Add parallel Print Page Options

Tinanong ni Yahweh si Satanas,[a] ang Tagapagparatang. “Saan ka nanggaling?”

Sumagot si Satanas,[b] “Nagpapabalik-balik at naglilibot ako sa buong daigdig.”

“Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong ni Yahweh. “Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain. Hinimok mo akong pinsalain siya kahit walang sapat na dahilan, subalit nananatili pa rin siyang tapat sa akin,” sabi pa ni Yahweh.

Sumagot si Satanas,[c] “Kahit anong bagay ay ibibigay ng tao, huwag lamang siyang mamatay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  2. 2 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  3. 4 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .