Add parallel Print Page Options

Ang Gabaon ay sinalakay ng limang kaharian.

10 Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa (A)sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa (B)Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga (C)taga Gabaon, at nangasa gitna nila;

Ay (D)natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.

Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa (E)Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa (F)Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,

Read full chapter