Add parallel Print Page Options

The Death and Resurrection of Lazarus

11 Now a certain man was sick, Lazarus from (A)Bethany, the village of Mary and her sister (B)Martha. And it was the Mary who (C)anointed (D)the Lord with perfume, and wiped His feet with her hair, whose brother Lazarus was sick. So the sisters sent to Him, saying, “(E)Lord, behold, (F)he whom You love is sick.” But when Jesus heard this, He said, “This sickness is not to end in death, but is for (G)the glory of God, so that the Son of God may be glorified by it.” Now Jesus loved (H)Martha and her sister and Lazarus. So when He heard that he was sick, He then stayed two days in the place where He was. Then after this He *said to the disciples, (I)Let us go to Judea again.” The disciples *said to Him, “(J)Rabbi, the Jews were just now seeking (K)to stone You, and are You going there again?” Jesus answered, (L)Are there not twelve hours in the day? If anyone walks in the day, he does not stumble, because he sees the light of this world. 10 But if anyone walks in the night, he stumbles, because the light is not in him.” 11 He said these things, and after that He *said to them, “Our (M)friend Lazarus (N)has fallen asleep; but I go, so that I may awaken him.” 12 The disciples then said to Him, “Lord, if he has fallen asleep, he will [a]be saved from his sickness.” 13 Now (O)Jesus had spoken of his death, but they thought that He was speaking of [b]actual sleep. 14 So Jesus then said to them [c]plainly, “Lazarus is dead, 15 and I am glad for your sakes that I was not there, so that you may believe; but let us go to him.” 16 (P)Therefore Thomas, who is called [d](Q)Didymus, said to his fellow disciples, “Let us also go, so that we may die with Him.”

17 So when Jesus came, He found that he had already been in the tomb (R)four days. 18 Now (S)Bethany was near Jerusalem, about [e]fifteen stadia away; 19 and many of (T)the Jews had come to (U)Martha and Mary, (V)to console them about their brother. 20 (W)Martha therefore, when she heard that Jesus was coming, went to meet Him, but (X)Mary was sitting in the house. 21 Martha then said to Jesus, “(Y)Lord, (Z)if You had been here, my brother would not have died. 22 But even now I know that (AA)whatever You ask from God, God will give You.” 23 Jesus *said to her, “Your brother will rise again.” 24 Martha *said to Him, “(AB)I know that he will rise again in the resurrection on the last day.” 25 Jesus said to her, (AC)I am the resurrection and the life; he who believes in Me will live even if he dies, 26 and everyone who lives and believes in Me (AD)will never die—ever. Do you believe this?” 27 She *said to Him, “Yes, Lord; I have believed that You are (AE)the [f]Christ, the Son of God, [g](AF)the One who comes into the world.”

28 And when she had said this, she (AG)went away and called Mary her sister, saying secretly, “(AH)The Teacher is here and is calling for you.” 29 And when she heard it, she *got up quickly and was coming to Him.

30 Now Jesus had not yet come into the village, but (AI)was still in the place where Martha met Him. 31 (AJ)Then the Jews—who were with her in the house and (AK)consoling her—when they saw that Mary rose up quickly and went out, they followed her, thinking that she was going to the tomb to cry there. 32 Therefore, when Mary came where Jesus was, she saw Him, and fell at His feet, saying to Him, “(AL)Lord, (AM)if You had been here, my brother would not have died.” 33 When Jesus therefore saw her crying, and (AN)the Jews who came with her also crying, He (AO)was [h]deeply moved in spirit and [i](AP)was troubled, 34 and said, “Where have you laid him?” They *said to Him, “Lord, come and see.” 35 Jesus (AQ)wept. 36 So (AR)the Jews were saying, “See how He (AS)loved him!” 37 But some of them said, “Could not this man, who (AT)opened the eyes of the blind man, [j]have kept this man also from dying?”

