The Healing at Bethesda

After these things there was (A)a feast of the Jews, and Jesus went up to Jerusalem.

Now in Jerusalem, by (B)the Sheep Gate, there is a pool which (C)in [a]Hebrew is called [b]Bethesda, having five [c]porticoes. In these porticoes lay a multitude of those who were sick, blind, limping, or [d]paralyzed.[e] Now a man was there who had been [f]ill for thirty-eight years. Jesus, upon seeing this man lying there and knowing that he had already been in that condition for a long time, *said to him, “Do you want to get well?” The sick man answered Him, “Sir, I have no man to put me into the pool when the water is stirred up, but while I am coming, another steps down before me.” Jesus *said to him, (D)Get up, pick up your pallet and walk.” Immediately the man became well, and picked up his pallet and began to walk.

(E)Now it was a Sabbath on that day. 10 So (F)the Jews were saying to the man who was cured, “It is a Sabbath, and (G)it is not permissible for you to carry your pallet.” 11 But he answered them, “He who made me well was the one who said to me, ‘Pick up your pallet and walk.’ 12 They asked him, “Who is the Man who said to you, ‘Pick it up and walk’?” 13 But the man who was healed did not know who it was, for Jesus had slipped away while there was a crowd in that place. 14 Afterward, Jesus *found him in the temple and said to him, “Behold, you have become well; do not (H)sin anymore, (I)so that nothing worse happens to you.” 15 The man went away, and informed (J)the Jews that it was Jesus who had made him well. 16 For this reason (K)the Jews were persecuting Jesus, because He was doing these things on a Sabbath. 17 But He answered them, “My Father [g]is working until now, and I Myself am working.”

Jesus’ Equality with God

18 For this reason therefore (L)the Jews (M)were seeking all the more to kill Him, because He not only was breaking the Sabbath, but also was calling God His own Father, (N)making Himself equal with God.

19 Therefore Jesus answered and was saying to them, “Truly, truly, I say to you, (O)the Son can do nothing of Himself, unless it is something He sees the Father doing; for whatever [h]the Father does, these things the Son also does in the same way. 20 (P)For the Father loves the Son and shows Him all things that He Himself is doing; and the Father will show Him (Q)greater works than these, so that you will be amazed. 21 For just as the Father raises the dead and (R)gives them life, so (S)the Son also gives life to whom He wishes. 22 For not even the Father judges anyone, but (T)He has given all judgment to the Son, 23 so that all will honor the Son just as they honor the Father. (U)The one who does not honor the Son does not honor the Father who sent Him.

24 “Truly, truly, I say to you, the one who hears My word, and (V)believes Him who sent Me, has eternal life, and (W)does not come into judgment, but has (X)passed out of death into life.

Two Resurrections

25 Truly, truly, I say to you, [i](Y)a time is coming and [j]even now has arrived, when (Z)the dead will hear the voice of the Son of God, and those who (AA)hear will live. 26 For just as the Father has life in Himself, so He (AB)gave to the Son also to have life in Himself; 27 and He gave Him authority to (AC)execute judgment, because He is [k]the Son of Man. 28 Do not be amazed at this; for [l](AD)a time is coming when (AE)all who are in the tombs will hear His voice, 29 and will come out: (AF)those who did the good deeds to a resurrection of life, those who committed the bad deeds to a resurrection of judgment.

30 (AG)I can do nothing [m]on My own. As I hear, I judge; and (AH)My judgment is [n]righteous, because I do not seek My own will but (AI)the will of Him who sent Me.

31 (AJ)If I alone testify about Myself, My testimony is not [o]true. 32 There is (AK)another who testifies about Me, and I know that the testimony which He gives about Me is true.

Testimony of John the Baptist

33 You have sent messengers to John, and he (AL)has testified to the truth. 34 But (AM)the testimony I receive is not from man, but I say these things so that you may be saved. 35 He was (AN)the lamp that was burning and shining, and you (AO)were willing to rejoice for [p]a while in his light.

