Add parallel Print Page Options

32 Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y matuwid sa kaniyang sariling paningin.

Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios.

Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job.

Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya.

At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot.

At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi, Ako'y bata, at kayo'y totoong matatanda; kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka.

Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita, at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.

Nguni't may espiritu sa tao, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa.

Hindi ang dakila ang siyang pantas, ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.

10 Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako; akin namang ipakikilala ang aking haka.

11 Narito, aking hinintay ang inyong mga salita, aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran, samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.

12 Oo, aking inulinig kayo, at, narito, walang isang makahikayat kay Job, o sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita.

13 Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan; madadaig ng Dios siya, hindi ng tao;

14 Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin; ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita.

15 Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa; Sila'y walang salitang masabi,

16 At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita, sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot.

17 Ako nama'y sasagot ng ganang akin, akin namang ipakikilala ang aking haka.

18 Sapagka't ako'y puspos ng mga salita; ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin,

19 Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan: parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak.

20 Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan: aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako.

21 Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman; ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita.

22 Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita; na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin.

Introduction of Elihu

32 These three men stopped answering Job because he thought he was righteous.[a] Elihu son of Barachel the Buzite from the clan of Ram was angry, angry with Job because he considered himself more righteous than God. He was also angry with his three friends because they hadn’t found an answer but nevertheless thought Job wicked. Elihu had waited while Job spoke, for they were older than he. When Elihu saw that there had been no response in the speeches of the three men, he became very angry.

Elihu’s justification for speaking

Elihu son of Barachel the Buzite said:
I’m young and you’re old,
    so I held back, afraid to express my opinion to you.
I thought, Let days speak;
    let multiple years make wisdom known.
But the spirit in a person,
    the Almighty’s breath, gives understanding.
The advanced in days aren’t wise;
    the old don’t understand what’s right.
10 Therefore, I say: “Listen to me;
    I’ll state my view, even I.”
11 Look, I waited while you spoke,
    listened while you reasoned,
    while you searched for words.
12 I was attentive to you,
    but you offered no rebuke to Job,
    no answer from you for his words.
13 Be careful you don’t say, “We’ve found wisdom;
    God, not a person, will defeat him.”

14 Now Job[b] hasn’t addressed me,
    and I won’t quote you to him.
15 They are troubled, no longer answer;
    words now escape them.
16 I waited, but they didn’t speak,
    for they stood but answered no more.
17 I will answer. Indeed, I will state[c] my piece;
    I too will declare my view,
18         for I’m full of words.
The spirit in my belly compels me.
19     Look, my belly is like unopened wine;
        like new wineskins it will burst.
20 I will speak and get relief;
    I will open my lips and respond.
21 I won’t be partial to anyone,
        won’t flatter a person;
22         for I don’t know flattery;
    otherwise my maker would quickly whisk me away.

Footnotes

  1. Job 32:1 Or was righteous in his own eyes
  2. Job 32:14 Or he
  3. Job 32:17 Heb lacks will state.