约书亚记 17
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
17 以下是约瑟的长子玛拿西支派分到的土地:玛拿西的长子、基列的父亲玛吉是个战士,因此分到了基列和巴珊两地。 2 玛拿西其他的子孙也按宗族分到了土地,他们属于亚比以谢、希勒、亚斯列、示剑、希弗和示米大宗族。这些男子按宗族都是约瑟的儿子玛拿西的后代。 3 玛拿西的玄孙、玛吉的曾孙、基列的孙子、希弗的儿子西罗非哈没有儿子,只有五个女儿,名叫玛拉、挪阿、曷拉、密迦、得撒。 4 她们来见祭司以利亚撒、嫩的儿子约书亚和各首领,说:“耶和华曾经吩咐摩西在我们亲族中分给我们产业。”约书亚便照耶和华的吩咐,让她们在叔伯中也分到产业。 5 除了约旦河东的基列和巴珊两地以外,玛拿西人还分到十块土地, 6 因为在玛拿西的后代中,女性也分到了产业。玛拿西其他的子孙分到基列地区。
7 玛拿西支派分到的产业从亚设开始,到示剑东面的密米他,再向南到隐·他普亚人居住的地方。 8 他普亚地属于玛拿西,但在玛拿西边界上的他普亚城属于以法莲的子孙。 9 边界继续向南到加拿河,在河南侧玛拿西境内的城邑都归以法莲。玛拿西的边界沿着加拿河北侧直到地中海。 10 这样,南面归以法莲,北面归玛拿西,西部边界是地中海,北接亚设,东邻以萨迦。 11 在以萨迦和亚设境内,玛拿西拥有伯·善、以伯莲、多珥、隐·多珥、他纳和米吉多及其附近的乡村。 12 可是,玛拿西人没能把这些城邑的迦南人赶走,因为他们执意不肯离开。 13 当以色列人国势强盛的时候,就让迦南人服劳役,但始终没有把他们完全赶走。
14 约瑟的子孙对约书亚说:“耶和华赐福给我们,使我们人口众多,为什么你只让我们抽一支签,分一份产业呢?” 15 约书亚对他们说:“如果你们人口众多,认为以法莲山区窄小,你们可以到比利洗人和利乏音人居住的地方开辟林区。” 16 他们答道:“那些地方不够我们住,何况住在伯·善一带和耶斯列平原的迦南人都有铁战车。” 17 约书亚对约瑟的子孙以法莲人和玛拿西人说:“你们人口众多,势力强大,不应只得一签之地, 18 山区也要分给你们,虽然全是森林,但可以开辟土地,使整个地区归你们。虽然迦南人强盛,有铁战车,但你们能够赶走他们。”
Josue 17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Lupain ng Kalahating Lahi ni Manase
17 May ibinigay din na mga lupain para sa kalahating lahi ni Manase, na panganay na anak ni Jose. Ang Gilead at ang Bashan sa silangan ng Ilog ng Jordan ay ibinigay kay Makir dahil mabuti siyang sundalo. (Si Makir ang panganay ni Manase at ang ama ni Gilead.) 2 Ang lupain sa kanluran ng Jordan ay ibinigay sa ibang mga lahi ni Manase: ang mga sambahayan nina Abiezer, Helek, Asriel, Shekem, Hefer at Shemida. Sila ang mga lalaking anak ni Manase, at mga pinuno ng kani-kanilang angkan.
3 Ngayon, may isang tao na ang pangalan ay si Zelofehad. Anak siya ni Hefer at apo ni Gilead. Si Gilead ay anak ni Makir, at si Makir ay anak ni Manase. Si Zelofehad ay walang anak na lalaki kundi mga babae lang. Silaʼy sina Mahlah, Noe, Hogla, Milka at Tirza. 4 Pumunta sila kina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun at sa mga pinuno, at sinabi, “Nag-utos po ang Panginoon kay Moises na bigyan kami ng lupain gaya po ng mga kamag-anak naming lalaki.” Kaya binigyan sila ng bahagi nila ayon sa iniutos ng Panginoon. 5 Ito ang dahilan kung bakit ang lahi ni Manase ay nakatanggap ng sampung bahagi ng lupain, hindi kasama ang Gilead at Bashan sa silangan ng Jordan, 6 dahil binigyan din ng bahagi ang mga kalahing babae kagaya ng mga kalahi niyang lalaki. Ang Gilead ay ibinigay sa iba pang lahi ni Manase.
7 Ang hangganan ng lupain ng lahi ni Manase ay nagmula sa Asher hanggang sa Micmetat, sa silangan ng Shekem papuntang timog sa lupain ng mga nakatira malapit sa bukal ng Tapua.[a] 8 (Ang mga lupain sa paligid ng Tapua ay pagmamay-ari ng lahi ni Manase, pero ang Tapua, na nasa hangganan ng lupain ni Manase ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim.) 9 Tumuloy ito sa hangganan na papunta sa Lambak ng Kana. Sa timog ng lambak na ito ay may mga bayan na pagmamay-ari ng lahi ni Efraim, kahit na kasama ito sa mga bayan ng lahi ni Manase. Ang hangganan ng lahi ni Manase ay patuloy sa hilaga ng lambak hanggang sa Dagat ng Mediteraneo. 10 Ang lupain sa timog ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim at ang lupain sa hilaga ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Manase. Ang hangganan ng lupain ng lahi ni Manase sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo. Ang nasa hilaga ng lahi ni Manase ay ng lahi ni Asher, at ang nasa silangan ay ng lahi ni Isacar. 11 Ito ang mga bayan sa lupain ng lahi nina Isacar at Asher na ibinigay sa lahi ni Manase: ang Bet Shan, Ibleam, Dor (na tinatawag ding Nafat Dor), Endor, Taanac, Megido at ang mga bayan sa paligid nito. 12 Pero hindi naangkin ng mga lahi ni Manase ang mga bayan na ito dahil hindi nila mapaalis ang mga Cananeo roon. 13 Ngunit nang matatag na ang mga Israelita, inalipin nila ang mga Cananeo, pero hindi nila itinaboy nang lubusan ang mga ito.
14 Sinabi ng mga lahi ni Jose kay Josue, “Bakit isang bahagi lang ng lupain ang ibinigay mo sa amin? Napakarami namin dahil pinagpala talaga kami ng Panginoon.”
15 Sumagot si Josue, “Kung talagang marami kayo at maliit para sa inyo ang mga kabundukan ng Efraim, pumunta kayo sa mga kagubatan ng mga Perezeo at Refaimeo. Linisin nʼyo ang lugar na iyon para sa sarili ninyo.”
16 Sinabi ng mga lahi ni Jose, “Ang mga kabundukan ay maliit para sa amin. At hindi namin kaya ang mga Cananeo sa kapatagan dahil may mga karwahe silang bakal. At ganoon din ang mga Cananeo sa Bet Shan at sa mga bayan sa paligid nito at sa Lambak ng Jezreel.”
17 Sumagot si Josue, “Dahil napakarami nʼyo at makapangyarihan, hindi lang isa ang bahagi nʼyo, 18 magiging inyo rin ang mga kagubatan ng kabundukan. Kahit magubat ito, linisin na lang ninyo, dahil magiging inyo ito mula sa unahan hanggang sa dulo. At tiyak na maitataboy nʼyo ang mga Cananeo kahit makapangyarihan pa sila at may mga karwaheng bakal.”
Footnotes
- 17:7 nakatira malapit sa bukal ng Tapua: o, nakatira sa En Tapua.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®