John 21
Legacy Standard Bible
Jesus Appears at the Sea of Galilee
21 After these things Jesus [a](A)manifested Himself (B)again to the disciples at the (C)Sea of Tiberias, and He manifested Himself in this way. 2 Simon Peter, and (D)Thomas called [b]Didymus, and (E)Nathanael of (F)Cana in Galilee, and (G)the sons of Zebedee, and two others of His disciples were together. 3 Simon Peter *said to them, “I am going fishing.” They *said to him, “We will also come with you.” They went out and got into the boat; and (H)that night they caught nothing.
4 But when the day was now breaking, Jesus stood on the beach; yet the disciples did not (I)know that it was Jesus. 5 So Jesus *said to them, “Children, (J)do you have [c]any fish?” They answered Him, “No.” 6 And He said to them, “(K)Cast the net on the right side of the boat and you will find some.” So they cast, and then they were not able to haul it in because of the great number of fish. 7 (L)Therefore that disciple whom Jesus loved *said to Peter, “It is the Lord.” So when Simon Peter heard that it was the Lord, he put his outer garment on (for he was stripped for work), and cast himself into the sea. 8 But the other disciples came in the little boat, for they were not far from the land, but about [d]two hundred cubits away, dragging the net full of fish.
9 So when they got out on the land, they *saw a charcoal (M)fire in place and (N)fish placed on it, and bread. 10 Jesus *said to them, “Bring some of the (O)fish which you have now caught.” 11 Simon Peter went up and drew the net to land, full of large fish, 153; and although there were so many, the net was not torn.
Jesus Provides Breakfast
12 Jesus *said to them, “Come, have (P)breakfast.” None of the disciples dared to question Him, “Who are You?” knowing that it was the Lord. 13 Jesus *came and *took (Q)the bread and *gave it to them, and the (R)fish likewise. 14 This is now the (S)third time that Jesus [e]was manifested to the disciples, after He was raised from the dead.
Peter’s Restoration and Commission
15 So when they had (T)finished breakfast, Jesus *said to Simon Peter, “Simon, son of John, do you [f](U)love Me more than these?” He *said to Him, “Yes, Lord; You know that I [g]love You.” He *said to him, “Tend (V)My lambs.” 16 He *said to him again a second time, “Simon, son of John, do you [h]love Me?” He *said to Him, “Yes, Lord; You know that I [i]love You.” He *said to him, “(W)Shepherd My sheep.” 17 He *said to him the third time, “Simon, son of John, do you [j]love Me?” Peter was grieved because He said to him (X)the third time, “Do you [k]love Me?” And he said to Him, “Lord, (Y)You know all things; You know that I [l]love You.” Jesus *said to him, “(Z)Tend My sheep. 18 Truly, truly, I say to you, when you were younger, you used to gird yourself and walk wherever you wished; but when you grow old, you will stretch out your hands and someone else will gird you, and bring you where you do not wish to go.” 19 Now this He said, (AA)signifying by (AB)what kind of death he would glorify God. And when He had spoken this, He *said to him, “(AC)Follow Me!”
Jesus’ Command to Follow Him
20 Peter, turning around, *saw the (AD)disciple whom Jesus loved following them; the one who also had (AE)leaned back on His bosom at the supper and said, “Lord, who is the one who betrays You?” 21 So Peter seeing him *said to Jesus, “Lord, and what about this man?” 22 Jesus *said to him, “If I want him to remain (AF)until I come, what is that to you? You (AG)follow Me!” 23 Therefore this saying went out among (AH)the brothers that this disciple would not die; yet Jesus did not say to him that he would not die, but only, “If I want him to remain (AI)until I come, what is that to you?”
24 This is the disciple who (AJ)is bearing witness to these things and wrote these things, and we know that his witness is true.
25 And there are also (AK)many other things which Jesus did, which if they *were written one after the other, I suppose that even the world itself *could not contain the books that *would be written.
