Add parallel Print Page Options

Ang unang pagsasalita ni Eliphaz. Kaniyang pinatunayan ang katarungan ng Dios.

Nang magkagayo'y sumagot si (A)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba?
Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita?
Narito, ikaw ay nagturo sa marami,
At iyong pinalakas (B)ang mahinang mga kamay.
Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal,
At iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.
Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay;
Ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.
Hindi ba ang (C)iyong takot sa Dios ay (D)ang iyong tiwala,
At ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?
Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay?
O saan nangahiwalay ang mga matuwid?
Ayon sa aking pagkakita (E)yaong nagsisipagararo ng kasamaan,
At nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay,
At (F)sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol.
10 Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon,
At (G)ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.
11 Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli,
At ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat.

Ang pagkawalang kabuluhan ng tao sa harapan ng Dios.

12 Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay,
At ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon.
13 (H)Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao,
14 Takot ay dumating sa akin, at panginginig,
Na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto.
15 Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha.
Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.
16 Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon;
Isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata:
Tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,
17 (I)Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios?
Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?
18 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod;
At inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:
19 Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga (J)bahay na putik,
Na ang patibayan ay nasa (K)alabok,
Na napipisang gaya ng (L)paroparo!
20 Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba;
Nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.
21 (M)Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila?
Sila'y nangamamatay at walang karunungan.

Ang makasalanan ay hindi matatag.

Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?
At sa kanino sa mga (N)banal babalik ka?
Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal,
At ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
(O)Aking nakita ang hangal na umuunlad:
Nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
(P)Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan,
At (Q)sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan,
Na wala mang magligtas sa kanila.
Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom,
At kinukuha na mula sa mga tinik,
At ang silo ay nakabuka sa kanilang pagaari.
Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok,
Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
(R)Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan.
Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios,
At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita;
Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
10 (S)Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa,
At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
11 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas (T)yaong nangasa mababa;
At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
12 (U)Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha,
Na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
13 (V)Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha:
At ang payo ng suwail ay napapariwara.
14 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw,
(W)At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
15 (X)Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig,
Sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
16 Na anopa't ang dukha ay may pagasa,
(Y)At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.

Ang kagalingan ng parusa.

17 Narito, (Z)maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios:
Kaya't (AA)huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
18 (AB)Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal;
Siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
19 Kaniyang ililigtas ka sa (AC)anim na kabagabagan.
Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
20 (AD)Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan;
At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
21 Ikaw ay makukubli (AE)sa talas ng dila;
Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
22 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka;
Ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
23 (AF)Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;
At ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
24 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan;
At iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
25 Iyo rin namang makikilala na ang (AG)iyong binhi ay magiging dakila,
At ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
26 Ikaw ay (AH)darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan.
Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga;
Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.

Inilarawan ni Job ang kaniyang pagkasawi.

Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi,

Oh timbangin nawa ang aking pagkainip,
At ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama.
Sapagka't ngayo'y (AI)magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat:
Kaya't ang aking pananalita ay napabigla.
Sapagka't ang mga (AJ)palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin,
Ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa;
Ang mga (AK)pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.
Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo?
O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain?
Makakain ba ng walang asin ang matabang?
O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog?
Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa;
Mga karumaldumal na pagkain sa akin.
Oh mangyari nawa ang (AL)aking kahilingan;
At ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi!
Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako;
Na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako!
10 Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan;
Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit;
Sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita (AM)ng Banal.
11 Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay?
At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?
12 Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato?
O ang akin bang laman ay tanso?
13 Di ba ako'y walang sukat na kaya,
At ang karunungan ay lumayo sa akin?

Ang kadayaan at kalupitan ng kaniyang mga kaibigan.

