Add parallel Print Page Options

35 Nagpatuloy pa si Elihu,
“Ikaw, Job, ay wala sa katuwiran,
    di mo masasabing sa harap ng Diyos, ika'y walang kasalanan.
Sa iyong sinasabi, ang mapapala ko'y ano?
    Hindi kaya mabuti pang nagkasala na nga ako?
Ika'y aking sasagutin sa sinabi mong ito.
    Sasagutin kita, pati mga kaibigan mo.

“Tumingala ka sa langit at igala ang paningin, masdan mo ang mataas na ulap sa papawirin.
Di(A) napipinsala ang Diyos sa mga kasalanan mo,
    walang magagawa sa kanya gaano man karami ito.
Wala kang naitulong sa kanya sa iyong pagiging matuwid,
    wala kang naibigay kahit bagay na maliit.
Kung nagkakasala ka'y kapwa mo ang nagdurusa,
    sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila.

“Kapag ang mga tao'y inaapi, sila ay dumaraing,
    sila'y nagmamakaawa upang ang tulong ay kamtin.
10 Ngunit hindi naman sila lumalapit sa Diyos,
    na nagbibigay ng pag-asa kung dinaranas ay lungkot.
11 Ayaw nilang lumapit sa Diyos na nagbibigay sa atin ng karunungan,
    higit sa taglay ng mga hayop o ibon sa kalawakan.
12 Humihibik sila sa Diyos ngunit hindi pinapakinggan,
    pagkat sila'y mga palalo at puno ng kasamaan.
13 Huwag sabihing ang Makapangyarihang Diyos ay di nakikinig,
    na di niya pinapansin ang kanilang sinapit.

14 “Ikaw na rin ang nagsabing ang Diyos ay hindi mo nakikita,
    maghintay ka na lamang sapagkat ang kalagayan mo'y alam niya.
15 Akala mo'y hindi siya marunong magparusa,
    at ang kasamaa'y ipinagwawalang-bahala niya.
16 Wala nang saysay kung magsasalita ka pa,
    mga sinasabi mo nama'y walang kuwenta.”

Pinaratangan ni Eliu si Job na nagaaring ganap sa sarili.

35 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,

Iniisip mo bang ito'y matuwid?
O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios,
Na iyong sinasabi, (A)Anong pakinabang ang tatamuhin mo?
At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala?
Sasagutin kita,
At (B)ang iyong mga kasamahang kasama mo.
(C)Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan;
At masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo.
Kung ikaw ay nagkasala, (D)anong iyong ginagawa laban sa kaniya?
At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya?
(E)Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya?
O anong tinatanggap niya sa iyong kamay?
Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo;
At ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.
(F)Dahil sa karamihan ng mga kapighatian, sila'y humihiyaw:
Sila'y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan.
10 Nguni't walang nagsasabing, Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin,
(G)Na siyang nagbibigay ng awit kung gabi;
11 Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa.
At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid?
12 Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot,
Dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao
13 Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan,
Ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.
14 (H)Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya.
Ang usap ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya!
15 Nguni't ngayon sapagka't hindi niya dinalaw (I)sa kaniyang galit,
Ni ginunita mang maigi;
16 (J)Kaya't ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan;
Siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman.