Print Page Options

Si Job ay nakipagkatuwiranan sa Dios.

Wala bang (A)kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
Na gaya ng alipin na ninanasang mainam (B)ang lilim,
At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
Gayon ako pinapagdaan ng mga (C)buwan na walang kabuluhan
At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
(D)Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi,
Kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi?
At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
Ang aking laman ay nabibihisan ng mga (E)uod at ng libag na alabok;
Ang aking balat ay namamaga at putok putok.
Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa (F)panghabi ng manghahabi,
At nagugugol na walang pagasa.
Oh (G)alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga:
Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan:
Ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
Gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
Ni malalaman pa man niya ang (H)kaniyang dako.
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako'y dadaing (I)sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat,
Na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13 (J)Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan,
Papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip,
At pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis,
At ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16 (K)Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man:
(L)Bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay (M)walang kabuluhan.
17 (N)Ano ang tao, na iyong palalakhin siya,
At iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18 At iyong dadalawin siya (O)tuwing umaga,
At susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan,
Ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao?
Bakit mo nga (P)inilalagay akong pinakatanda sa iyo.
Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
At (Q)ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.

Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?

Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:

Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.

Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.

Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.

Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.

Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.

Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.

Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.

10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.

11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.

12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?

13 Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;

14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:

15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.

16 Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.

17 Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,

18 At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?

19 Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?

20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?

21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok; at ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.

“Ang buhay ng tao dito sa mundo ay napakahirap. Itoʼy kasinghirap ng araw-araw na pagtatrabaho ng isang manggagawa, o gaya ng isang aliping nagnanais na sumapit na ang hapon upang siyaʼy makapagpahinga, o tulad ng isang manggagawang naghihintay ng kanyang sweldo. Ganyan din ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang aking paghihirap na walang kabuluhan. Kahit gabiʼy naghihirap ako, at habang nakahiga ako, iniisip ko kung kailan darating ang umaga. Napakabagal ng takbo ng oras. Hindi ako mapalagay hanggang magbukang-liwayway. Ang katawan koʼy puno ng uod at langib. Nagnanana at pumuputok ang mga pigsa kong namamaga.”

Nanalangin si Job sa Dios

“Lumilipas po ang aking mga araw na walang pag-asa. Mabilis itong lumilipas, higit pa sa bilis ng isang habian[a] ng manghahabi.[b] O Dios, alalahanin nʼyo po na ang buhay koʼy parang isang hinga lamang, at hindi na po ako makadama ng anumang ligaya. Nakikita nʼyo po ako ngayon pero sa huli ay hindi na. Hahanapin nʼyo ako ngunit hindi nʼyo ako matatagpuan. Kung papaanong ang mga ulap ay nawawala at hindi na nakikita, ganoon din ang mga namamatay, hindi na sila nakakabalik pa. 10 Hindi na siya makakauwi sa kanyang bahay, at makakalimutan na siya ng mga nakakakilala sa kanya.

11 “Kaya po hindi ako maaaring manahimik; naninikip na po ang aking dibdib at kailangan ko na pong sabihin ang aking sama ng loob. 12 O Dios, bakit nʼyo po ako binabantayan? Isa ba akong dambuhalang halimaw sa dagat na dapat bantayan? 13 Kung gusto ko pong mahiga para makapagpahinga sa tinitiis kong hirap, 14 tinatakot nʼyo naman po ako sa pamamagitan ng mga panaginip at pangitain. 15 Kaya mas mabuti pang sakalin na lang ako at mamatay kaysa mabuhay sa katawang ito. 16 Kinasusuklaman ko ang aking buhay. Ayoko nang mabuhay. Hayaan nʼyo na lang akong mamatay, dahil wala nang kabuluhan ang aking buhay.

17 “Ano po ba ang tao para pahalagahan at pagmalasakitan nʼyo ng ganito? 18 Sinisiyasat nʼyo siya tuwing umaga at sinusubukan sa bawat sandali. 19 Kung maaari, hayaan na lang muna nʼyo ako kahit sandali lang. 20 At kung nagkasala naman po ako, ano po ang kasalanang nagawa ko sa inyo, O Tagapagbantay ng tao? Bakit ako ang pinili nʼyong pahirapan? Naging pabigat po ba ako sa inyo? 21 Kung nagkasala po ako sa inyo, bakit hindi nʼyo na lang ako patawarin? Hindi na rin naman magtatagal at papanaw na ako, at kahit hanapin nʼyo ako, hindi nʼyo na ako makikita.”

