Add parallel Print Page Options

12 Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay (A)nawala sa mga anak ng mga tao.

13 Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga (B)saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.

14 (C)Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo (D)ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.

Read full chapter