38 So Jesus, again being [k]deeply moved within, *came to the tomb. Now it was a (AU)cave, and a stone was lying against it. 39 Jesus *said, “Remove the stone.” Martha, the sister of the deceased, *said to Him, “Lord, by this time he smells, for he has been dead (AV)four days.” 40 Jesus *said to her, (AW)Did I not say to you that if you believe, you will see the glory of God?” 41 So they removed the (AX)stone. Then Jesus (AY)raised His eyes, and said, (AZ)Father, I thank You that You have heard Me. 42 And I knew that You always hear Me; but (BA)because of the crowd standing around I said this, so that they may believe that (BB)You sent Me.” 43 And when He had said these things, He cried out with a loud voice, “Lazarus, come forth.” 44 The man who had died came forth, (BC)bound hand and foot with wrappings, and (BD)his face was wrapped around with a cloth. Jesus *said to them, “Unbind him, and let him go.”

45 (BE)Therefore many of the Jews (BF)who came to Mary, and (BG)saw what He had done, believed in Him. 46 But some of them went to the (BH)Pharisees and told them the things which Jesus had done.

The Leaders Plot to Kill Jesus

47 Therefore (BI)the chief priests and the Pharisees (BJ)gathered the [l](BK)Sanhedrin together, and were saying, “What are we doing? For this man is doing many [m](BL)signs. 48 If we let Him go on like this, all will believe in Him, and the Romans will come and take away both our (BM)place and our nation.” 49 But one of them, (BN)Caiaphas, (BO)who was high priest that year, said to them, “You know nothing at all, 50 nor do you take into account that (BP)it is better for you that one man should die for the people, and that the whole nation not perish.” 51 Now he did not say this from himself, but (BQ)being high priest that year, he prophesied that Jesus was going to die for the nation, 52 and not for the nation only, but in order that He might also (BR)gather together into one the children of God who are scattered abroad. 53 So from that day on they (BS)planned together to kill Him.

54 Therefore Jesus (BT)no longer continued to walk openly among the Jews, but went away from there to the region near the wilderness, into a city called (BU)Ephraim; and there He stayed with the disciples.

55 Now (BV)the Passover of the Jews was near, and many went up to Jerusalem from the region before the Passover (BW)to purify themselves. 56 So they (BX)were seeking Jesus, and were saying to one another as they stood in the temple, “What do you think? That He will not come to the feast at all?” 57 Now (BY)the chief priests and the Pharisees had given orders that if anyone knew where He was, he was to report it, so that they might seize Him.

Footnotes

  1. John 11:12 Or recover
  2. John 11:13 Lit the slumber of sleep
  3. John 11:14 Or openly
  4. John 11:16 The Twin
  5. John 11:18 Approx. 1.7 mi. or 2.7 km, a stadion was approx. 607 ft. or 185 m
  6. John 11:27 Messiah
  7. John 11:27 Or the Coming One
  8. John 11:33 Or indignant
  9. John 11:33 Or disturbed
  10. John 11:37 Lit have caused that this man also not die
  11. John 11:38 Or indignant
  12. John 11:47 Or Council
  13. John 11:47 Or attesting miracles

Namatay si Lazaro

11 Noon(A) ay mayroong isang tao na maysakit, si Lazaro na taga-Betania, ang nayon nina Maria at Marta na kanyang mga kapatid.

Si(B) Maria ang siyang nagbuhos sa Panginoon ng pabango, at pinunasan ang mga paa nito ng kanyang buhok. Ang kanyang kapatid na si Lazaro ay may sakit.

Kaya't ang magkapatid na babae ay nagbalita kay Jesus,[a] “Panginoon, siya na iyong minamahal ay may sakit.”

Ngunit nang ito ay marinig ni Jesus ay sinabi niya, “Ang sakit na ito'y hindi tungo sa kamatayan, kundi para sa ikaluluwalhati ng Diyos, upang ang Anak ng Diyos ay luwalhatiin sa pamamagitan nito.”

Mahal nga ni Jesus si Marta, at ang kanyang kapatid na babae, at si Lazaro.

Nang mabalitaan niya na si Lazaro ay may sakit, siya'y nanatili ng dalawang araw pa sa dating lugar na kinaroroonan niya.

Pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, “Pumunta tayong muli sa Judea.”

Sinabi sa kanya ng mga alagad, “Rabi, ngayo'y pinagsisikapan kang batuhin ng mga Judio, at muli kang pupunta roon?”

Sumagot si Jesus, “Hindi ba ang maghapon ay may labindalawang oras? Ang lumalakad samantalang araw ay hindi natitisod, sapagkat nakikita niya ang ilaw ng sanlibutang ito.

10 Ngunit ang taong lumalakad samantalang gabi ay natitisod, sapagkat wala sa kanya ang ilaw.

11 Pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, “Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog, ngunit ako'y pupunta roon, upang gisingin siya.”

12 Sinabi ng mga alagad sa kanya, “Panginoon, kung siya'y natutulog, siya'y gagaling.”

13 Subalit ang sinasabi ni Jesus ay tungkol sa pagkamatay ni Lazaro,[b] subalit inakala nila na ang tinutukoy niya ay ang karaniwang pagtulog.

14 Kaya't pagkatapos ay maliwanag na sinabi sa kanila ni Jesus, “Namatay si Lazaro,

15 at ikinagagalak ko alang-alang sa inyo na ako'y wala roon, upang kayo'y sumampalataya. Gayunma'y tayo na sa kanya.”

16 Si Tomas na tinatawag na Kambal[c] ay nagsabi sa mga kapwa niya alagad, “Pumunta rin tayo upang mamatay na kasama niya.”

Si Jesus ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay

17 Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro.

18 Ang Betania ay malapit sa Jerusalem, na may layong tatlong kilometro.[d]

19 At maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang sila'y aliwin dahil sa kanilang kapatid.

20 Nang marinig ni Marta na si Jesus ay dumarating, siya ay pumunta at sinalubong siya, samantalang si Maria ay naiwan sa bahay.

21 Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung narito ka sana hindi sana namatay ang kapatid ko.

22 Subalit kahit ngayon ay nalalaman ko, na anumang hingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.”

23 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Muling mabubuhay ang iyong kapatid.”

24 Sinabi ni Marta sa kanya, “Alam kong siya'y muling mabubuhay sa muling pagkabuhay sa huling araw.”

25 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, ay mabubuhay.

26 At ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Pinaniniwalaan mo ba ito?”

27 Sinabi niya sa kanya, “Opo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos, ang siyang darating sa sanlibutan.

Umiyak si Jesus

28 Nang masabi na niya ito ay umalis siya, at tinawag ang kapatid niyang si Maria at palihim na sinabi, “Ang Guro ay narito at tinatawag ka.”

29 Nang marinig niya ito, dali-dali siyang tumayo at pumunta sa kanya.

30 (Hindi pa noon dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa lugar kung saan siya sinalubong ni Marta.)

31 Nakita ng mga Judio, na kanyang mga kasama sa bahay at umaaliw sa kanya, na si Maria ay dali-daling tumindig at lumabas. Sila ay sumunod sa kanya sa pag-aakalang pupunta siya sa libingan upang doo'y umiyak.

32 Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, at nang makita siya ni Maria,[e] lumuhod ito sa kanyang paanan, na sinasabi sa kanya, “Panginoon, kung ikaw sana'y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid.”

33 Kaya't nang makita ni Jesus na siya'y umiiyak, pati na ang mga Judiong dumating na kasama niya, siya ay nabagabag sa espiritu at nabahala,

34 at sinabi, “Saan ninyo siya inilagay?” Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, halika at tingnan mo.”

35 Umiyak si Jesus.

36 Sinabi ng mga Judio, “Tingnan ninyo kung gaano ang pagmamahal niya sa kanya!”

37 Subalit ang ilan sa kanila'y nagsabi, “Hindi ba siya na nagbukas ng mga mata ng bulag ay napigilan sana niya ang taong ito na mamatay?”