14 (AN)Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan;
Kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat.
15 Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis,
Na parang daan ng mga batis na nababago;
16 Na malabo dahil sa hielo,
At siyang kinatunawan ng nieve:
17 Paginit ay nawawala:
Pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako.
18 Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw;
Nagsisilihis sa ilang at nawawala.
19 Minasdan ng mga pulutong (AO)na mula sa Tema,
Hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa (AP)Seba.
20 Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa;
Sila'y nagsiparoon at nangatulig.
21 Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala;
Kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.
22 Sinabi ko baga: Bigyan mo ako?
O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pagaari?
23 O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway?
O, Tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati?
24 Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa;
At ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan.
25 Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran!
Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo?
26 Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita?
Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.
27 Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila,
At ginawa ninyong (AQ)kalakal ang inyong kaibigan.
28 Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako;
Sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap.
29 (AR)Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan;
Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid.
30 May di ganap ba sa aking dila?
Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?

Si Job ay nakipagkatuwiranan sa Dios.

Wala bang (AS)kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
Na gaya ng alipin na ninanasang mainam (AT)ang lilim,
At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
Gayon ako pinapagdaan ng mga (AU)buwan na walang kabuluhan
At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
(AV)Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi,
Kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi?
At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
Ang aking laman ay nabibihisan ng mga (AW)uod at ng libag na alabok;
Ang aking balat ay namamaga at putok putok.
Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa (AX)panghabi ng manghahabi,
At nagugugol na walang pagasa.
Oh (AY)alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga:
Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan:
Ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
Gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
Ni malalaman pa man niya ang (AZ)kaniyang dako.
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako'y dadaing (BA)sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat,
Na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13 (BB)Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan,
Papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip,
At pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis,
At ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16 (BC)Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man:
(BD)Bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay (BE)walang kabuluhan.
17 (BF)Ano ang tao, na iyong palalakhin siya,
At iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18 At iyong dadalawin siya (BG)tuwing umaga,
At susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan,
Ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao?
Bakit mo nga (BH)inilalagay akong pinakatanda sa iyo.
Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
At (BI)ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.

Ang unang pagsasalita ni Bildad. Ipinagtanggol ang katarungan ng Dios.

Nang magkagayo'y sumagot si (BJ)Bildad na Suhita, at nagsabi,

Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito?
At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
(BK)Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios?
O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
Kung ang (BL)iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya,
At kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
Kung hanapin (BM)mong mainam ang Dios,
At iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
Kung ikaw ay malinis at matuwid;
Walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo.
At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
At bagaman ang iyong pasimula ay maliit,
Gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
(BN)Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon,
At pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
(BO)(Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman,
Sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay (BP)anino:)
10 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo,
At mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
11 Makatataas ba ang yantok ng walang putik?
Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
12 (BQ)Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol,
Natutuyong una kay sa alin mang damo.
13 Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios;
At ang (BR)pagasa ng di banal ay mawawala:
14 Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam,
At ang kaniyang tiwala ay isang (BS)bahay gagamba.
15 Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo;
Siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
16 Siya'y sariwa sa harap ng araw,
At ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
17 Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton,
Kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
18 Kung siya'y magiba sa kaniyang dako,
Kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
19 Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad,
At (BT)mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
20 Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao,
Ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
21 Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa,
At ang iyong mga labi ng paghiyaw.
22 Silang nangapopoot sa iyo ay
(BU)mabibihisan ng pagkahiya;
At ang tolda ng masama ay mawawala.

Ang ikatlong pagsasalita ni Job. Inilahad ang kapangyarihan ng Dios.

Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon:
(BV)Nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya,
Siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
(BW)Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan:
Sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman,
Pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
(BX)Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan,
At ang mga haligi nito ay (BY)nangayayanig.
Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat;
At nagtatakda sa mga bituin.
(BZ)Na nagiisang inuunat ang langit,
At tumutungtong sa mga (CA)alon ng dagat.
(CB)Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade,
At sa mga silid ng timugan.
10 Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod;
Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11 Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita:
Siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
12 (CC)Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya?
Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13 Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit;
Ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14 Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya,
At mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15 (CD)Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya;
Ako'y mamamanhik sa aking hukom.
16 Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin;
Gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17 Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo,
At pinararami ang aking mga sugat (CE)ng walang kadahilanan.
18 Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga,
Nguni't nililipos niya ako ng hirap.
19 Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan!
At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20 Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol (CF)sa akin:
Kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
21 Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili;
Aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22 Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi:
Kaniyang ginigiba (CG)ang sakdal at ang masama.
23 Kung ang (CH)panghampas ay pumapatay na bigla,
Tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24 Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama:
Kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito;
(CI)Kung hindi siya, sino nga?

