Job 3:3-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3 “Isinusumpa ko ang araw na akoʼy ipinanganak. 4 Naging madilim na lang sana ang araw na iyon at hindi na sinikatan ng araw. Kinalimutan na lang sana ng Dios sa langit ang araw na iyon. 5 Nanatili na lang sana itong madilim o natatakpan ng makapal na ulap, at nilukuban na lang sana ng kadiliman ang kaliwanagan. 6 Kinuha na lang sana ng kadiliman ang gabing iyon nang akoʼy isilang, at hindi na sana napabilang sa kalendaryo. 7 Hindi na nga lang sana ako ipinanganak ng gabing iyon, at wala rin sanang kasayahan noon. 8 Sumpain nawa ang gabing iyon ng mga manunumpa na alam kung paano pakilusin ang Leviatan.[a] 9 Hindi na sana sumikat ang tala sa umaga ng araw na iyon, at hindi na sana dumating ang bukang-liwayway.
Read full chapterFootnotes
- 3:8 Leviatan: Maaaring dambuhalang hayop, buwaya, ahas, o balyena.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®