Add parallel Print Page Options

titipunin ko ang mga bansa at dadalhin ko sila sa Lambak ni Jehoshafat.[a] Doon ko sila hahatulan dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita na aking mamamayan na pag-aari ko. Pinangalat nila ang mga Israelita sa ibaʼt ibang bansa at pinaghati-hatian ang aking lupain. Nagpalabunutan sila para paghati-hatian ang aking mga mamamayan, at ipinagbili nila bilang alipin ang mga batang lalaki at babae, upang ibili ng alak at ibayad sa babaeng bayaran.

“Kayong mga taga-Tyre, taga-Sidon, at ang lahat ng lugar ng Filistia, ano ba itong ginagawa ninyo laban sa akin? Ginagantihan ba ninyo ako sa mga bagay na aking ginawa? Kung ganoon, gagantihan ko agad kayo sa inyong ginagawa.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:2 Jehoshafat: Ang ibig sabihin, naghahatol ang Panginoon.
  2. 3:4 Ang ginagawa ng mga bansang ito laban sa Israel ay para na rin nilang ginagawa laban sa Panginoon.