Add parallel Print Page Options

16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (A)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,

Read full chapter

23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (A)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.

24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.

26 Datapuwa't (B)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (C)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (D)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

27 (E)Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; (F)ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

Read full chapter