Jonas 2
Ang Biblia (1978)
Ang panalangin ni Jonas.
2 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2 At kaniyang sinabi,
Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati,
At siya'y sumagot sa akin;
Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw,
At iyong dininig ang aking tinig.
3 Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat,
At ang tubig ay nasa palibot ko;
(A)Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4 At (B)aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata;
Gayon ma'y titingin ako uli sa (C)iyong banal na templo.
5 Kinukulong (D)ako ng tubig sa palibot (E)hanggang sa kaluluwa;
Ang kalaliman ay nasa palibot ko;
Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6 Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok;
Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man:
Gayon ma'y isinampa mo ang aking buhay (F)mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7 Nang ang (G)aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon;
(H)At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya
Binabayaan ang (I)kanilang sariling kaawaan.
9 Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng (J)pasasalamat;
Aking tutuparin yaong aking ipinanata.
Kaligtasa'y sa Panginoon.
10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Jonas 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Nanalangin si Jonas
2 Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda. 2 Sinabi niya,
“Panginoon, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi po ako ng tulong sa inyo,
at sinagot nʼyo ako.
Sa bingit ng kamatayan,[a] humingi ako ng tulong sa inyo,
at pinakinggan nʼyo ako.
3 Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat.
Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo.
4 Pinalayas nʼyo ako sa inyong presensya,
pero umaasa pa rin akong makakalapit muli ako sa inyo roon sa inyong banal na templo.
5 Lumubog po ako sa tubig at halos malunod.
Natabunan ako ng tubig at ang ulo ko ay napuluputan ng mga halamang-dagat.
6 Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat,
at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman.
Pero kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Dios.
7 Nang parang mamamatay na ako,[b] tumawag ako sa inyo, Panginoon,
at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko roon sa inyong banal na templo.
8 Ang mga taong sumasamba sa mga walang kwentang dios-diosan ay hindi na tapat sa inyo.
9 Pero maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat.
Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo.
Kayo po, Panginoon, ang nagliligtas.”
10 Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.
Jonah 2
New International Version
2 1 [a]From inside the fish Jonah prayed to the Lord his God. 2 He said:
“In my distress I called(A) to the Lord,(B)
and he answered me.
From deep in the realm of the dead(C) I called for help,
and you listened to my cry.
3 You hurled me into the depths,(D)
into the very heart of the seas,
and the currents swirled about me;
all your waves(E) and breakers
swept over me.(F)
4 I said, ‘I have been banished
from your sight;(G)
yet I will look again
toward your holy temple.’(H)
5 The engulfing waters threatened me,[b]
the deep surrounded me;
seaweed was wrapped around my head.(I)
6 To the roots of the mountains(J) I sank down;
the earth beneath barred me in forever.
But you, Lord my God,
brought my life up from the pit.(K)
7 “When my life was ebbing away,
I remembered(L) you, Lord,
and my prayer(M) rose to you,
to your holy temple.(N)
8 “Those who cling to worthless idols(O)
turn away from God’s love for them.
9 But I, with shouts of grateful praise,(P)
will sacrifice(Q) to you.
What I have vowed(R) I will make good.
I will say, ‘Salvation(S) comes from the Lord.’”
10 And the Lord commanded the fish, and it vomited Jonah onto dry land.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