Binuhay si Lazaro

38 Si Jesus na lubhang nabagabag na muli ay pumunta sa libingan. Iyon ay isang yungib at mayroong isang batong nakatakip doon.

39 Sinabi ni Jesus, “Alisin ninyo ang bato.” Si Marta, na kapatid ng namatay, ay nagsabi sa kanya, “Panginoon, nangangamoy na siya ngayon, sapagkat apat na araw na siyang patay.”

40 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Hindi ba sinabi ko sa iyo, na kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”

41 Kaya't inalis nila ang bato. Tumingin si Jesus sa itaas at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo na ako'y iyong pinakinggan.

42 At alam kong ako'y lagi mong pinapakinggan. Ngunit ito'y sinabi ko alang-alang sa maraming taong nasa palibot, upang sila'y sumampalataya na ako ay sinugo mo.”

43 At nang masabi niya ang mga ito ay sumigaw siya ng malakas na tinig, “Lazaro, lumabas ka!”

44 Ang taong namatay ay lumabas, na ang mga kamay at mga paa ay natatalian ng mga telang panlibing, at ang kanyang mukha ay may balot na tela. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Siya'y inyong kalagan, at hayaan ninyong makaalis.”

Sabwatan Laban kay Jesus(C)

45 Kaya't marami sa mga Judio na sumama kay Maria at nakakita ng ginawa niya ang sumampalataya sa kanya.

46 Subalit ang ilan sa kanila ay pumunta sa mga Fariseo, at sinabi sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.

47 Kaya't ang mga punong pari at ang mga Fariseo ay nagpatawag ng pagpupulong at sinabi, “Ano ang gagawin natin? Ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda.

48 Kung siya'y ating pabayaan ng ganito, ang lahat ng mga tao ay maniniwala sa kanya. Darating ang mga Romano at wawasakin ang ating Templo[f] at ang ating bansa.”

49 Ngunit ang isa sa kanila, si Caifas na pinakapunong pari nang panahong iyon ay nagsabi sa kanila, “Wala talaga kayong nalalaman.

50 Hindi ba ninyo nauunawaan na mas mabuti para sa inyo na ang isang tao ay mamatay alang-alang sa bayan, kaysa mapahamak ang buong bansa?”

51 Hindi niya ito sinabi mula sa kanyang sarili, kundi bilang pinakapunong pari nang panahong iyon siya'y nagpropesiya na si Jesus ay mamamatay para sa bansa;

52 at hindi para sa bansa lamang, kundi upang tipunin niya sa iisa ang mga anak ng Diyos na nagkahiwa-hiwalay.

53 Kaya't mula nang araw na iyon ay binalak nilang siya'y patayin.

54 Mula noon, si Jesus ay hindi na naglalakad nang hayagan sa gitna ng mga Judio, kundi pumunta siya sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim. Siya'y nanirahan doon kasama ng mga alagad.

55 Ang Paskuwa nga ng mga Judio ay malapit na, at maraming umahon tungo sa Jerusalem mula sa lupaing iyon bago magpaskuwa, upang linisin ang kanilang mga sarili.

56 Hinahanap nila si Jesus, at sinasabi sa isa't isa habang nakatayo sila sa templo, “Ano sa palagay ninyo? Hindi kaya siya pupunta sa pista?”

57 Ang mga punong pari at ang mga Fariseo ay nag-utos na sinumang nakakaalam ng kinaroroonan ni Jesus[g] ay dapat ipagbigay-alam sa kanila upang siya'y kanilang madakip.

Footnotes

  1. Juan 11:3 Sa Griyego ay sa kanya .
  2. Juan 11:13 Sa Griyego ay niya .
  3. Juan 11:16 Sa Griyego ay Didimo .
  4. Juan 11:18 Sa Griyego ay 15 estadia .
  5. Juan 11:32 Sa Griyego ay niya .
  6. Juan 11:48 Sa Griyego ay lugar .
  7. Juan 11:57 Sa Griyego ay niya .