Add parallel Print Page Options

Dinalaw siya ng kaniyang tatlong kaibigan.

11 Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang (A)lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila'y naparoon bawa't isa na mula sa kanikaniyang sariling pook, si Eliphaz na (B)Temanita, at si Bildad na (C)Suhita, at si Sophar na Naamathita: at sila'y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya.

12 At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng (D)alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit.

13 Sa gayo'y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa (E)na pitong araw at pitong gabi, at walang nagsalita sa kaniya: sapagka't kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki.

Read full chapter