Add parallel Print Page Options

Nagalit si Jonas Dahil sa Pagkahabag ng Panginoon

Sumama ang loob ni Jonas dahil sa pagpapatawad ng Panginoon sa Nineve, at galit na galit siya. Sinabi niya sa Panginoon nang siya ay manalangin, “O Panginoon, talagang hindi ako nagkamali nang sabihin ko noong naroon pa ako sa aming lugar na kaaawaan mo ang mga taga-Nineve kung magsisisi sila, dahil alam ko na mahabagin kang Dios at mapagmalasakit. Mapagmahal ka at hindi madaling magalit. At handa kang magbago ng isip na hindi na magpadala ng parusa. Iyan ang dahilan kung bakit tumakas ako papuntang Tarshish. Kaya Panginoon, kunin mo na lang ako, dahil mas mabuti pang mamatay ako kaysa mabuhay.” Sumagot ang Panginoon, “May karapatan ka bang magalit sa ginawa ko sa Nineve?”

Lumabas si Jonas sa lungsod at umupo sa gawing silangan nito. Gumawa siya ng masisilungan at sumilong doon habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lungsod. Pero naiinitan pa rin si Jonas, kaya pinatubo ng Panginoong Dios ang isang malagong halaman na lampas tao upang maliliman siya. At labis namang ikinagalak iyon ni Jonas. Pero kinabukasan nang maaga pa, ipinakain ng Dios sa uod ang halamang iyon at nalanta ito.

Pagsikat ng araw, pinaihip ng Dios ang mainit na hangin mula sa silangan. Halos mahimatay si Jonas nang masikatan ng araw ang ulo niya. Nais niyang mamatay na lang, kaya sinabi niya, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa mabuhay.” Sinabi ng Dios sa kanya, “May karapatan ka bang magalit dahil sa nangyari sa halaman?” Sumagot siya, “Oo, mayroon akong karapatang magalit, kaya mas mabuti pang mamatay na lang ako.” 10 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Nanghinayang ka nga sa halamang iyon na tumubo sa loob lamang ng isang gabi at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo. 11 Ako pa kaya ang hindi manghinayang sa malaking lungsod ng Nineve na may mahigit 120,000 tao na walang alam tungkol sa aking mga kautusan[a] at marami ring mga hayop?”

Footnotes

  1. 4:11 na walang alam … mga kautusan: sa literal, na hindi alam kung alin ang kanilang kanan o kaliwang kamay.

Jonas vrede och Guds svar

Då blev Jona mycket besviken och uppretad. Han bad till Herren: ”Herre, detta är väl precis vad jag sa medan jag ännu var hemma i mitt eget land! Det var därför som jag försökte komma undan och ge mig i väg till Tarshish. Jag visste ju att du var en nådig och barmhärtig Gud, sen till vrede och nåderik, och att du skulle ångra det onda. Så ta nu mitt liv, Herre! Döden är ju bättre för mig än livet.” Herren sa: ”Är din vrede befogad?”

Jona gick ut ur staden och slog sig ner öster om den. Där gjorde han en hydda åt sig och satt i dess skugga och väntade på att få se vad som skulle hända med staden.

Herren Gud lät då en ricinbuske[a] växa upp över Jona, för att ge hans huvud skugga och befria honom från hans missmod. Jona blev mycket glad över busken. Men i gryningen nästa morgon lät Gud en mask angripa busken så att den vissnade. När solen gick upp lät Gud en brännande östanvind blåsa. Solen brände Jonas huvud, han blev utmattad och önskade sig döden: ”Döden är bättre för mig än livet”, sa han. Då sa Gud till Jona: ”Är din vrede för ricinbuskens skull befogad?” ”Ja, det är den, jag är så arg att jag kan dö”, svarade Jona.

10 Då sa Herren: ”Du gör dig bekymmer för en buske som du inte har behövt arbeta för eller fått att växa. Den kom till på en natt och förgicks på en natt. 11 Skulle jag då inte bekymra mig för Nineve, den stora staden, där det finns över 120 000 invånare, som inte kan skilja mellan höger och vänster, och dessutom så många djur?”

Footnotes

  1. 4:6 Det hebreiska ordets betydelse är osäker; ev. någon sorts gurk- eller kurbitsväxt, men i vilket fall som helst mycket snabbväxande.