Joel 1:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Ang puno ng ubas ay natuyo,
at ang puno ng igos ay nalalanta.
Ang puno ng granada, ang puno ng palma at ang puno ng mansanas,
at lahat ng punungkahoy sa parang ay tuyo;
sapagkat ang kagalakan ay nawala
sa mga anak ng mga tao.
13 Magbigkis kayo ng damit-sako at tumaghoy, O mga pari at tumaghoy,
manangis, kayong mga lingkod sa dambana.
Halikayo, palipasin ninyo ang magdamag na suot ang damit-sako,
O mga lingkod ng aking Diyos!
Sapagkat ang handog na butil at ang handog na inumin
ay ipinagkait sa bahay ng inyong Diyos.
14 Magtakda kayo ng pag-aayuno,
tumawag kayo ng isang banal na pagtitipon.
Tipunin ninyo ang matatanda
at ang lahat ng naninirahan sa lupain
sa bahay ng Panginoon ninyong Diyos,
at dumaing kayo sa Panginoon.