Footnotes

  1. 7:6 habian: sa ingles, shuttle.
  2. 7:6 manghahabi: sa Ingles, weaver.

“Do not mortals have hard service(A) on earth?(B)
    Are not their days like those of hired laborers?(C)
Like a slave longing for the evening shadows,(D)
    or a hired laborer waiting to be paid,(E)
so I have been allotted months of futility,
    and nights of misery have been assigned to me.(F)
When I lie down I think, ‘How long before I get up?’(G)
    The night drags on, and I toss and turn until dawn.(H)
My body is clothed with worms(I) and scabs,
    my skin is broken and festering.(J)

“My days are swifter than a weaver’s shuttle,(K)
    and they come to an end without hope.(L)
Remember, O God, that my life is but a breath;(M)
    my eyes will never see happiness again.(N)
The eye that now sees me will see me no longer;
    you will look for me, but I will be no more.(O)
As a cloud vanishes(P) and is gone,
    so one who goes down to the grave(Q) does not return.(R)
10 He will never come to his house again;
    his place(S) will know him no more.(T)

11 “Therefore I will not keep silent;(U)
    I will speak out in the anguish(V) of my spirit,
    I will complain(W) in the bitterness of my soul.(X)
12 Am I the sea,(Y) or the monster of the deep,(Z)
    that you put me under guard?(AA)
13 When I think my bed will comfort me
    and my couch will ease my complaint,(AB)
14 even then you frighten me with dreams
    and terrify(AC) me with visions,(AD)
15 so that I prefer strangling and death,(AE)
    rather than this body of mine.(AF)
16 I despise my life;(AG) I would not live forever.(AH)
    Let me alone;(AI) my days have no meaning.(AJ)

17 “What is mankind that you make so much of them,
    that you give them so much attention,(AK)
18 that you examine them every morning(AL)
    and test them(AM) every moment?(AN)
19 Will you never look away from me,(AO)
    or let me alone even for an instant?(AP)
20 If I have sinned, what have I done to you,(AQ)
    you who see everything we do?
Why have you made me your target?(AR)
    Have I become a burden to you?[a](AS)
21 Why do you not pardon my offenses
    and forgive my sins?(AT)
For I will soon lie down in the dust;(AU)
    you will search for me, but I will be no more.”(AV)

Footnotes

  1. Job 7:20 A few manuscripts of the Masoretic Text, an ancient Hebrew scribal tradition and Septuagint; most manuscripts of the Masoretic Text I have become a burden to myself.

Is there not an appointed time to man upon earth? are not his days also like the days of an hireling?

As a servant earnestly desireth the shadow, and as an hireling looketh for the reward of his work:

So am I made to possess months of vanity, and wearisome nights are appointed to me.

When I lie down, I say, When shall I arise, and the night be gone? and I am full of tossings to and fro unto the dawning of the day.

My flesh is clothed with worms and clods of dust; my skin is broken, and become loathsome.

My days are swifter than a weaver's shuttle, and are spent without hope.

O remember that my life is wind: mine eye shall no more see good.

The eye of him that hath seen me shall see me no more: thine eyes are upon me, and I am not.

As the cloud is consumed and vanisheth away: so he that goeth down to the grave shall come up no more.

10 He shall return no more to his house, neither shall his place know him any more.

11 Therefore I will not refrain my mouth; I will speak in the anguish of my spirit; I will complain in the bitterness of my soul.

12 Am I a sea, or a whale, that thou settest a watch over me?

13 When I say, My bed shall comfort me, my couch shall ease my complaints;

14 Then thou scarest me with dreams, and terrifiest me through visions:

15 So that my soul chooseth strangling, and death rather than my life.

16 I loathe it; I would not live alway: let me alone; for my days are vanity.

17 What is man, that thou shouldest magnify him? and that thou shouldest set thine heart upon him?

18 And that thou shouldest visit him every morning, and try him every moment?

19 How long wilt thou not depart from me, nor let me alone till I swallow down my spittle?

20 I have sinned; what shall I do unto thee, O thou preserver of men? why hast thou set me as a mark against thee, so that I am a burden to myself?

21 And why dost thou not pardon my transgression, and take away my iniquity? for now shall I sleep in the dust; and thou shalt seek me in the morning, but I shall not be.