Lazarus Dies at Bethany

11 Now a man was sick—Lazarus from Bethany,(A) the village of Mary and her sister Martha.(B) Mary was the one who anointed the Lord with perfume and wiped his feet with her hair,(C) and it was her brother Lazarus who was sick. So the sisters sent a message to him: “Lord, the one you love is sick.”

When Jesus heard it, he said, “This sickness will not end in death but is for the glory of God,(D) so that the Son of God(E) may be glorified through it.” Now Jesus loved Martha, her sister, and Lazarus. So when he heard that he was sick, he stayed two more days in the place where he was. Then after that, he said to the disciples, “Let’s go to Judea(F) again.”

“Rabbi,”(G) the disciples told him, “just now the Jews tried to stone you,(H) and you’re going there again?”

“Aren’t there twelve hours in a day?” Jesus answered. “If anyone walks during the day, he doesn’t stumble, because he sees the light of this world.(I) 10 But if anyone walks during the night,(J) he does stumble, because the light is not in him.”

11 He said this, and then he told them, “Our friend Lazarus has fallen asleep,(K) but I’m on my way to wake him up.”

12 Then the disciples said to him, “Lord, if he has fallen asleep, he will get well.”

13 Jesus, however, was speaking about his death, but they thought he was speaking about natural sleep. 14 So Jesus then told them plainly, “Lazarus has died. 15 I’m glad for you that I wasn’t there so that you may believe. But let’s go to him.”

16 Then Thomas(L) (called “Twin”[a]) said to his fellow disciples, “Let’s go too so that we may die with him.”

The Resurrection and the Life

17 When Jesus arrived, he found that Lazarus had already been in the tomb(M) four days. 18 Bethany was near Jerusalem(N) (less than two miles[b] away). 19 Many of the Jews had come to Martha and Mary to comfort them about their brother.

20 As soon as Martha heard that Jesus was coming, she went to meet him, but Mary remained seated in the house. 21 Then Martha said to Jesus, “Lord, if you had been here, my brother wouldn’t have died. 22 Yet even now I know that whatever you ask from God, God will give you.”

23 “Your brother will rise(O) again,” Jesus told her.

24 Martha said to him, “I know that he will rise again in the resurrection at the last day.”(P)

25 Jesus said to her, “I am(Q) the resurrection and the life. The one who believes in me,(R) even if he dies, will live.(S) 26 Everyone who lives and believes in me will never die.(T) Do you believe this?”

27 “Yes, Lord,” she told him, “I believe you are the Messiah,(U) the Son(V) of God, who comes into the world.”(W)

Jesus Shares the Sorrow of Death

28 Having said this, she went back and called her sister Mary, saying in private, “The Teacher is here and is calling for you.”

29 As soon as Mary heard this, she got up quickly and went to him.(X) 30 Jesus had not yet come into the village but was still in the place where Martha had met him. 31 The Jews who were with her in the house consoling her saw that Mary got up quickly and went out. They followed her, supposing that she was going to the tomb(Y) to cry there.

32 As soon as Mary came to where Jesus was and saw him, she fell at his feet(Z) and told him, “Lord, if you had been here, my brother wouldn’t have died!”

33 When Jesus saw her crying, and the Jews who had come with her crying, he was deeply moved[c] in his spirit(AA) and troubled. 34 “Where have you put him?” he asked.

“Lord,” they told him, “come and see.”

35 Jesus wept.(AB)

36 So the Jews said, “See how he loved(AC) him!” 37 But some of them said, “Couldn’t he who opened the blind man’s eyes(AD) also have kept this man from dying?”

The Seventh Sign: Raising Lazarus from the Dead

38 Then Jesus, deeply moved again, came to the tomb. It was a cave, and a stone was lying against it.(AE) 39 “Remove the stone,” Jesus said.

Martha, the dead man’s sister, told him, “Lord, there is already a stench because he has been dead four days.”

40 Jesus said to her, “Didn’t I tell you that if you believed you would see the glory(AF) of God?”(AG)

41 So they removed the stone. Then Jesus raised his eyes and said, “Father, I thank(AH) you that you heard me.(AI) 42 I know that you always hear me, but because of the crowd standing here I said this, so that they may believe you sent(AJ) me.” 43 After he said this, he shouted with a loud voice, “Lazarus, come out!” 44 The dead man came out bound hand and foot with linen strips and with his face wrapped in a cloth. Jesus said to them, “Unwrap him and let him go.”

The Plot to Kill Jesus

45 Therefore, many of the Jews who came to Mary and saw what he did believed in him.(AK) 46 But some of them went to the Pharisees(AL) and told them what Jesus had done.

47 So the chief priests and the Pharisees convened the Sanhedrin(AM) and were saying, “What are we going to do since this man is doing many signs? 48 If we let him go on like this, everyone will believe in him, and the Romans(AN) will come and take away both our place and our nation.”

