Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Sophar na ang makasalanan kahit anong yaman, ay kailangan na dumanas ng kaparusahan.

20 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Zophar na Naamathita, at nagsabi,

Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip,
Dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan,
At ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
Hindi mo ba nalalaman ito ng una,
Mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
(B)Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli,
At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
(C)Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit,
At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi:
Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
Siya'y mawawala na (D)gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa;
Ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha,
At ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan,
(E)Nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig,
Bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
13 Bagaman kaniyang patawarin,
at hindi niya ito babayaan,
Kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan,
Siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli:
Mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas;
Papatayin siya ng (F)dila ng ulupong.
17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog,
Ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin;
Ayon sa pagaari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha;
Kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya,
Hindi siya makapagliligtas ng anoman (G)sa kaniyang kinaluluguran.
21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal;
Kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya;
Ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan,
Ihuhulog ng Dios ang kaniyang (H)mabangis na poot sa kaniya.
At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
24 (I)Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal,
At ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan:
Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo;
Mga kakilabutan ang (J)sumasa kaniya.
26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya;
(K)Isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya:
Susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
27 Ihahayag (L)ng mga langit ang kaniyang kasamaan,
At ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon,
Ang kaniyang mga pagaari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios,
At ang manang takda sa kaniya ng Dios.

Nagsalita si Zofar

20 Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama, “Kailangang magsalita na ako dahil hindi ako mapakali. Sinaway mo ako ng may halong pangungutya at may nag-uudyok sa isip kong ikaw ay sagutin.

“Tiyak na alam mo na mula pa noong unang panahon, simula nang likhain ang tao sa mundo, ang ligaya ng taong masama ay sandali lang. Totoong hindi nagtatagal ang kasiyahan ng taong hindi naniniwala sa Dios. Kahit na kasintaas ng langit at ulap ang tingin niya sa kanyang sarili, mawawala rin siya magpakailanman katulad ng kanyang dumi. Ang mga kakilala niyaʼy magtataka kung nasaan na siya. Mawawala siya na parang isang panaginip o pangitain sa gabi at hinding-hindi na matatagpuan. Hindi na siya makikita ng mga nakakakilala sa kanya at mawawala siya sa dati niyang tirahan. 10 Ang mga anak niya ang magbabayad ng mga ninakaw niya sa mga dukha. 11 Malakas at bata pa siyang mamamatay at ililibing.

12 “Ang paggawa niya ng masama ay parang pagkaing matamis sa kanyang bibig 13 na nginunguyang mabuti at ninanamnam. 14 Pero pagdating sa tiyan, ito ay nagiging maasim at lalason sa kanya na parang kamandag ng ahas. 15 Isusuka niyang parang pagkain ang kayamanang ninakaw niya. Ipapasuka ito ng Dios sa kanya kahit itoʼy nasa tiyan na niya. 16 Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas at ang pangil[a] ng ahas ang papatay sa kanya. 17 Hindi na niya matitikman ang saganang langis, gatas, at ang pulot na dumadaloy na parang batis o ilog. 18 Hindi siya gagantimpalaan para sa kanyang pinaghirapan o matutuwa man sa kanyang kayamanan. 19 Sapagkat inapi niya at pinabayaan ang mga dukha, at inagaw ang mga bahay na hindi sa kanya.

20 “Hindi niya mapapakinabangan ang kanyang pinaghirapan. Lahat ng magugustuhan niya ay hindi makakaligtas sa kanya. 21 Wala ng matitira sa kanya na makakain niya dahil mawawala ang kanyang kayamanan. 22 Sa kanyang kasaganaan, darating sa kanya ang kahirapan. Labis na paghihirap nga ang darating sa kanya. 23 Bubusugin siya ng Dios ng paghihirap. Patitikimin siya ng Dios ng kanyang matinding galit, at pauulanan ng parusa. 24 Maaaring makatakas siya sa sandatang bakal pero tatamaan din siya ng panang tanso. 25 Tutusok ito sa kanyang apdo at tatagos sa kanyang katawan. At makakaramdam siya ng takot. 26 Mawawala ang kanyang kayamanan sa kadiliman. Susunugin siya ng apoy na hindi tao ang nagpaningas, pati na ang lahat ng naiwan sa kanyang tirahan.[b] 27 Ihahayag ng langit ang mga kasalanan niya at sasaksi naman ang lupa laban sa kanya. 28 Tatangayin ng baha ang bahay niya sa araw na ibuhos ng Dios ang kanyang galit. 29 Iyan ang kapalaran ng taong masama ayon sa itinakda ng Dios sa kanya.”

Footnotes

  1. 20:16 pangil: sa literal, dila.
  2. 20:26 tirahan: sa literal, tolda.

Zophar

20 Then Zophar the Naamathite(A) replied:

“My troubled thoughts prompt me to answer
    because I am greatly disturbed.(B)
I hear a rebuke(C) that dishonors me,
    and my understanding inspires me to reply.

“Surely you know how it has been from of old,(D)
    ever since mankind[a] was placed on the earth,
that the mirth of the wicked(E) is brief,
    the joy of the godless(F) lasts but a moment.(G)
Though the pride(H) of the godless person reaches to the heavens(I)
    and his head touches the clouds,(J)
he will perish forever,(K) like his own dung;
    those who have seen him will say, ‘Where is he?’(L)
Like a dream(M) he flies away,(N) no more to be found,
    banished(O) like a vision of the night.(P)
The eye that saw him will not see him again;
    his place will look on him no more.(Q)
10 His children(R) must make amends to the poor;
    his own hands must give back his wealth.(S)
11 The youthful vigor(T) that fills his bones(U)
    will lie with him in the dust.(V)

12 “Though evil(W) is sweet in his mouth
    and he hides it under his tongue,(X)
13 though he cannot bear to let it go
    and lets it linger in his mouth,(Y)
14 yet his food will turn sour in his stomach;(Z)
    it will become the venom of serpents(AA) within him.
15 He will spit out the riches(AB) he swallowed;
    God will make his stomach vomit(AC) them up.
16 He will suck the poison(AD) of serpents;
    the fangs of an adder will kill him.(AE)
17 He will not enjoy the streams,
    the rivers(AF) flowing with honey(AG) and cream.(AH)
18 What he toiled for he must give back uneaten;(AI)
    he will not enjoy the profit from his trading.(AJ)
19 For he has oppressed the poor(AK) and left them destitute;(AL)
    he has seized houses(AM) he did not build.

20 “Surely he will have no respite from his craving;(AN)
    he cannot save himself by his treasure.(AO)
21 Nothing is left for him to devour;
    his prosperity will not endure.(AP)
22 In the midst of his plenty, distress will overtake him;(AQ)
    the full force of misery will come upon him.(AR)
23 When he has filled his belly,(AS)
    God will vent his burning anger(AT) against him
    and rain down his blows on him.(AU)
24 Though he flees(AV) from an iron weapon,
    a bronze-tipped arrow pierces him.(AW)
25 He pulls it out of his back,
    the gleaming point out of his liver.
Terrors(AX) will come over him;(AY)
26     total darkness(AZ) lies in wait for his treasures.
A fire(BA) unfanned will consume him(BB)
    and devour what is left in his tent.(BC)
27 The heavens will expose his guilt;
    the earth will rise up against him.(BD)
28 A flood will carry off his house,(BE)
    rushing waters[b] on the day of God’s wrath.(BF)
29 Such is the fate God allots the wicked,
    the heritage appointed for them by God.”(BG)

Footnotes

  1. Job 20:4 Or Adam
  2. Job 20:28 Or The possessions in his house will be carried off, / washed away