Font Size
Job 2:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Job 2:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pangalawang Pagsubok kay Job
2 Isang araw, muling nagtipon ang mga anghel[a] sa presensya ng Panginoon, at muli ring sumali sa kanila si Satanas. 2 Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas, “Parooʼt parito na naglilibot sa mundo.” 3 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job? Wala siyang katulad sa buong mundo. Matuwid siya, malinis ang pamumuhay, may takot sa akin at umiiwas sa kasamaan. Tapat pa rin siya sa akin, kahit na pinilit mo akong payagan ka na sirain siya ng walang dahilan.”
Read full chapterFootnotes
- 2:1 mga anghel: sa literal, mga anak ng Dios.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®