Footnotes
- John 21:1 Or made Himself visible
- John 21:2 The Twin
- John 21:5 Or something eaten with bread
- John 21:8 Approx. 100 yd. or 91 m, a cubit was approx. 18 in. or 45 cm
- John 21:14 Or made Himself visible
- John 21:15 Gr agapao
- John 21:15 Gr phileo
- John 21:16 Gr agapao
- John 21:16 Gr phileo
- John 21:17 Gr phileo
- John 21:17 Gr phileo
- John 21:17 Gr phileo
Juan 21
Ang Salita ng Diyos
Si Jesus at ang Mahimalang Paghuli ng Isda
21 Pagkatapos ng mga bagay na ito, nagpakitang muli si Jesus sa kaniyang mga alagad sa lawa ng Tiberias. Ganito siya nagpakita:
2 Magkakasama sina Simon Pedro at Tomas na tinatawag na Kambal at si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pang mga alagad. 3 Sinabi ni Simon Pedro sa kanila: Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya: Sasama rin kami sa iyo. Lumabas sila mula roon at agad-agad na sumakay sa bangka. Wala silang nahuli nang gabing iyon.
4 Nang magbubukang-liwayway na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat. Gayunman, hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.
5 Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Mga anak, may pagkain bakayo?
Sumagot sila sa kaniya: Wala.
6 At sinabi niya sa kanila: Ihagis ninyo ang lambat sa dakong kanan ng bangka at makakasumpong kayo. Inihagis nga nila at hindi na nila kayang hilahin ang kanilang lambat dahil sa dami ng isda.
7 Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro: Ang Panginoon iyon. Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-itaas na damit dahil siya ay nakahubad. At tumalon siya sa lawa. 8 Ang ibang mga alagad ay dumating na sakay ng maliit na bangka. Hinihila nila ang lambat na may mga isda sapagkat hindi gaanong malayo sa pampang kundi may dalawang-daang siko lamang ang layo mula sa lupa. 9 Pagkalunsad nila sa lupa, nakakita sila ng mga nagbabagang uling. May mga isdang nakapatong doon. May mga tinapay rin.
10 Sinabi ni Jesus sa kanila: Dalhin ninyo rito ang mga isda na ngayon lang ninyo nahuli.
11 Umahon si Simon Pedro. Hinila niya ang lambat sa dalampasigan. Ang lambat ay puno ng mga malalaking isda. Isang daan at limampu’t tatlo ang kanilang bilang. Kahit na ganoon karami ang isda, hindi napunit ang lambat. 12 Sinabi ni Jesus sa kanila: Halikayo at mag-agahan. Walang sinuman sa mga alagad ang naglakas ng loob na magtanong kung sino siya dahil alam nila na siya ang Panginoon. 13 Kaya nga, lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. 14 Ito na ang ikatlong ulit na nagpakita si Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay.
Si Pedro ay Muling Pinatatag ni Jesus
15 Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?
Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakainin mo ang aking mga batang tupa.
16 Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako?
Sinabi ni Pedro sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Alagaan mo ang aking mga tupa.
17 Sinabi ni Jesus sa kaniya sa ikatlong pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, may paggiliw ka ba sa akin?
Nagdalamhati si Pedro sapagkat sa ikatlong pagkakataon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: May paggiliw ka ba sa akin? Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Alam mo na may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakanin mo ang aking mga tupa.
18 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Noong ikaw ay bata pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili. Lumalakad ka kung saan mo ibig. Kapag matanda ka na, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo. At dadalhin ka sa hindi mo ibig. 19 Sinabi niya ito upang ipahayag kung paano siya mamamatay at maluwalhati niya ang Diyos. Pagkasabi niya nito, sinabi niya sa kaniya: Sumunod ka sa akin.
20 Ngunit lumingon si Pedro at nakita niya na sumusunod ang alagad na inibig ni Jesus. Siya rin ang nakahilig sa dibdib ni Jesus nang sila ay naghapunan na nagsabi: Panginoon, sino siya na magkakanulo sa iyo? 21 Nang makita siya ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: Panginoon, ano naman ang gagawin ng isang ito?
22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung iibigin kong manatili siya hanggang sa pagbalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin. 23 Kaya nga, ang pananalitang ito ay kumalat sa mga kapatiran, na ang alagad na iyon ay hindi mamamatay. Gayunman, hindi sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi siya mamamatay. Ang sinabi niya: Kung iibigin ko na siya ay manatili hanggang sa aking pagbabalik, ano ito sa iyo?
24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.
25 Marami pa ring ibang mga bagay na ginawa si Jesus. Kung isusulat ng isa-isa ang mga ito, ipinapalagay kong maging ang sanlibutan ay hindi makakakaya ng mga aklat na masusulat. Siya nawa!
Legacy Standard Bible Copyright ©2021 by The Lockman Foundation. All rights reserved. Managed in partnership with Three Sixteen Publishing Inc. LSBible.org For Permission to Quote Information visit https://www.LSBible.org.
Copyright © 1998 by Bibles International