Testimony of Works

36 But the testimony I have is greater than the testimony of John; for (AP)the works which the Father has given Me (AQ)to accomplish—the very works that I do—testify about Me, that the Father (AR)has sent Me.

Testimony of the Father

37 And the Father who sent Me, (AS)He has testified about Me. You have neither heard His voice at any time, nor seen His form. 38 Also you do not have (AT)His word remaining in you, because you do not believe Him whom He (AU)sent.

Testimony of the Scripture

39 [q](AV)You examine the Scriptures because you think that in them you have eternal life; and it is (AW)those very Scriptures that testify about Me; 40 and yet you are unwilling to come to Me so that you may have life. 41 (AX)I do not receive glory from people; 42 but I know you, that you do not have the love of God in yourselves. 43 I have come in My Father’s name, and you do not [r]receive Me; (AY)if another comes in his own name, you will [s]receive him. 44 How can you believe, when you [t](AZ)accept [u]glory from one another and you do not seek (BA)the [v]glory that is from (BB)the one and only God? 45 Do not think that I will accuse you before the Father; the one who accuses you is (BC)Moses, in whom you have put your hope. 46 For if you believed Moses, you would believe Me; for (BD)he wrote about Me. 47 But (BE)if you do not believe his writings, how will you believe My words?”

Footnotes

  1. John 5:2 I.e., Jewish Aramaic
  2. John 5:2 Some early mss Bethsaida or Bethzatha
  3. John 5:2 Or colonnades (with roofs)
  4. John 5:3 Or had shrunken limbs
  5. John 5:3 Late mss add the following as the remainder of v 3, and v 4: paralyzed, waiting for the moving of the waters; for an angel of the Lord went down at certain seasons into the pool and stirred up the water; whoever then first stepped in after the stirring up of the water was made well from whatever disease with which he was afflicted
  6. John 5:5 Lit in his sickness
  7. John 5:17 I.e., has been and continues
  8. John 5:19 Lit that One
  9. John 5:25 Lit an hour
  10. John 5:25 Lit now is, when
  11. John 5:27 Or a son of man
  12. John 5:28 Lit an hour
  13. John 5:30 Or of Myself
  14. John 5:30 Or fair
  15. John 5:31 I.e., admissible as legal evidence
  16. John 5:35 Lit an hour
  17. John 5:39 Or (a command) Examine the Scriptures
  18. John 5:43 Or accept
  19. John 5:43 Or accept
  20. John 5:44 Or receive
  21. John 5:44 Or honor
  22. John 5:44 Or honor

Pagkatapos ng mga bagay na ito'y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem.

Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.

Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga natutuyo.

Sapagka't lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig: at ang unang manaog sa tangke, pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam.

At naroon ang isang lalake, na may tatlongpu't walong taon nang maysakit.

Nang makita ni Jesus na siya'y nakahandusay, at mapagkilalang siya'y malaon nang panahong maysakit, ay sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling?

Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.

At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Noon nga'y araw ng sabbath.

10 Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.

11 Nguni't sila'y sinagot niya, Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.

12 Tinanong nila siya, Sino ang taong sa iyo'y nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?

13 Nguni't hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya; sapagka't si Jesus ay humiwalay, palibhasa'y may isang karamihan sa dakong yaon.

14 Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

15 Umalis ang tao, at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya'y nagpagaling.

16 At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.

17 Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa.

18 Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios.

19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.

20 Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas.

21 Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.

22 Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol;

23 Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.

24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.

25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.

26 Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili:

27 At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao.

28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,

29 At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.

30 Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.

31 Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.

32 Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo.

33 Kayo'y nangagsugo kay Juan, at siya'y nagpatotoo sa katotohanan.

34 Datapuwa't ang patotoo ay hindi mula sa tao: gayon ma'y sinasabi ko ang mga bagay na ito, upang kayo'y mangaligtas.

35 Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag; at inibig ninyong kayo'y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag.

36 Datapuwa't ang aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan; sapagka't ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako'y sinugo ng Ama.

37 At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.

38 At kayo'y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka't hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo.

39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

40 At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.

41 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao.

42 Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili.

43 Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.

44 Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?

45 Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.

46 Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.

47 Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?