Job Complains of Violence on the Earth

24 Since (A)times are not hidden from the Almighty,
Why do those who know Him see not His (B)days?

Some remove (C)landmarks;
They seize flocks violently and feed on them;
They drive away the donkey of the fatherless;
They (D)take the widow’s ox as a pledge.
They push the needy off the road;
All the (E)poor of the land are forced to hide.
Indeed, like wild donkeys in the desert,
They go out to their work, searching for food.
The wilderness yields food for them and for their children.
They gather their fodder in the field
And glean in the vineyard of the wicked.
They (F)spend the night naked, without clothing,
And have no covering in the cold.
They are wet with the showers of the mountains,
And (G)huddle around the rock for want of shelter.

Some snatch the fatherless from the breast,
And take a pledge from the poor.
10 They cause the poor to go naked, without (H)clothing;
And they take away the sheaves from the hungry.
11 They press out oil within their walls,
And tread winepresses, yet suffer thirst.
12 The dying groan in the city,
And the souls of the wounded cry out;
Yet God does not charge them with wrong.

13 “There are those who rebel against the light;
They do not know its ways
Nor abide in its paths.
14 (I)The murderer rises with the light;
He kills the poor and needy;
And in the night he is like a thief.
15 (J)The eye of the adulterer waits for the twilight,
(K)Saying, ‘No eye will see me’;
And he [a]disguises his face.
16 In the dark they break into houses
Which they marked for themselves in the daytime;
(L)They do not know the light.
17 For the morning is the same to them as the shadow of death;
If someone recognizes them,
They are in the terrors of the shadow of death.

18 “They should be swift on the face of the waters,
Their portion should be cursed in the earth,
So that no one would turn into the way of their vineyards.
19 As drought and heat [b]consume the snow waters,
So [c]the grave consumes those who have sinned.
20 The womb should forget him,
The worm should feed sweetly on him;
(M)He should be remembered no more,
And wickedness should be broken like a tree.
21 For he [d]preys on the barren who do not bear,
And does no good for the widow.

22 “But God draws the mighty away with His power;
He rises up, but no man is sure of life.
23 He gives them security, and they rely on it;
Yet (N)His eyes are on their ways.
24 They are exalted for a little while,
Then they are gone.
They are brought low;
They are [e]taken out of the way like all others;
They dry out like the heads of grain.

25 “Now if it is not so, who will prove me a liar,
And make my speech worth nothing?”

Footnotes

  1. Job 24:15 Lit. puts a covering on his face
  2. Job 24:19 Lit. seize
  3. Job 24:19 Or Sheol
  4. Job 24:21 Lit. feeds on
  5. Job 24:24 Lit. gathered up

Nagtanong si Job tungkol sa Paghatol ng Dios

24 “Bakit hindi pa itakda ng Dios na Makapangyarihan ang kanyang paghatol sa masasamang tao? Bakit hindi makita ng mga nakakakilala sa kanya ang panahong iyon ng paghatol? Nangangamkam ng lupain ang masasamang tao sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon. Nagnanakaw sila ng mga hayop at isinasama sa sarili nilang mga hayop. Ninanakaw nila ang mga asno ng mga ulila, at kinukuha nila ang baka ng biyuda bilang sangla sa utang. Inaapi nila ang mga dukha kaya napipilitang magtago ang mga ito. Naghahanap sila ng kanilang pagkain sa ilang na parang mga asnong-gubat, dahil wala silang ibang lugar na mapagkukunan ng pagkain para sa kanilang mga anak. Namumulot sila ng mga tirang bunga sa mga bukid, pati na sa ubasan ng taong masama. Sa gabiʼy natutulog silang giniginaw dahil wala silang damit o kumot man lamang. Nababasa sila ng ulan sa mga kabundukan, at sumisiksik na lang sa mga siwang ng bato dahil walang masilungan.

“Kinukuha ng taong masasama ang anak ng biyuda at babaeng dukha bilang garantiya sa pagkakautang nila. 10 Lumalakad na walang damit ang mga dukha; tagapasan sila ng mga inaning trigo, pero silaʼy nagugutom. 11 Pumipiga sila ng mga olibo at ubas, pero sila mismo ay nauuhaw. 12 Naririnig sa lungsod ang daing ng mga nag-aagaw buhay at mga sugatang humihingi ng tulong, pero hindi ginagantihan ng Dios ang mga gumawa nito sa kanila.

13 “May mga taong kumakalaban sa liwanag. Hindi sila lumalakad sa liwanag at hindi nila ito nauunawaan. 14 Ang mga mamamatay-tao ay bumabangon ng maaga at pinapatay ang mga dukha, at sa gabi namaʼy nagnanakaw. 15 Ang mangangalunyaʼy naghihintay na dumilim para walang makakita sa kanya. Tinatakpan niya ang kanyang mukha para walang makakilala sa kanya. 16 Sa gabi, pinapasok ng mga magnanakaw ang mga bahay. Sa araw, nagtatago sila dahil umiiwas sila sa liwanag. 17 Itinuturing nilang liwanag ang dilim, dahil gusto nila ang nakakatakot na kadiliman.”

Ang Sagot ni Zofar

18 “Pero ang masasama ay hindi magtatagal, gaya ng bula sa tubig. Kahit na ang lupa na kanilang pag-aari ay isinumpa ng Dios. Kaya walang pumaparoon kahit sa kanilang ubasan. 19 Kung paanong ang yelo ay natutunaw at nawawala dahil sa init, ang makasalanan ay mawawala rin sa daigdig. 20 Lilimutin na sila at hindi na maaalala kahit ng kanilang ina. Lilipulin sila na parang punongkahoy na pinutol at kakainin sila ng mga uod. 21 Sapagkat hindi maganda ang pakikitungo nila sa mga babaeng baog at hindi sila nahahabag sa mga biyuda.

22 “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, ibabagsak niya ang mga taong makapangyarihan. Kahit na malakas sila, walang katiyakan ang buhay nila. 23 Maaaring hayaan sila ng Dios na mamuhay na walang panganib, pero binabantayan niya ang lahat ng kilos nila. 24 Maaari rin silang magtagumpay, pero sandali lang iyon dahil hindi magtatagal ay mawawala sila na parang bulaklak na nalalanta o parang uhay na ginapas.

25 “Kung hindi tama ang sinabi ko, sinong makapagpapatunay na sinungaling ako? Sino ang makapagsasabing mali ako?”