Add parallel Print Page Options

Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa.

10 Gawin ninyong mga (A)tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas.

11 Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.

Read full chapter