Job 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pangalawang Pagsubok kay Job
2 Isang araw, muling nagtipon ang mga anghel[a] sa presensya ng Panginoon, at muli ring sumali sa kanila si Satanas. 2 Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas, “Parooʼt parito na naglilibot sa mundo.” 3 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job? Wala siyang katulad sa buong mundo. Matuwid siya, malinis ang pamumuhay, may takot sa akin at umiiwas sa kasamaan. Tapat pa rin siya sa akin, kahit na pinilit mo akong payagan ka na sirain siya ng walang dahilan.” 4 Sinabi ni Satanas, “Matatanggap ng tao na mawala ang lahat sa kanya bastaʼt buhay lang siya. 5 Pero kapag siya na ang sinaktan mo, tiyak na isusumpa ka niya.” 6 Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “O sige, gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya, pero huwag mo siyang papatayin.” 7 Kaya umalis si Satanas sa presensya ng Panginoon, at sinaktan si Job sa pamamagitan ng mga pigsa mula ulo hanggang talampakan. 8 Kumuha si Job ng basag na palayok at ginamit na pangkayod sa kanyang mga sugat habang nakaupo sa abo. 9 Sinabi sa kanya ng asawa niya, “Ano, tapat ka pa rin ba sa iyong Dios? Sumpain mo na siya at nang mamatay ka na!”
10 Sumagot si Job, “Nagsasalita ka ng walang kabuluhan. Mabubuting bagay lang ba ang tatanggapin natin mula sa Dios at hindi ang masasama?” Sa kabila ng lahat ng nangyari kay Job ay hindi siya nagkasala kahit sa pananalita.
Ang Tatlong Kaibigan ni Job
11 Tatlo sa kaibigan ni Job ang nakabalita tungkol sa masamang nangyari sa kanya. Itoʼy sina Elifaz na taga-Teman, si Bildad na taga-Shua, at si Zofar na taga-Naama. Nagkasundo silang dalawin si Job para makiramay at aliwin. 12 Malayu-layo pa sila, nakita na nila si Job, pero halos hindi na nila ito makilala. Kaya napaiyak sila nang malakas. Pinunit nila ang kanilang mga damit at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo bilang pagpapakita ng pagdadalamhati. 13 Pagkatapos, umupo sila sa lupa kasama ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi. Hindi sila nagsalita dahil nakita nila ang labis na paghihirap na dinaranas ni Job.
Footnotes
- 2:1 mga anghel: sa literal, mga anak ng Dios.
Job 2
Ang Biblia (1978)
Si Job ay nagkaroon ng mga bukol.
2 Nangyari uli na sa araw (A)nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap sa Panginoon.
2 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa (B)pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
3 At sinabi (C)ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya'y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako'y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng (D)walang kadahilanan.
4 At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay.
5 (E)Nguni't pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang (F)itatakuwil ka ng mukhaan.
6 At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya'y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.
7 Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga (G)masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo.
8 At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib; (H)at siya'y naupo sa mga abo.
9 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka.
10 Nguni't sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. (I)Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? (J)Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job (K)ng kaniyang mga labi.
Dinalaw siya ng kaniyang tatlong kaibigan.
11 Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang (L)lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila'y naparoon bawa't isa na mula sa kanikaniyang sariling pook, si Eliphaz na (M)Temanita, at si Bildad na (N)Suhita, at si Sophar na Naamathita: at sila'y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya.
12 At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng (O)alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit.
13 Sa gayo'y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa (P)na pitong araw at pitong gabi, at walang nagsalita sa kaniya: sapagka't kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki.
Job 2
New International Version
2 On another day the angels[a](A) came to present themselves before the Lord, and Satan also came with them(B) to present himself before him. 2 And the Lord said to Satan, “Where have you come from?”
Satan answered the Lord, “From roaming throughout the earth, going back and forth on it.”(C)
3 Then the Lord said to Satan, “Have you considered my servant Job? There is no one on earth like him; he is blameless and upright, a man who fears God and shuns evil.(D) And he still maintains his integrity,(E) though you incited me against him to ruin him without any reason.”(F)
4 “Skin for skin!” Satan replied. “A man will give all he has(G) for his own life. 5 But now stretch out your hand and strike his flesh and bones,(H) and he will surely curse you to your face.”(I)
6 The Lord said to Satan, “Very well, then, he is in your hands;(J) but you must spare his life.”(K)
7 So Satan went out from the presence of the Lord and afflicted Job with painful sores from the soles of his feet to the crown of his head.(L) 8 Then Job took a piece of broken pottery and scraped himself with it as he sat among the ashes.(M)
9 His wife said to him, “Are you still maintaining your integrity?(N) Curse God and die!”(O)
10 He replied, “You are talking like a foolish[b] woman. Shall we accept good from God, and not trouble?”(P)
In all this, Job did not sin in what he said.(Q)
11 When Job’s three friends, Eliphaz the Temanite,(R) Bildad the Shuhite(S) and Zophar the Naamathite,(T) heard about all the troubles that had come upon him, they set out from their homes and met together by agreement to go and sympathize with him and comfort him.(U) 12 When they saw him from a distance, they could hardly recognize him;(V) they began to weep aloud,(W) and they tore their robes(X) and sprinkled dust on their heads.(Y) 13 Then they sat on the ground(Z) with him for seven days and seven nights.(AA) No one said a word to him,(AB) because they saw how great his suffering was.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

