Add parallel Print Page Options

31 Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; paano nga akong titingin sa isang dalaga?

Sapagka't ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?

Hindi ba kasakunaan sa liko, at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?

Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad, at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?

Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan, at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;

(Timbangin ako sa matuwid na timbangan, upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)

Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan, at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata, at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:

Kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba; Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.

Kung ang aking puso ay napadaya sa babae, at ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:

10 Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa, at iba ang yumuko sa kaniya.

11 Sapagka't iya'y isang mabigat na sala; Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:

12 Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak, at bubunutin ang lahat ng aking bunga.

13 Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae, nang sila'y makipagtalo sa akin:

14 Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios? At pagka kaniyang dinadalaw, anong isasagot ko sa kaniya?

15 Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?

16 Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:

17 O kumain akong magisa ng aking subo, at ang ulila ay hindi kumain niyaon;

18 (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama, at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)

19 Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan, o ng mapagkailangan ng walang kumot;

20 Kung hindi ako pinagpala ng kaniyang mga balakang, at kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:

21 Kung binuhat ko ang aking kamay laban sa ulila, sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:

22 Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin, at ang aking kamay ay mabali sa buto.

23 Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay kakilabutan sa akin, at dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.

24 Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa, at sinabi ko sa dalisay na ginto, ikaw ay aking tiwala;

25 Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki, at sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;

26 Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat, o sa buwan na lumalakad sa kakinangan;

27 At ang aking puso ay napadayang lihim, at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:

28 Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom: sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.

29 Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin, o nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;

30 (Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)

31 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi, sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?

32 Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan; kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,

33 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang, sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;

34 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan, at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan. Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan?

35 O mano nawang may duminig sa akin! (Narito ang aking tala, sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat;) At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!

36 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat; aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.

37 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang, gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.

38 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin, at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;

39 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad, o ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:

40 Tubuan ng dawag sa halip ng trigo, at ng mga masamang damo sa halip ng cebada. Ang mga salita ni Job ay natapos.

Sa kahirapan ni Job ay tumututol siya dahil sa kalinisan ng kaniyang buhay.

31 Ako'y nakipagtipan sa aking mga (A)mata;
Paano nga akong titingin sa isang dalaga?
Sapagka't ano (B)ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas,
At ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?
Hindi ba kasakunaan sa liko,
At kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?
(C)Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad,
At binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan,
At ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;
(Timbangin ako sa matuwid na timbangan,
Upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)
Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan,
At (D)ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata,
At kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
Kung gayo'y (E)papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba;
Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.
Kung ang aking puso ay napadaya sa babae,
At ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:
10 Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa,
At iba ang yumuko (F)sa kaniya.
11 Sapagka't iya'y isang mabigat na (G)sala;
Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:
12 Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa Pagkapahamak,
At bubunutin ang lahat ng aking bunga.
13 Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae,
Nang sila'y makipagtalo sa akin:
14 Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon (H)ang Dios?
At pagka kaniyang dinadalaw, (I)anong isasagot ko sa kaniya?
15 (J)Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya;
At hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?
16 Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa,
O (K)pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
17 O kumain akong magisa ng aking subo,
At ang ulila ay hindi kumain niyaon;
18 (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama,
At aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)
19 Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan,
O ng mapagkailangan ng walang kumot;
20 Kung hindi ako (L)pinagpala ng kaniyang mga balakang,
At kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:
21 Kung binuhat ko ang aking kamay (M)laban sa ulila,
Sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:
22 Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin,
At ang aking kamay ay mabali sa buto.
23 Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay (N)kakilabutan sa akin,
At dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.
24 (O)Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa,
At sinabi ko sa dalisay na ginto, Ikaw ay aking tiwala;
25 (P)Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki,
At sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26 (Q)Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat,
O sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
27 At ang aking puso ay napadayang lihim,
At hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
28 Ito may isang (R)kasamaang marapat parusahan ng mga hukom:
Sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
29 (S)Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin,
O nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
30 (T)(Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan
Sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)
31 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,
Sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
32 (U)Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan;
Kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
33 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang,
(V)Sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan,
At pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan.
Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan—
35 (W)O mano nawang may duminig sa akin!
(Narito ang aking tala, sagutin (X)ako ng Makapangyarihan sa lahat;)
At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
36 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat;
Aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
37 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang,
Gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
38 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin,
At ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
39 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad,
O ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
40 Tubuan ng dawag (Y)sa halip ng trigo,
At ng mga masamang damo sa halip ng cebada.

