Гаваон сключили мир с Израиля и останали между тях,
2 уплашиха се много, <той и людете му>, защото Гаваон беше голям град, като един от царските градове, и защото беше по-голям от Гай, и всичките му мъже бяха силни.
3 За това, ерусалимският цар Адониседек прати до хевронския цар Оам, до ярмутския цар Пирам, до лахийския цар Яфий и до еглонския цар Девир, да рекат:
4 Дойдете при мене та ми помогнете, и нека поразим Гаваон, защото сключил мир с Исуса и с израилтяните.
5 И така, събраха се тия петима аморейски царе: ерусалимският цар, хевронският цар, ярмутският цар, лахийският цар и еглонският цар, та отидоха, те и всичките им войнства, и разположиха стана си пред Гаваон и воюваха против него.
6 Тогава гаваонците пратиха до Исуса в стана у Галгал да рекат: Да не оттеглиш ръка от слугите си; скоро дойди при нас и избави ни и помогни ни, защото се събраха против нас всичките аморейски царе, които живеят в хълмистите места.
7 И тъй, Исус се качи от Галгал, той и всичките военни люде с него, и всичките силни и храбри мъже.
8 И Господ каза на Исуса: Да се не убоиш от тях, защото ги предадох в ръката ти; никой от тях няма да устои пред тебе.
9 Исус, прочее, дойде върху тях внезапно, като беше се качвал цяла нощ от Галгал.
10 И Господ ги смути пред Израиля; и <Исус> ги порази с голямо поражение в Гаваон, и гони ги из нагорнището, по което се отива за Веторон, и поразяваше ги до Азика и до Макида.
11 А като бягаха от Израиля и бяха в надолнището при Веторон, Господ хвърляше на тях големи камъни от небето до Азика, та измряха; умрелите от камъните на градушката бяха по-много от ония, които израилтяните убиха с нож.
12 Тогава говори Исус Господу, в деня когато Господ предаде аморейците на израилтяните, като рече пред очите на Израиля: Застани, слънце, над Гаваон, И ти, луно, над долината Еалон.
13 И слънцето застана и луната се спря, Догдето мъздовъздадоха людете на неприятелите си. Това не е ли записано в Книгата на Праведния? Слънцето застана всред небето, и не побърза да дойде почти цял ден.
14 Такъв ден не е имало ни по-напред ни после, щото <така> да послуша Господ човешки глас; защото Господ воюваше за Израиля,
15 След това Исус се върна, и целият Израил с него, в стана у Галгал.
16 А ония петима царе побягнаха та се скриха в пещерата при Макида.
17 Известиха, прочее, на Исуса, казвайки: Петимата царе се намериха скрити в пещерата при Макида.
18 И Исус каза: Привалете големи камъни на входа на пещерата и поставете човеци при нея да ги пазят;
19 а вие не стойте; гонете неприятелите си и поразете най-последните от тях; не ги оставяйте да влязат в градовете си, защото Господ вашият Бог ги предаде в ръцете ви.
20 И когато Исус и израилтяните ги поразиха с твърде голямо клане, догдето бяха изтребени, и останалите от тях, които оцеляха, влязоха в укрепени градове,
21 тогава всичките люде се върнаха с мир в стана при Исуса у Макида; никой не поклати език против някого от израилтяните.
22 Тогава рече Исус: Отворете входа на пещерата та изведете при мене ония петима царе из пещерата.
23 И сториха така, и изведоха при него ония петима царе из пещерата: ерусалимския цар, хевронския цар, ярмутския цар, лахиския цар и еглонския цар.
24 И като изведоха при Исуса ония царе, Исус повика всичките Израилеви мъже и рече на началниците на военните мъже, които бяха ходили с него: Приближете се, турете нозете си на вратовете на тия царе, и те се приближиха и туриха нозете си на вратовете им.
25 Исус още им каза: Не бойте се, нито се страхувайте, бъдете силни и дръзновени, понеже така ще стори Господ на всичките ви неприятели, против които воювате.
26 А подир това Исус ги порази, уби ги и ги обеси на пет дървета; и висяха на дърветата до вечерта.
27 А при захождането на слънцето Исус заповяда, та ги снеха от дърветата, хвърлиха ги в пещерата, гдето бяха се скрили, и във входа на пещерата туриха големи камъни, <които стоят там> и до днес.
28 В същия ден Исус превзе Макида и порази нея и царя й с острото на ножа; изтреби като обречени, тях и колкото души имаше в нея, не остави <никого> да избяга {Еврейски: да оцелее.}; стори на макидския цар както бе сторил на ерихонския цар.
29 След това Исус и целият Израил с него премина от Макида в Ливна и воюваше против Ливна.
30 И Господ предаде и нея и царя й в ръката на Израиля; и порази с острото на ножа си нея и колкото души имаше в нея; не остави <никого> да избяга от нея; и стори на царя й както бе сторил на ерихонския цар.
31 После Исус и целият Израил с него премина от Ливна в Лахис, разположи стан срещу него, и воюваше против него.
32 И Господ предаде Лахис в ръката на Израиля; и превзеха го на втория ден, и поразиха с острото на ножа него и колкото души имаше в него, според всичко що сториха на Ливна.
33 Тогава гезерският цар Орам дойде да помогне на Лахис; но Исус поразяваше него и людете му, догдето не му остави остатък.
34 И от Лахис, Исус и целият Израил с него, премина в Еглон, разположиха стан срещу него, и воюваха против него;
35 и в същия ден го превзеха и поразиха го с острото на ножа; в същия ден <Исус> изтреби, като обречени, колкото души имаше в него, според всичко, що стори в Лахис.
36 После Исус и целият Израил с него отиде от Еглон в Хеврон, и воюваха против него;
37 и като го превзеха, поразиха с острото на ножа него, царя му, всичките му градове и колкото души имаше в него; не остави <никого> да избяга, според всичко, що стори на Еглон, но изтреби него и колкото души имаше в него.
38 А след това Исус и целият Израил с него се върна в Девир и воюва против него;
39 и превзе него, царя му и всичките му градове; и поразиха ги с острото на ножа, и изтребиха колкото души имаше в него; не остави <никого> да избяга {Еврейски: да оцелее.}; стори на Девир и на царя му както стори на Хеврон, и както бе сторил на Ливна и на царя й.
40 Така Исус порази цялата хълмиста, южна и полянска земя, и подгорията, и всичките им царе; не остави <никого> да избяга, но изтреби всичко, що дишаше, според както Господ Израилевият Бог беше заповядал.
41 Исус ги порази от Кадис-варни до Газа, и цялата Гесенска земя до Гаваон.
42 Всички тия царе и земята им Исус превзе изведнъж, защото Господ Израилевият Бог воюваше за Израиля.
43 Тогава Исус и целият Израил с него се завърна в стана у Галгал.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
© 1995-2005 by Bibliata.com
