Job 42:10-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Pagkatapos maipanalangin ni Job ang kanyang mga kaibigan, muli siyang pinaunlad ng Panginoon at dinoble pa niya ang dating kayamanan ni Job. 11 Lahat ng kapatid niya at mga kaibigan noon ay nagpunta sa kanya at nagsalo-salo sila sa kanyang bahay. Inaliw nila si Job sa kahirapang pinasapit sa kanya ng Panginoon. At bawat isa sa kanilaʼy nagbigay kay Job ng pera at gintong singsing.
12 Sa gayoʼy lalong pinagpala ng Panginoon ang mga huling araw ni Job ng higit pa kaysa sa dati. Binigyan siya ng Panginoon ng 14,000 tupa, 6,000 kamelyo, 1,000 pares ng baka, at 1,000 babaeng asno. 13 Binigyan din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. 14 Ang panganay niyang babae ay si Jemima, ang pangalawa ay si Kezia, at ang pangatlo ay si Keren Hapuc. 15 Walang babaeng mas gaganda pa kaysa sa kanila sa buong lupain.[a] Binigyan sila ni Job ng mana katulad ng kanilang mga kapatid na lalaki.
16 Pagkatapos nitoʼy nabuhay pa si Job ng 140 taon. Nakita pa niya ang kanyang mga apo hanggang sa ikaapat na salinlahi. 17 Matandang-matanda na si Job nang siya ay namatay.
Read full chapterFootnotes
- 42:15 sa buong lupain: o, sa buong mundo.
Genesis 4:8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Isang araw, sinabi ni Cain kay Abel, “Halika, pumunta tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel.
Read full chapter
Mateo 14:10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Kaya pinugutan ng ulo si Juan sa loob ng bilangguan,
Read full chapter
1 Corinto 4:5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga sekreto at motibo ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Dios na ayon sa kanyang ginawa.
Read full chapter
Daniel 2:44
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
44 “Sa panahon ng mga haring ito, ang Dios sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi babagsak kailanman. Hindi ito matatalo ng alinmang kaharian, kundi wawasakin pa niya ang lahat ng kaharian at mananatili ito magpakailanman.
Read full chapter
Job 14:14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Kung mamatay ang tao, mabubuhay pa kaya ito? Kung ganoon, titiisin ko ang lahat ng paghihirap na ito hanggang sa dumating ang oras na matapos ito.
Read full chapter
Job 14:15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
15 At sa oras na tawagin nʼyo ako, Panginoon, sasagot ako, at kasasabikan nʼyo ako na inyong nilikha.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®