Add parallel Print Page Options

14 (A)Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo (B)ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.

15 Sa aba ng araw na yaon! sapagka't ang (C)kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat.

16 Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata, oo, (D)ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios?

Read full chapter