Add parallel Print Page Options

Sinubok Muli ni Satanas si Job

Muling humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos,[a] at naroon din si Satanas.[b] Tinanong ni Yahweh si Satanas,[c] ang Tagapagparatang. “Saan ka nanggaling?”

Sumagot si Satanas,[d] “Nagpapabalik-balik at naglilibot ako sa buong daigdig.”

“Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong ni Yahweh. “Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain. Hinimok mo akong pinsalain siya kahit walang sapat na dahilan, subalit nananatili pa rin siyang tapat sa akin,” sabi pa ni Yahweh.

Read full chapter

Footnotes

  1. Job 2:1 mga anak ng Diyos: o kaya'y mga nilalang mula sa langit .
  2. Job 2:1 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  3. Job 2:2 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  4. Job 2:2 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .