Add parallel Print Page Options

11 At tinatangkilik ng (A)Manases sa Issachar at sa Aser ang (B)Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (C)Endor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (D)Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan.

12 (E)Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon.

13 At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa (F)pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas.

Read full chapter