Joel 1:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Makinig kayo, matatandang pinuno,
pakinggan ninyo ito, lahat ng nasa Juda.
May nangyari na bang ganito sa inyong panahon,
o sa panahon ng inyong mga ninuno?
3 Isalaysay ninyo ito sa inyong mga anak,
upang maisalaysay naman nila ito sa magiging mga anak nila,
at sila ang magsasabi nito sa kasunod nilang salinlahi.
4 Pinagsawaan ng laksa-laksang balang ang mga pananim;
kinain ng sumunod ang natira ng una.
Amos 7:1
Magandang Balita Biblia
Ang mga Balang sa Pangitain
7 Ito ang pangitaing ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh: Nagpakawala siya ng maraming balang pagkatapos na gapasin ang bahagi ng ani na para sa hari, at habang nagsisimulang tumubo ang pananim.
Read full chapter
Hosea 4:3
Magandang Balita Biblia
3 Kaya't nagdadalamhati ang lupain,
nalulumbay ang lahat ng naninirahan dito.
Halos malipol ang mga hayop sa parang,
ang mga ibon sa papawirin,
at ang mga isda sa dagat.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.