Font Size
                  
                
              
            
Job 26:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Job 26:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Sino kayang makikinig sa sinasabi mo?
    At sino bang espiritu ang nag-udyok na sabihin ito?”
5 Ang sagot ni Bildad,
“Sa takot ay nanginginig maging ang kalaliman,
    ganoon din itong dagat at ang doo'y naninirahan.
6 Ang daigdig ng mga patay, lantad sa mata ng Diyos.
    Sa paningin niya'y walang maikukubling lubos.