31 “I made a covenant with my eyes(A)
    not to look lustfully at a young woman.(B)
For what is our lot(C) from God above,
    our heritage from the Almighty on high?(D)
Is it not ruin(E) for the wicked,
    disaster(F) for those who do wrong?(G)
Does he not see my ways(H)
    and count my every step?(I)

“If I have walked with falsehood
    or my foot has hurried after deceit(J)
let God weigh me(K) in honest scales(L)
    and he will know that I am blameless(M)
if my steps have turned from the path,(N)
    if my heart has been led by my eyes,
    or if my hands(O) have been defiled,(P)
then may others eat what I have sown,(Q)
    and may my crops be uprooted.(R)

“If my heart has been enticed(S) by a woman,(T)
    or if I have lurked at my neighbor’s door,
10 then may my wife grind(U) another man’s grain,
    and may other men sleep with her.(V)
11 For that would have been wicked,(W)
    a sin to be judged.(X)
12 It is a fire(Y) that burns to Destruction[a];(Z)
    it would have uprooted my harvest.(AA)

13 “If I have denied justice to any of my servants,(AB)
    whether male or female,
    when they had a grievance against me,(AC)
14 what will I do when God confronts me?(AD)
    What will I answer when called to account?(AE)
15 Did not he who made me in the womb make them?(AF)
    Did not the same one form us both within our mothers?(AG)

16 “If I have denied the desires of the poor(AH)
    or let the eyes of the widow(AI) grow weary,(AJ)
17 if I have kept my bread to myself,
    not sharing it with the fatherless(AK)
18 but from my youth I reared them as a father would,
    and from my birth I guided the widow(AL)
19 if I have seen anyone perishing for lack of clothing,(AM)
    or the needy(AN) without garments,
20 and their hearts did not bless me(AO)
    for warming them with the fleece(AP) from my sheep,
21 if I have raised my hand against the fatherless,(AQ)
    knowing that I had influence in court,(AR)
22 then let my arm fall from the shoulder,
    let it be broken off at the joint.(AS)
23 For I dreaded destruction from God,(AT)
    and for fear of his splendor(AU) I could not do such things.(AV)

24 “If I have put my trust in gold(AW)
    or said to pure gold, ‘You are my security,’(AX)
25 if I have rejoiced over my great wealth,(AY)
    the fortune my hands had gained,(AZ)
26 if I have regarded the sun(BA) in its radiance
    or the moon(BB) moving in splendor,
27 so that my heart was secretly enticed(BC)
    and my hand offered them a kiss of homage,(BD)
28 then these also would be sins to be judged,(BE)
    for I would have been unfaithful to God on high.(BF)

29 “If I have rejoiced at my enemy’s misfortune(BG)
    or gloated over the trouble that came to him(BH)
30 I have not allowed my mouth to sin
    by invoking a curse against their life(BI)
31 if those of my household have never said,
    ‘Who has not been filled with Job’s meat?’(BJ)
32 but no stranger had to spend the night in the street,
    for my door was always open to the traveler(BK)
33 if I have concealed(BL) my sin as people do,[b]
    by hiding(BM) my guilt in my heart
34 because I so feared the crowd(BN)
    and so dreaded the contempt of the clans
    that I kept silent(BO) and would not go outside—

35 (“Oh, that I had someone to hear me!(BP)
    I sign now my defense—let the Almighty answer me;
    let my accuser(BQ) put his indictment in writing.
36 Surely I would wear it on my shoulder,(BR)
    I would put it on like a crown.(BS)
37 I would give him an account of my every step;(BT)
    I would present it to him as to a ruler.(BU))—

38 “if my land cries out against me(BV)
    and all its furrows are wet(BW) with tears,
39 if I have devoured its yield without payment(BX)
    or broken the spirit of its tenants,(BY)
40 then let briers(BZ) come up instead of wheat
    and stinkweed(CA) instead of barley.”

