Add parallel Print Page Options

Pinagtaguan ni Jonas si Yahweh

Ang(A) aklat na ito ay naglalaman ng mensahe ni Yahweh sa pamamagitan ni Jonas na anak ni Amitai. Isang araw, sinabi sa kanya ni Yahweh: “Pumunta ka sa Nineve na isang malaking lunsod, at sabihin mo sa mga tagaroon na umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasalanan.” Sa halip na sumunod, ipinasya ni Jonas na takasan si Yahweh. Nagtungo siya sa Joppa, at doon ay nakatagpo ng isang barkong patungong Tarsis. Pagkatapos na magbayad ng pamasahe, sumakay siya sa barko upang maglakbay kasama ng iba pang mga pasahero patungong Tarsis. Sa ganitong paraan ay inakala niyang makakatakas siya kay Yahweh.

Ngunit nang sila'y nasa laot na, nagpadala si Yahweh ng isang malakas na bagyo kaya't halos mawasak ang barko. Dahil dito, labis na natakot ang mga tripulante kaya't silang lahat ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Pagkatapos, inihulog nila sa dagat ang mga kargamento para gumaan ang sasakyan. Samantala, si Jonas naman ay mahimbing na natutulog sa isang sulok sa ibabang palapag ng barko.

Nakita siya ng kapitan at ginising, “Ano't nagagawa mo pang matulog? Bumangon ka't manalangin sa iyong diyos, baka sakaling kaawaan niya tayo at iligtas sa kamatayan.”

Nag-usap-usap ang mga tripulante, “Magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng lahat ng ito.” Gayon nga ang kanilang ginawa at nabunot ang pangalan ni Jonas. Kaya't siya'y kinausap nila, “Sabihin mo sa amin kung sino ang dapat sisihin sa nangyayaring ito. Anong ginagawa mo rito? Saang bansa ka galing? Tagasaan ka at anong lahi mo?”

Sumagot si Jonas, “Ako ay isang Hebreo at sumasamba ako kay Yahweh, ang Diyos ng kalangitan na lumikha ng dagat at ng lupa.” 10 Sinabi ni Jonas na tinakasan niya si Yahweh. Nakadama ng matinding takot ang mga nakarinig kaya sinabi nila kay Jonas, “Napakalaking kasalanan ang ginawa mo!”

11 Lalong lumakas ang bagyo, kaya tinanong nila si Jonas, “Ano ang dapat naming gawin sa iyo para pumayapa ang dagat?”

12 “Ihagis ninyo ako sa dagat at papayapa ito. Alam kong ako ang dahilan kaya nagkaroon ng ganito kalakas na bagyo,” sagot niya.

13 Gayunpaman, sinikap ng mga tripulante na itabi ang barko, ngunit wala silang magawâ sapagkat lalong lumalakas ang bagyo. 14 Kaya't nanalangin sila kay Yahweh nang ganito: “Yahweh, huwag po ninyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin sa taong ito. Huwag po ninyo kaming parusahan kung mamatay man ang taong ito. Kayo po Yahweh ang may pananagutan dito.” 15 Pagkasabi nito, binuhat nila si Jonas at inihagis sa dagat. Agad namang pumayapa ang dagat. 16 Dahil dito, nagkaroon sila ng matinding takot kay Yahweh kaya't sila'y nag-alay ng handog at nangakong maglilingkod sa kanya.

17 Sa(B) utos ni Yahweh, nilamon si Jonas ng isang dambuhalang isda at siya'y nanatili ng tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan nito.

Господното слово дойде към Иона Аматиевия син и рече:

Стани, иди в големия град Ниневия и викай против него; защото нечестието му възлезе пред Мене.

Но Иона стана да побегне в Тарсис от Господното присъствие; и, като слезе в Иопия, намери кораб който отиваше в Тарсис, плати за превоза си и влезе в него за да отиде с тях в Тарсис от Господното присъствие.

Но Господ подигна силен вятър по морето, и стана голяма буря в морето, тъй че корабът изглеждаше, че ще се разбие.

Тогава моряците, уплашени, извикаха всеки към своя бог, и хвърлиха в морето стоките, които бяха в кораба, за да олекне от тях; а Иона бе слязъл и легнал във дъното на кораба, и спеше дълбоко.

Затова корабоначалникът се приближи при него и рече: Какво става с тебе, спящий? Стани, призови Бога си, негли Бог си спомни за нас, и не загинем.

После си рекоха един на друг: Елате, да хвърлим жребие та да познаем по коя причина е това зло на нас. И като хвърлиха жребие, то падна на Иона.

Тогава му рекоха: Кажи ни, молим ти се, по коя причина е това зло на нас. Каква ти е работата? и от где идеш? от коя си земя? и от кои си люде?

А той им рече: Аз съм евреин, и се боя от Господа небесния Бог, който направи морето и сушата.

10 Тогава човеците се много уплашиха, и рекоха му: Защо си сторил това? (Защото човеците знаеха, че бягаше от Господното присъствие, понеже беше им казал.)

11 Тогава му рекоха: Що да ти сторим за да утихне за нас морето? (Защото морето ставаше все по-бурно).

12 И рече им: Вземете ме та ме хвърлете в морето, и морето ще утихне за вас; защото зная, че поради мене ви постигна тая голяма буря.

13 Но пак, човеците гребяха силно за да се върнат към сушата; но не можаха, защото морето ставаше все по-бурно против тях.

14 Затова извикаха към Господа, казвайки: Молим Ти се, Господи, молим Ти се, да не загинем поради живота на тоя човек; и не налагай върху нас невинна кръв; защото Ти, Господи, си сторил каквото си искал.

15 И тъй, взеха Иона та го хвърлиха в морето; и яростта на морето престана.

16 Тогава човеците се убояха твърде много от Господа; и принесоха жертва Господу, и направиха обреци.

17 А Господ бе определил една голяма риба да погълне Иона; и Иона остана във вътрешността на рибата три дни и три нощи.