49 One of them, Caiaphas,(AO) who was high priest(AP) that year, said to them, “You know nothing at all! 50 You’re not considering that it is to your[d] advantage that one man should die for the people rather than the whole nation perish.”(AQ) 51 He did not say this on his own, but being high priest that year he prophesied that Jesus was going to die(AR) for the nation, 52 and not for the nation only, but also to unite the scattered children(AS) of God. 53 So from that day on they plotted to kill him.(AT)

54 Jesus therefore no longer walked openly(AU) among the Jews but departed from there to the countryside near the wilderness,(AV) to a town called Ephraim, and he stayed there with the disciples.

55 Now the Jewish Passover(AW) was near, and many went up to Jerusalem(AX) from the country to purify themselves before the Passover. 56 They were looking for Jesus and asking one another as they stood in the temple,(AY) “What do you think? He won’t come to the festival,(AZ) will he?” 57 The chief priests(BA) and the Pharisees had given orders that if anyone knew where he was, he should report it so that they could arrest him.

Footnotes

  1. 11:16 Gk Didymus
  2. 11:18 Lit fifteen stadia; one stadion = 600 feet
  3. 11:33 Or angry, also in v. 38
  4. 11:50 Other mss read to our

Namatay si Lazaro

11 Mayroon isang lalaking maysakit na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay taga-Betania na nayon nina Maria at ng kaniyang kapatid na si Marta.

Si Maria ang siyang nagpahid ng pabangong langis sa Panginoon. Pinunasan niya ng kaniyang buhok ang mga paa ng Panginoon. Siya ay kapatid ni Lazaro na maysakit. Ang mga kapatid na babae ni Lazaro ay nag sugo upang sabihin kay Jesus: Panginoon, narito, si Lazaro na iyong minamahal ay maysakit.

Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Ang karamdamang ito ay hindi para sa layunin ng sa kamatayan kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos. Sa gayon ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito. Si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro ay inibig nga ni Jesus. Nang marinig nga niyang maysakit si Lazaro ay nanatili siya ng dalawang araw sa pook na kaniyang kinaroroonan.

Kaya pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Pumunta tayong muli sa Judea.

Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya: Guro, ngayon pa lang ay naghahanap na sila ng pagkakataon upang ikaw ay batuhin ng mga Judio. Babalik ka na naman ba roon?

Sumagot si Jesus: Hindi ba may labindalawang oras sa maghapon? Ang sinumang naglalakad kung araw ay hindi natitisod dahil nakikita niya ang liwanag sa sanlibutang ito. 10 Ang sinumang naglalakad kung gabi ay natitisod dahil wala ang liwanag sa kaniya.

11 Sinabi niya ang mga bagay na ito. Pagkatapos nito ay sinabi niya sa kanila: Ang ating kaibigang si Lazaro ay natutulog. Pupunta ako upang gisingin ko siya.

12 Sinabi nga ng kaniyang mga alagad: Panginoon, kung siya ay natutulog, gagaling siya. 13 Ang sinabi ni Jesus ay ang patungkol sa kaniyang kamatayan. Ngunit sa palagay nila, ang sinabi ni Jesus ay patungkol sa paghimlay sa pagtulog.

14 Kaya nga, tuwirang sinabi ni Jesus sa kanila: Si Lazaro ay patay na. 15 Ako ay nagagalak alang-alang sa inyo na ako ay wala roon. Ito ay upang kayo ay sumampalataya, gayunman, puntahan natin siya.

16 Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi nga sa kaniyang mga kapwa alagad: Pumunta rin tayo upang mamatay tayong kasama niya.

Ang Magkapatid ay Binigyang Kaaliwan ni Jesus

17 Pagdating nga ni Jesus ay nalaman niyang si Lazaro ay apat na araw nang nasa libingan.

18 Ang Betania ay malapit sa Jerusalem na may humigit-kumulang na tatlong kilometro ang layo. 19 Marami sa mga Judio ang pumunta sa mga kababaihan na nakapalibot kina Marta at Maria upang aliwin sila tunkol sa kanilang kapatid. 20 Pagkarinig ni Marta na si Jesus ay dumarating sinalubong niya siya. Si Maria ay nakaupo sa loob ng bahay.

21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang aking kapatid. 22 Alam ko na kahit ngayon anuman ang hingin mo sa Diyos, ito ay ibibigay sa iyo ng Diyos.

23 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong kapatid ay muling babangon.

24 Sinabi ni Marta sa kaniya: Alam ko na siya ay muling babangon sa pagkabuhay na mag-uli sa huling araw.

25 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagamat siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay. 26 Ang bawat isang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpa­kailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?

27 Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Sumasam­pa­lataya ako na ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan.

