Font Size
Joel 3:10-12
Ang Biblia, 2001
Joel 3:10-12
Ang Biblia, 2001
10 Gawin(A) ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod,
at mga sibat ang inyong mga karit;
hayaang sabihin ng mahina, “Ako'y malakas.”
11 Magmadali kayo, at magsiparito
kayong lahat ng bansa sa palibot,
magtipun-tipon kayo roon.
Ibaba mo ang iyong mga malalakas, O Panginoon.
12 Pasiglahin ng mga bansa ang kanilang sarili,
at sila'y umahon sa libis ni Jehoshafat;
sapagkat doo'y uupo ako upang hatulan
ang lahat ng bansa sa palibot.