Ang di pagkaalam ni Job ay hindi naging tanggulan.

25 Ngayo'y (CJ)ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang (CK)sugo:
Dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26 Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan:
(CL)Parang agila na dumadagit ng huli.
27 (CM)Kung aking sabihin:
Aking kalilimutan ang aking daing,
Aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at (CN)magpapakasaya ako:
28 Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan,
Talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29 Ako'y mahahatulan;
Bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30 Kung ako'y maligo ng nieveng tubig,
At gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31 Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay,
At kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32 Sapagka't siya'y (CO)hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya,
Na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
33 Walang hukom sa pagitan natin,
Na makapaglagay ng (CP)kaniyang kamay sa ating dalawa.
34 Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod,
At huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35 Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya;
Sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.

Siya ay tumututol sa kalabisang parusa ng Panginoon.

10 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay;
(CQ)Aking palalayain ang aking daing;
(CR)Ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan;
Ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
(CS)Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati,
Na iyong (CT)itakuwil ang (CU)gawa ng iyong mga kaaway,
At iyong pasilangin ang payo ng masama?
(CV)Ikaw ba'y may mga matang laman,
O (CW)nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
O ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan,
At magusisa ng aking kasalanan,
Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama;
At walang makapagliligtas sa iyong kamay?
(CX)Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin
(CY)Sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na (CZ)gaya ng putik;
At iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas,
At binuo mo akong parang keso?
11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman,
At sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob,
At pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso;
Talastas ko na (DA)ito'y sa iyo:
14 Kung ako'y magkasala, (DB)iyo nga akong tinatandaan,
At hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko;
At kung ako'y maging matuwid, hindi ko man (DC)itataas ang aking ulo;
Yamang puspos ng kakutyaan,
At ng pagmamasid niring kadalamhatian.
16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang (DD)leon:
At napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin,
At dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin;
(DE)Paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
18 (DF)Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata?
Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay;
Nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
20 (DG)Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga,
At ako'y iyong bayaan, upang ako'y (DH)maginhawahan ng kaunti,
21 (DI)Bago ako manaw doon na hindi ako babalik,
(DJ)Sa lupain ng kadiliman at (DK)ng lilim ng kamatayan;
22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman;
Lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos,
At doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.

Ang unang pagsasalita ni Sophar. Binibintangan niya si Job ng pagmamataas at kawalang kabanalan.

11 Nang magkagayo'y sumagot si (DL)Sophar na Naamathita, at nagsabi,

Hindi ba sasagutin ang (DM)karamihan ng mga salita?
At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog.
At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
Sapagka't (DN)iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay,
At ako'y malinis sa iyong mga mata.
Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita,
At bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan,
Pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa.
Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
(DO)Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik?
Masusumpungan mo ba sa (DP)kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa?
Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman?
Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa.
At maluwang kay sa dagat.
10 Kung siya'y dumaan (DQ)at magsara,
At tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
11 Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang (DR)tao:
Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
12 Nguni't (DS)ang walang kabuluhang tao ay walang unawa,
Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.

Pinapaglilinis ni Sophar si Job sa mga kasalanan.

13 Kung iyong ihahanda ang iyong puso,
At iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
14 Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo,
At huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
15 (DT)Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan;
Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
16 Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan;
(DU)Iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
17 At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat;
Bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
18 At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa;
Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
19 (DV)Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo;
Oo, maraming liligaw (DW)sa iyo.
20 Nguni't ang mga (DX)mata ng masama ay mangangalumata,
At mawawalan sila ng daang tatakasan,
At ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.