The words of Job are ended.(CB)

Footnotes

  1. Job 31:12 Hebrew Abaddon
  2. Job 31:33 Or as Adam did

31 “Ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ako titingin nang may pagnanasa sa isang dalaga. Sapagkat anong igaganti ng Makapangyarihang Dios na nasa langit sa mga ginagawa ng tao? Hindi baʼt kapahamakan at kasawian para sa mga gumagawa ng kasamaan? Alam ng Dios ang lahat ng aking ginagawa. Kung nagsinungaling man ako at nandaya, hahayaan kong hatulan ako ng Dios, dahil siya ang nakakaalam kung nagkasala nga ako. Kung hindi ako sumunod sa tamang daan, o kung sinunod ko ang nais ng aking mata, at dinungisan ko ang aking sarili, masira nawa ang aking mga pananim o di kayaʼy pakinabangan ng iba. Kung naakit ako ng ibang babae o napaibig sa asawa ng aking kapwa, 10 kunin nawa at sipingan ng ibang lalaki ang asawa ko. 11 Sapagkat ang pangangalunya ay kasalanang nakakahiya, at dapat na parusahan ang taong ganyan ang ginagawa. 12 Iyan ay parang mapamuksang apoy na uubos sa lahat ng aking kabuhayan.

13 “Kung hindi ko pinahalagahan ang karapatan ng aking alipin nang dumaing sila sa akin, 14 anong gagawin ko kung hatulan ako ng Dios? Anong isasagot ko kung tanungin niya ako? 15 Hindi baʼt ang Dios na lumikha sa akin ang siya ring Dios na lumikha sa aking mga alipin?

16 “Kung hindi ako tumulong sa mga dukha at sa mga biyuda na nahihirapan, 17 at kung naging madamot ako sa mga ulila, parusahan nawa ako ng Dios. 18 Pero mula pa noong kabataan ko, tumutulong na ako sa mga ulila, at sa buong buhay ko hindi ko pinabayaan ang mga biyuda. 19 Kapag nakakita ako ng taong nahihirapan sa lamig dahil kapos siya sa damit, 20 binibigyan ko siya ng damit pangginaw na yari sa balahibo ng aking mga tupa. At buong puso siyang nagpapasalamat sa akin. 21 Kung pinagbuhatan ko ng kamay ang mga ulila, dahil alam kong malakas ako sa hukuman, 22 maputol sana ang mga braso ko. 23 Hindi ko magagawa ang mga bagay na iyan dahil natatakot ako sa parusa at kapangyarihan ng Dios.

24 “Hindi ako nagtiwala sa aking kayamanan o nag-isip man na magbibigay ito sa akin ng katiyakan. 25 Hindi ko ipinagyabang ang kayamanan ko at lahat ng aking ari-arian. 26 Hindi ako sumamba sa araw na nagbibigay ng liwanag o sa buwan na kumikinang. 27 Ang puso koʼy hindi nahikayat na sumamba sa mga ito. 28 Kung nagkasala ako sa paggawa ng mga ito, dapat akong parusahan dahil nagtaksil ako sa Dios na nasa langit.

29 “Hindi ko ikinatuwa ang kapahamakan ng aking kaaway o ang pagsapit sa kanila ng kahirapan. 30 Hindi ako nagkasala sa pamamagitan ng pagsumpa sa kanila. 31 Alam ng aking mga kasambahay na pinapakain ko ang lahat kahit na ang mga dayuhan. 32 Hindi ko pinabayaang matulog kahit saan ang mga dayuhan, dahil palaging bukas ang pintuan ng aking tahanan para sa kanila. 33 Hindi ko itinatago ang aking kasalanan katulad ng ginagawa ng iba. 34 Hindi ako tumahimik o nagtago dahil takot ako sa anumang sasabihin ng mga tao.

35 “Kung mayroon lang sanang makikinig ng panig ko, nakahanda akong lumagda para patunayan na wala akong kasalanan. Kung may reklamo ang Dios na Makapangyarihan laban sa akin, ipapakiusap ko sa kanyang sabihin niya ito sa akin o kayaʼy isulat na lang. 36 At ikakabit ko ito sa aking balikat o sa ulo ko na parang korona para ipakita sa lahat na nakahanda akong humarap sa mga usapin. 37 Sasabihin ko sa Dios ang lahat ng aking ginawa. Haharap ako sa kanya katulad ng pinuno na hindi nahihiya.

38 “Kung inaabuso ko ang aking lupain, o kinamkam ko ito sa iba,[a] 39 o kung pinasama ko ang loob ng mga manggagawa sa aking lupain dahil kinuha ko ang kanilang ani ng walang bayad, 40 tumubo nawa sa lupain ko ang mga matitinik na halaman at mga damo sa halip na trigo at sebada.”

Dito natapos ang mga sinabi ni Job.

Footnotes

  1. 31:38 Kung … iba: sa literal, Kung magrereklamo ang lupain ko laban sa akin at inaararo ito na basa sa luha.