John 9
Lexham English Bible
A Man Born Blind Is Given Sight
9 And as he[a] went away, he saw a man blind from birth. 2 And his disciples asked him, saying, “Rabbi, who sinned, this man or his parents, that he should be born blind?” 3 Jesus replied, “Neither this man sinned nor his parents, but it happened[b] so that the works of God could be revealed in him. 4 It is necessary for us to do the deeds of the one who sent me while it is day; night is coming, when no one can work! 5 While I am in the world, I am the light of the world.” 6 When he[c] had said these things, he spat on the ground and made clay with the saliva, and smeared the clay on his eyes. 7 And he said to him, “Go, wash in the pool of Siloam” (which is translated “sent”). So he went and washed and came back seeing.
8 Then the neighbors and those who saw him previously (because he was a beggar) began to say,[d] “Is this man not the one who used to sit and beg?” 9 Others were saying, “It is this man”; others were saying, “No, but he is like him.” That one was saying, “I am he!” 10 So they began to say[e] to him, “How[f] were your eyes opened?” 11 He replied, “The man who is called Jesus made clay and smeared it[g] on my eyes and said to me, ‘Go to Siloam and wash!’ So I went, and I washed, and[h] I received sight.” 12 And they said to him, “Where is that man?” He said, “I do not know.”
The Reaction of the Pharisees to the Healing
13 They brought him—the one formerly blind—to the Pharisees. 14 (Now the day on which Jesus made the clay and opened his eyes was the Sabbath.) 15 So the Pharisees also were asking him again how he received sight. And he said to them, “He put clay on my eyes, and I washed, and I see.” 16 So some of the Pharisees were saying, “This man is not from God, because he does not observe the Sabbath!” Others[i] were saying, “How can a man who is a sinner perform such signs?” And there was a division among them. 17 So they said to the blind man again, “What do you say about him, because he opened your eyes?” And he said, “He is a prophet.”
18 So the Jews did not believe concerning him that he had been blind and received sight, until they summoned the parents of the one[j] who received sight. 19 And they asked them, saying, “Is this man your son, whom you say was born blind? Then how does he now see?” 20 So his parents answered and said, “We know that this man is our son, and that he was born blind. 21 But how he now sees we do not know, or who opened his eyes we do not know. Ask him! He is a mature adult;[k] he will speak for himself!” 22 (His parents said these things because they were afraid of the Jews, for the Jews had already decided that if anyone should confess him to be Christ, he would be expelled from the synagogue. 23 Because of this his parents said, “He is a mature adult;[l] ask him.”)
24 So they summoned the man who had been blind for the second time and said to him, “Give glory to God! We know that this man is a sinner!” 25 Then that man replied, “Whether he is a sinner I do not know. One thing I know—that although I[m] was blind, now I see!” 26 So they said to him, “What did he do to you? How did he open your eyes?” 27 He replied to them, “I told you already and you did not listen! Why do you want to hear it[n] again? You do not want to become his disciples also, do you?”[o] 28 They reviled[p] him and said, “You are his disciple! But we are disciples of Moses! 29 We know that God has spoken to Moses, but we do not know where this man is from.” 30 The man answered and said to them, “For the remarkable thing is this, that you do not know where he is from, and he opened my eyes! 31 We know that God does not listen to sinners, but if someone is devout and does his will, he listens to this one. 32 From time immemorial[q] it has not been heard that someone opened the eyes of one born blind. 33 If this man were not from God, he would not be able to do anything!” 34 They answered and said to him, “You were born completely in sin, and are you attempting to teach[r] us?” And they threw him out.
Jesus as the Son of Man
35 Jesus heard that they had thrown him out, and finding him, he said, “Do you believe in the Son of Man?” 36 He answered and said, “And who is he, sir, that I may believe in him?” 37 Jesus said to him, “You have both seen him, and he is the one who is speaking with you.” [[38 And he said, “I believe, Lord!” and he worshiped him. 39 And Jesus said,]][s] “For judgment I have come into this world, so that those who do not see may see, and those who see may become blind!” 40 Some of the Pharisees who were with him heard these things and said to him, “We are not also blind, are we?”[t] 41 Jesus said to them, “If you were blind, you would not have sin. But now you say, ‘We see,’ your sin remains.
Footnotes
- John 9:1 Here “as” is supplied as a component of the participle (“went away”) which is understood as temporal
- John 9:3 The words “it happened” are not in the Greek text but are implied
- John 9:6 Here “when” is supplied as a component of the participle (“had said”) which is understood as temporal
- John 9:8 *The imperfect tense has been translated as ingressive here (“began to say”)
- John 9:10 The imperfect tense has been translated as ingressive here (“began to say”)
- John 9:10 Some manuscripts have “Then how”
- John 9:11 Here the direct object is supplied from context in the English translation
- John 9:11 Here “and” is supplied because the two previous participles (“went” and “washed”) have been translated as finite verbs
- John 9:16 Some manuscripts have “But others”
- John 9:18 Literally “of him”
- John 9:21 Literally “he has maturity”
- John 9:23 Literally “he has maturity”
- John 9:25 Here “although” is supplied as a component of the participle (“was”) which is understood as concessive
- John 9:27 Here the direct object is supplied from context in the English translation
- John 9:27 *The negative construction in Greek anticipates a negative answer here, indicated in the translation by the phrase “do you”
- John 9:28 Some manuscripts have “And they reviled”
- John 9:32 Literally “the age”
- John 9:34 Here the present tense is translated as a conative present (“attempting to teach”)
- John 9:39 A number of important manuscripts lack v. 38 and the first part of v. 39 (“and Jesus said”)
- John 9:40 *The negative construction in Greek anticipates a negative answer here, indicated in the translation by the phrase “are we”
Juan 9
Ang Salita ng Diyos
Pinagaling ni Jesus ang Taong Ipinanganak na Bulag
9 Sa paglalakad ni Jesus ay nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag mula pa sa kaniyang kapanganakan.
2 Itinanong sa kaniya ng kaniyang mgaalagad: Guro, sino ang nagkasala na ang lalaking ito ay ipanganak na bulag? Siya ba o ang kaniyang mga magulang?
3 Sumagot si Jesus: Hindi ang lalaking ito o ang kaniyang mga magulang ang nagkasala. Ito ay nangyari upang ang mga gawa ng Diyos ay mahayag sa kaniya. 4 Kinakailangang gawin ko ang mga gawa niya na nagsugo sa akin habang araw pa. Dumarating ang gabi at wala nang makakagawa. 5 Habang ako ay nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.
6 Pagkasabi niya nito ay lumura siya sa lupa. Gumawa siya ng putik mula sa lura. Kaniyang ipinahid sa mga mata ng bulag ang putik. 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pumunta ka sa malaking dakong paliguan ng Siloe at maghugas ka. Ang ibig sabihin ng salitang Siloe ay sinugo. Siya nga ay pumunta at naghugas at bumalik na nakakakita na.
8 Nakita ng mga kapitbahay at ng ibang mga tao ang lalaki na dating bulag. Kaya nga, sinabi nila: Hindi ba ito iyong nakaupo at namamalimos? 9 Sinabi ng iba: Siya nga iyon.
Ang sabi naman ng iba:Siya ay kamukha niya.
Sinabi niya: Ako nga iyon.
10 Sinabi nga nila sa kaniya: Papaano namulat ang iyong mga mata?
11 Sumagot siya at sinabi: Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng luwad at ipinahid iyon sa aking mga mata. Sinabi niya sa akin: Pumunta ka sa dakong paliguan ng Siloe at maghugas. Ako ay pumunta at naghugas at nakakita.
12 Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan siya?
Sinabi niya: Hindi ko alam.
Inusisa ng mga Fariseo ang Pagpapagaling
13 Dinala nila sa mga Fariseo ang lalaki na dating bulag.
14 Araw ng Sabat noon nang si Jesus ay gumawa ng luwad at iminulat ang mga mata ng lalaking bulag. 15 Ang mga Fariseo rin naman ay muling nagtanong sa kaniya kung papaano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila: Nilagyan niya ng luwad ang aking mga mata at ako ay naghugas at nakakita na ako.
16 Sinabi nga ng ilan sa mga Fariseo: Hindi galing sa Diyos ang lalaking ito dahil hindi niya tinutupad ang araw ng Sabat.
Sinabi naman ng iba: Papaano makakagawa ng mga ganitong tanda ang isang lalaking makasalanan? Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanila.
17 Muli nilang sinabi sa lalaking dating bulag: Sapagkat iminulat niya ang iyong mga mata, ano ang masasabi mo patungkol sa kaniya?
Sinabi ng lalaki: Siya ay isang propeta.
