Jonas 1:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa (A)Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa (B)Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula (C)sa harapan ng Panginoon.
4 Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.
5 Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing (D)ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang (E)inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978