Pinatunayan ni Job ang kapangyarihan ng Dios.

12 Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,

Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan,
At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo:
Hindi ako huli sa inyo:
Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
(DY)Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa,
Ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya:
Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.
Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi;
Nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.
Ang mga tolda ng mga tulisan ay (DZ)gumiginhawa,
At silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay;
Na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.
Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila:
At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo;
At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito,
Na (EA)ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
10 (EB)Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay,
At ang hininga ng lahat ng mga tao.
11 (EC)Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig;
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
12 Nasa mga matanda ang karunungan,
At sa kagulangan ang unawa.
13 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan;
Kaniya ang payo at pagkaunawa.
14 Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli;
(ED)Siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
15 Narito, (EE)kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo;
Muli, kaniyang (EF)binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
16 Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan,
Ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
17 Kaniyang (EG)pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait,
At ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
18 Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari,
At binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19 Kaniyang pinalalakad na (EH)hubad sa bait ang mga saserdote.
20 Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan.
At (EI)inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
21 (EJ)Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo,
At kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22 Siya'y naglilitaw ng mga malalim
na bagay mula sa kadiliman,
At inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
23 (EK)Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya:
Kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
24 Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa,
At (EL)kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.
25 Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag,
At kaniyang (EM)pinagigiraygiray sila na gaya ng lango.

Pinararatangan ni Job ang kaniyang mga kaibigan ng maling pagtatanggol sa Dios.

13 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata,
Ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman:
Hindi ako huli sa inyo.
Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat,
At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
Nguni't kayo'y (EN)mapagkatha ng mga kabulaanan.
(EO)Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat!
(EP)At magiging inyong karunungan.
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran,
At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
Kayo ba'y mangagsasalita ng (EQ)kalikuan dahil sa Dios,
At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios?
Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
(ER)Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya?
(ES)O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo,
Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan,
At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang (ET)abo,
Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita,
At paratingin sa akin ang darating.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 (EU)Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin (EV)siya:
Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan;
Sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita,
At ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap;
Talastas ko na ako'y matuwid.
19 (EW)Sino ang makikipagtalo sa akin?
Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
20 (EX)Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin,
Kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin;
At huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot;
O papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan?
(EY)Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 (EZ)Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha,
At inaari mo (FA)akong iyong kaaway?
25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin?
At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26 (FB)Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin,
At ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27 (FC)Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan,
At pinupuna mo ang lahat kong landas:
Ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw,
Na parang damit na kinain ng tanga.

Ipinakilala ni Job ang kahinaan ng tao. Siya'y nanalangin upang makubli siyang sumandali hanggang makaraan ang poot ng Panginoon.

14 Taong (FD)ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
Siya'y umuusli na gaya (FE)ng bulaklak, at (FF)nalalagas:
Siya rin nama'y tumatakas na (FG)gaya ng anino, at hindi namamalagi.
At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, At ipinagsasama mo (FH)ako upang hatulan mo?
(FI)Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan,
Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo,
At iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
(FJ)Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga,
Hanggang sa maganap niya, na (FK)gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli,
At ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa,
At ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol,
At magsasanga na gaya ng pananim.
10 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw;
Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
At ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon:
(FL)Hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon,
Ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
13 Oh (FM)ikubli mo nawa ako sa Sheol.
Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan,
Na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
14 (FN)Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako,
Hanggang sa dumating ang pagbabago.
15 (FO)Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo:
Ikaw ay magtataglay ng nasa sa (FP)gawa ng iyong mga kamay.
16 (FQ)Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang:
Hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
17 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot,
At iyong inilalapat ang aking kasamaan.
18 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala,
At ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
19 Inuukit ng tubig ang mga bato;
Tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa:
Sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
20 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw;
Iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
21 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, (FR)at hindi niya nalalaman;
At sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
22 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit,
At ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.