Ang mga salita ni Job ay natapos.

31 “I made a covenant with my eyes(A)
    not to look lustfully at a young woman.(B)
For what is our lot(C) from God above,
    our heritage from the Almighty on high?(D)
Is it not ruin(E) for the wicked,
    disaster(F) for those who do wrong?(G)
Does he not see my ways(H)
    and count my every step?(I)

“If I have walked with falsehood
    or my foot has hurried after deceit(J)
let God weigh me(K) in honest scales(L)
    and he will know that I am blameless(M)
if my steps have turned from the path,(N)
    if my heart has been led by my eyes,
    or if my hands(O) have been defiled,(P)
then may others eat what I have sown,(Q)
    and may my crops be uprooted.(R)

“If my heart has been enticed(S) by a woman,(T)
    or if I have lurked at my neighbor’s door,
10 then may my wife grind(U) another man’s grain,
    and may other men sleep with her.(V)
11 For that would have been wicked,(W)
    a sin to be judged.(X)
12 It is a fire(Y) that burns to Destruction[a];(Z)
    it would have uprooted my harvest.(AA)

13 “If I have denied justice to any of my servants,(AB)
    whether male or female,
    when they had a grievance against me,(AC)
14 what will I do when God confronts me?(AD)
    What will I answer when called to account?(AE)
15 Did not he who made me in the womb make them?(AF)
    Did not the same one form us both within our mothers?(AG)

16 “If I have denied the desires of the poor(AH)
    or let the eyes of the widow(AI) grow weary,(AJ)
17 if I have kept my bread to myself,
    not sharing it with the fatherless(AK)
18 but from my youth I reared them as a father would,
    and from my birth I guided the widow(AL)
19 if I have seen anyone perishing for lack of clothing,(AM)
    or the needy(AN) without garments,
20 and their hearts did not bless me(AO)
    for warming them with the fleece(AP) from my sheep,
21 if I have raised my hand against the fatherless,(AQ)
    knowing that I had influence in court,(AR)
22 then let my arm fall from the shoulder,
    let it be broken off at the joint.(AS)
23 For I dreaded destruction from God,(AT)
    and for fear of his splendor(AU) I could not do such things.(AV)

24 “If I have put my trust in gold(AW)
    or said to pure gold, ‘You are my security,’(AX)
25 if I have rejoiced over my great wealth,(AY)
    the fortune my hands had gained,(AZ)
26 if I have regarded the sun(BA) in its radiance
    or the moon(BB) moving in splendor,
27 so that my heart was secretly enticed(BC)
    and my hand offered them a kiss of homage,(BD)
28 then these also would be sins to be judged,(BE)
    for I would have been unfaithful to God on high.(BF)

29 “If I have rejoiced at my enemy’s misfortune(BG)
    or gloated over the trouble that came to him(BH)
30 I have not allowed my mouth to sin
    by invoking a curse against their life(BI)
31 if those of my household have never said,
    ‘Who has not been filled with Job’s meat?’(BJ)
32 but no stranger had to spend the night in the street,
    for my door was always open to the traveler(BK)
33 if I have concealed(BL) my sin as people do,[b]
    by hiding(BM) my guilt in my heart
34 because I so feared the crowd(BN)
    and so dreaded the contempt of the clans
    that I kept silent(BO) and would not go outside—

35 (“Oh, that I had someone to hear me!(BP)
    I sign now my defense—let the Almighty answer me;
    let my accuser(BQ) put his indictment in writing.
36 Surely I would wear it on my shoulder,(BR)
    I would put it on like a crown.(BS)
37 I would give him an account of my every step;(BT)
    I would present it to him as to a ruler.(BU))—

38 “if my land cries out against me(BV)
    and all its furrows are wet(BW) with tears,
39 if I have devoured its yield without payment(BX)
    or broken the spirit of its tenants,(BY)
40 then let briers(BZ) come up instead of wheat
    and stinkweed(CA) instead of barley.”

The words of Job are ended.(CB)

Footnotes

  1. Job 31:12 Hebrew Abaddon
  2. Job 31:33 Or as Adam did