Jonah 4
New King James Version
Jonah’s Anger and God’s Kindness
4 But it displeased Jonah exceedingly, and he became angry. 2 So he prayed to the Lord, and said, “Ah, Lord, was not this what I said when I was still in my country? Therefore I (A)fled previously to Tarshish; for I know that You are a (B)gracious and merciful God, slow to anger and abundant in lovingkindness, One who relents from doing harm. 3 (C)Therefore now, O Lord, please take my life from me, for (D)it is better for me to die than to live!”
4 Then the Lord said, “Is it right for you to be angry?”
5 So Jonah went out of the city and sat on the east side of the city. There he made himself a shelter and sat under it in the shade, till he might see what would become of the city. 6 And the Lord God prepared a [a]plant and made it come up over Jonah, that it might be shade for his head to deliver him from his misery. So Jonah [b]was very grateful for the plant. 7 But as morning dawned the next day God prepared a worm, and it so damaged the plant that it withered. 8 And it happened, when the sun arose, that God prepared a vehement east wind; and the sun beat on Jonah’s head, so that he grew faint. Then he wished death for himself, and said, (E)“It is better for me to die than to live.”
9 Then God said to Jonah, “Is it right for you to be angry about the plant?”
And he said, “It is right for me to be angry, even to death!”
10 But the Lord said, “You have had pity on the plant for which you have not labored, nor made it grow, which [c]came up in a night and perished in a night. 11 And should I not pity Nineveh, (F)that great city, in which are more than one hundred and twenty thousand persons (G)who cannot discern between their right hand and their left—and much livestock?”
Footnotes
- Jonah 4:6 Heb. kikayon, exact identity unknown
- Jonah 4:6 Lit. rejoiced with great joy
- Jonah 4:10 Lit. was a son of a night
Jonas 4
Ang Biblia, 2001
Nagalit si Jonas
4 Ngunit iyon ay ipinagdamdam nang labis ni Jonas at siya'y nagalit.
2 Siya'y(A) nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, “O Panginoon, di ba ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking bayan pa? Kaya nga ako'y nagmadaling tumakas patungo sa Tarsis; sapagkat alam ko na ikaw ay Diyos na mapagpala, mahabagin, hindi kaagad nagagalit, sagana sa tapat na pag-ibig at nalulungkot sa kasamaan.
3 Kaya ngayon,(B) O Panginoon, ipinapakiusap ko sa iyo na kunin mo ang aking buhay, sapagkat mabuti pa sa akin ang mamatay kaysa mabuhay.”
4 Sinabi ng Panginoon, “Mabuti ba ang iyong ginagawa na magalit?”
5 Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa lunsod, naupo sa dakong silangan ng lunsod, at doo'y gumawa siya ng isang balag. Umupo siya sa ilalim ng lilim niyon, hanggang sa kanyang makita kung ano ang mangyayari sa lunsod.
6 At naghanda ang Panginoong Diyos ng isang halaman[a] at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kanyang ulo, upang iligtas siya sa kanyang masamang kalagayan. Sa gayo'y tuwang-tuwa si Jonas dahil sa halaman.
7 Ngunit kinaumagahan nang sumunod na araw, naghanda ang Diyos ng isang uod na siyang sumira sa halaman, kaya't natuyo ito.
8 Nang sumikat ang araw, naghanda ang Diyos ng mainit na hanging silangan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, kaya't siya'y nahilo, at hiniling ng buong kaluluwa niya na siya'y mamatay. Sinabi niya, “Mabuti pa sa akin ang mamatay kaysa mabuhay.”
9 Ngunit sinabi ng Diyos kay Jonas, “Mabuti ba ang ginagawa mo na magalit dahil sa halaman?” At kanyang sinabi, “Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.”
10 Kaya't sinabi ng Panginoon, “Ikaw ay nanghinayang sa halaman na hindi mo pinagpaguran o pinatubo man; ito ay tumubo sa isang gabi, at nawala sa isang gabi.
11 Hindi ba ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking lunsod na iyon na may mahigit sa isandaan at dalawampung libong katao na hindi nalalaman kung alin sa kanilang mga kamay ang kanan o ang kaliwa, at mayroon ding maraming hayop?”
Footnotes
- Jonas 4:6 Sa Hebreo ay kikayon .
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