28 Nang masabi niya ang mga bagay na ito, siya ay lumakad at tinawag ng palihim ang kaniyang kapatid na si Maria. Sinabi niya sa kaniya: Ang guro ay dumating at ipinatatawag ka. 29 Pagkarinig niya nito ay agad siyang tumindig at pumunta sa kaniya. 30 Si Jesus ay hindi pa nakarating sa nayon ng mga sandaling iyon. Siya ay nasa dako pa lang na kung saan ay sinalubong siya ni Marta. 31 Ang mga Judio na umaaliw kay Maria sa bahay ay sumunod sa kaniya. Ito ay nang makita nga nila si Maria na dali-daling tumindig at lumabas. Kanilang sinabi: Siya ay pupunta sa libingan upang doon tumangis.

32 Dumating nga si Maria sa kinaroroonan ni Jesus. Nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito. Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang aking kapatid.

33 Nakita ni Jesus na siya at ang mga Judiong sumama sa kaniya ay tumatangis. Siya ay namighati sa espiritu at naguluhan. 34 Sinabi niya: Saan ninyo siya inilagay?

Sinabi nila sa kaniya: Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.

35 Si Jesus ay tumangis.

36 Sinabi nga ng mga Judio: Tingnan ninyo kung gaano niya siya kamahal.

37 Sinabi ng ilan sa kanila: Ang taong ito ang nagmulat ng mga mata ng bulag. Wala ba siyang magagawa upang hindi mamatay ang taong ito?

Ibinangon ni Jesus si Lazaro Mula sa mga Patay

38 Si Jesus, na muling namighati ang kalooban, ay pumunta nga sa libingan. Ang libingan ay isang yungib na natatakpan ng bato.

39 Sinabi ni Jesus: Alisin ninyo ang bato.

Si Marta na kapatid ng namatay ay nagsabi sa kaniya: Panginoon, sa oras na ito ay mabaho na siya sapagkat apat na araw na siyang patay.

40 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?

41 Inalis nga nila ang bato sa dakong pinaglagyan nila ng patay. Tumingala si Jesus at nagsabi: Ama, pinapasalamatan kita na ako ay dininig mo. 42 Alam ko na ako ay lagi mong dinirinig. Sinabi ko ito alang-alang sa mga taong nakatayo sa paligid. Ito ay upang sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

43 Nang masabi na niya ito, sumigaw siya ng may malakas na tinig: Lazaro, lumabas ka! 44 Lumabas ang patay. Ang kaniyang mga kamay at mgapaa ay natatalian ng telang panlibing. Ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Kalagan ninyo siya at pabayaan siyang yumaon.

Ang Banta na Papatayin si Jesus

45 Marami nga sa mga Judio na pumunta kay Maria ang nakakita sa mga bagay na ginawa ni Jesus. Dahil dito, sila ay sumampalataya sa kaniya.

46 Ang ilan sa kanila ay pumunta sa mga Fariseo. Sinabi nila sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus. 47 Ang mga pinunong-saserdote nga at mga Fariseo ay nagtipon ng isang sanggunian.

Sinabi nila: Ano ang ating ginagawa? Ang taong ito ay gumagawa ng maraming tanda.

48 Kapag pabayaan lang natin siya, ang lahat ng tao ay sasampalataya sa kaniya. Kung magkagayon, ang mga taga-Roma ay darating at aagawin maging ang ating pook at bansa.

49 Ang isa sa kanila ay si Caifas, ang pinunong-saserdote nang taong iyon. Bilang pinunong-saserdote ay sinabi niya sa kanila: Wala talaga kayong alam. 50 Hindi ninyo pinag-isipan na makakabuti sa atin na mamatay ang isa para sa mga tao. Kung magkagayon, ang buong bansa ay hindi malilipol.

51 Hindi niya ito sinabi nang sarili niya. Bilang pinunong-saserdote nang taong iyon, inihayag niyang si Jesus ay mamamatay na para sa bansang iyon. 52 Hindi lamang para sa bansang iyon kundi para rin sa mga anak ng Diyos na nangalat. Ito ay upang sila ay tipunin at pag-isahin. 53 Mula nga sa araw na iyon sila ay sumangguni sa isa’t isa na siya ay patayin.

54 Si Jesus nga ay hindi na lumakad ng hayag sa gitna ng mga Judio. Siya ay nagtungo sa isang lalawigang malapit sa ilang, sa lungsod na tinatawag na Efraim. Nanatili siya roon kasama ang kaniyang mga alagad.

55 Malapit na ang Paglagpas ng mga Judio. Bago ang Paglagpas, marami ang umahon sa Jerusalem mula sa lalawigan. Ang dahilan ay upang dalisayin ang kanilang mga sarili. 56 Hinanap nga nila si Jesus. Sila ay nag-usap-usap sa kanilang mga sarili habang nakatayo sa templo. Sabi nila: Ano sa palagay ninyo ang dahilan na hindi siya pumunta sa kapistahan? 57 Ang mga pinunong-saserdote maging ang mga Fariseo ay nagbigay ng utos na ang sinumang nakakaalamkung nasaan si Jesus ay ipagbigay alam upang siya ay madakip nila.