18 Hindi pinaniwalaan ng mga Judio ang patungkol sa lalaki na siya ay dating bulag at nakakita. Hindi sila naniwala hanggang tawagin nila ang mga magulang niya. 19 Tinanong nila sila: Siya ba ang inyong anak na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? Papaanong nakakakita siya ngayon?
20 Ang kaniyang mga magulang ay sumagot sa kanila at nagsabi: Alam namin na siya ang aming anak at siya ay ipinanganak na bulag. 21 Hindi namin alam kung papaanong nakakakita na siya ngayon. Hindi namin alam kung sino ang nagmulat ng kaniyang mga mata. Siya ay nasa hustong gulang na kaya tanungin ninyo siya. Makakapagsalita siya patungkol sa kaniyang sarili. 22 Ito ang sinabi ng kaniyang mga magulang dahil natatakot sila sa mga Judio. Ito ay sapagkat napagkaisahan na ng mga Judio na kung ang sinuman ay magpahayag na si Jesus ang Mesiyas siya ay ititiwalag sa sinagoga. 23 Dahildito sinabi ng kaniyang mga magulang: Siya ay nasa hustong gulang na, tanungin ninyo siya.
24 Tinawag nilang muli ang lalaki na dating bulag. Sinabi nila: Ibigay mo ang kaluwalhatian sa Diyos. Alam namin na ang lalaking ito ay isang makasalanan.
25 Sumagot siya at nagsabi: Hindi ko alam kung siya ay makasalanan. Isang bagay ang alam ko, ako ay dating bulag at ngayon ay nakakakita na.
26 Sinabi nilang muli sa kaniya: Ano ang ginawa niya sa iyo? Papaano niya iminulat ang iyong mga mata?
27 Sumagot siya sa kanila: Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan. Bakit ibig ninyong marinig muli? Ibig din ba ninyong maging mga alagad niya?
28 Kaya siya ay kanilang nilait na sinabi: Ikaw ang kaniyang alagad. Kami ay mga alagad ni Moises. 29 Alam namin na ang Diyos ay nagsalita kay Moises. Patungkol sa lalaking ito hindi namin alam kung saan siya nanggaling.
30 Sumagot ang lalaki at sinabi sa kanila: Tunay na ito ay kamangha-manghang bagay. Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling. Gayunman ay iminulat niya ang aking mga mata. 31 Alam natin na hindi dinirinig ng Diyos ang mga makasalanan. Kung ang sinuman ay sumasamba sa Diyos at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya ang dinirinig ng Diyos. 32 Sa pasimula pa ng panahon ay hindi pa narinig na may sinumang nakapagpamulat ng mga mata ng isang ipinanganak na bulag. 33 Kung ang lalaking ito ay hindi sa Diyos, wala siyang kapangyarihang gumawa ng anuman.
34 Sumagot sila at sinabi sa kaniya: Ikaw ay ipinanganak na lubos na makasalanan at tuturuan mo pa kami? At siya ay itinaboy nila.
Ang Hindi Pagkakita sa mga Bagay na Espirituwal
35 Narinig ni Jesus na siya ay itinaboy nila. Nang matagpuan ni Jesus ang lalaking dati ay bulag sinabi niya sa kaniya: Ikaw ba ay sumasampalataya sa Anak ng Diyos?
36 Sumagot siya at sinabi: Sino siya Panginoon, upang ako ay sumampalataya sa kaniya?
37 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Nakita mo na siya at siya ang nakikipag-usap sa iyo.
38 Sinabi niya: Panginoon, sumasampalataya ako. Sinamba niya si Jesus.
39 Sinabi ni Jesus: Ako ay narito sa sanlibutan na ito para sa paghatol. Ito ay upang sila na hindi nakakakita ay makakita. Sila namang nakakakita ay maging mga bulag.
40 Ang mga bagay na ito ay narinig ng mga maka-Fariseo na kasama nila. Kanilang sinabi sa kaniya: Kami ba ay mga bulag din?
41 Sinabi ni Jesus sa kanila: Kung kayo ay mga bulag ay wala sana kayong pagkakasala. Ngunit ngayon sinasabi ninyo: Nakakakita kami. Samakatuwid, ang inyong kasalanan ay nananatili sa inyo.
2012 by Logos Bible Software. Lexham is a registered trademark of Logos Bible Software
Copyright © 1998 by Bibles International