Add parallel Print Page Options

Si Job ay tumutol sa pagkamuhi ng kaniyang mga kaibigan, at tumawag sa kanilang pagkahabag.

19 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa,
At babagabagin ako ng mga salita?
Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako:
Kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
At kahima't ako'y magkamali,
Ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
Kung tunay na (A)kayo'y magpapakalaki laban sa akin,
At ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios,
At inikid ako ng kaniyang silo.
Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig;
Ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.
Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan,
At naglagay ng kadiliman sa aking mga landas.
(B)Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian,
At inalis ang (C)putong sa aking ulo.
10 Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw:
At ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
11 Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin,
At ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,
12 Ang kaniyang mga (D)hukbo ay dumarating na magkakasama,
At ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin,
At kinubkob ang palibot ng aking tolda.
13 (E)Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin,
At ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin.
14 Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo,
At nilimot ako ng aking mga (F)kasamasamang kaibigan.
15 Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan;
Ako'y naging kaiba sa kanilang paningin.
16 Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot,
Bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig.
17 Ang aking hininga ay iba sa aking asawa,
At ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina.
18 Pati ng mga bata ay humahamak sa akin;
Kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:
19 Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin:
At ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin,
20 Ang aking buto ay dumidikit (G)sa aking balat at sa aking laman,
At ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin.
21 Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko;
Sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
22 Bakit ninyo (H)ako inuusig na gaya ng Dios.
At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?

Siya ay nananalig na siya ay matutubos din.

23 Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita!
Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
24 Ng isa nawang panulat na bakal at tingga,
Na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
25 Nguni't talastas ko na (I)manunubos sa akin ay buháy,
At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
26 At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat,
Gayon ma'y (J)makikita ko ang Dios sa aking laman:
27 Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.
Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
28 Kung inyong sabihin: Paanong aming pag-uusigin siya?
Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin;
29 Mangatakot kayo sa tabak:
Sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak,
Upang inyong malaman na may kahatulan.

Sumagot si Job

19 Muling sumagot si Job,

“Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan, at sasaktan sa mga sinasabi ninyo? Paulit-ulit ninyo akong iniinsulto. Hindi na kayo nahiya sa mga ginagawa ninyo sa akin? Kung talagang nagkasala ako, problema ko na iyon. Ang akala ninyoʼy matuwid kayo kaysa sa akin, at iniisip ninyong ang mga paghihirap koʼy nagpapatunay na nagkasala ako. Pero ang Dios ang may gawa nito sa akin. Siya ang naglagay ng bitag sa palibot ko.

“Tumawag ako at humingi ng tulong pero walang sumagot sa akin. Humingi ako ng katarungan pero walang nagbigay sa akin. Hinarangan ng Dios ang dinadaanan ko para hindi ako makadaan. Tinakpan din niya ito ng kadiliman. Kinuha niya ang kayamanan ko pati na ang aking karangalan. 10 Pinahirapan niya ako saanman ako bumaling na halos ikamatay ko na. Inalis niya ang pag-asa ko na parang punongkahoy na binunot. 11 Labis ang galit niya sa akin at itinuring niya akong kaaway. 12 Parang pinadalhan niya ako ng mga sundalo upang salakayin at palibutan ang aking tolda.

13 “Inilayo niya sa akin ang aking mga kamag-anak;[a] at nilayuan na ako ng aking mga kakilala. 14 Wala na ang lahat ng taong malapit sa akin. Pati mga kaibigan koʼy nilimot na ako. 15 Hindi na ako kilala ng aking mga bisita at mga babaeng alipin. Itinuring na nila akong dayuhan. 16 Kapag tinatawag ko ang aking alipin, hindi na niya ako pinapansin, makiusap man ako. 17 Ang asawa koʼy nababahuan sa hininga ko at ang mga kapatid kong lalaki ay nandidiri sa akin. 18 Hinahamak ako kahit ng mga batang paslit. Kapag nakikita nila ako,[b] pinagtatawanan nila ako. 19 Lahat ng matalik kong kaibigan ay nasusuklam sa akin. Pati mga mahal ko sa buhay ay lumayo na rin. 20 Butoʼt balat na lang ako at halos mamamatay na.

21 “Maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil pinahihirapan ako ng Dios. 22 Bakit ninyo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Dios sa akin? Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap ninyo sa akin? 23 Mabuti sana kung isinulat sa aklat ang mga sinabi ko, 24 o di kayaʼy iniukit ito sa bato para hindi mabura magpakailanman.

25 “Pero alam kong buhay ang aking Tagapagligtas at sa bandang huli ay darating siya rito sa lupa para ipagtanggol ako. 26 Pagkaalis ko sa katawang ito at mabulok ang mga laman ko, makikita ko na ang Dios.[c] 27 Makikita ko siya nang harapan at hindi na siya iba sa akin. Labis na akong nananabik na makita siya.

28 “Kung patuloy ninyo akong pararatangan na akoʼy naghihirap dahil sa aking kasalanan, 29 tiyak na darating sa inyo ang nakakatakot na parusa ng Dios. Parurusahan niya kayo dahil sa galit niya. Saka ninyo malalaman na hinatulan kayo ng Dios.”

Footnotes

  1. 19:13 kamag-anak: o, kapatid.
  2. 19:18 Kapag nakikita nila ako: o, Kapag tumayo ako at magsalita.
  3. 19:26 O, Habang nandito pa ako sa aking katawan, makikita ko ang Dios kahit na naaagnas ang aking balat dahil sa aking sakit.

Job

19 Then Job replied:

“How long will you torment(A) me
    and crush(B) me with words?
Ten times(C) now you have reproached(D) me;
    shamelessly you attack me.
If it is true that I have gone astray,
    my error(E) remains my concern alone.
If indeed you would exalt yourselves above me(F)
    and use my humiliation against me,
then know that God has wronged me(G)
    and drawn his net(H) around me.(I)

“Though I cry, ‘Violence!’ I get no response;(J)
    though I call for help,(K) there is no justice.(L)
He has blocked my way so I cannot pass;(M)
    he has shrouded my paths in darkness.(N)
He has stripped(O) me of my honor(P)
    and removed the crown from my head.(Q)
10 He tears me down(R) on every side till I am gone;
    he uproots my hope(S) like a tree.(T)
11 His anger(U) burns against me;
    he counts me among his enemies.(V)
12 His troops advance in force;(W)
    they build a siege ramp(X) against me
    and encamp around my tent.(Y)

13 “He has alienated my family(Z) from me;
    my acquaintances are completely estranged from me.(AA)
14 My relatives have gone away;
    my closest friends(AB) have forgotten me.
15 My guests(AC) and my female servants(AD) count me a foreigner;
    they look on me as on a stranger.
16 I summon my servant, but he does not answer,
    though I beg him with my own mouth.
17 My breath is offensive to my wife;
    I am loathsome(AE) to my own family.
18 Even the little boys(AF) scorn me;
    when I appear, they ridicule me.(AG)
19 All my intimate friends(AH) detest me;(AI)
    those I love have turned against me.(AJ)
20 I am nothing but skin and bones;(AK)
    I have escaped only by the skin of my teeth.[a]

21 “Have pity on me, my friends,(AL) have pity,
    for the hand of God has struck(AM) me.
22 Why do you pursue(AN) me as God does?(AO)
    Will you never get enough of my flesh?(AP)

23 “Oh, that my words were recorded,
    that they were written on a scroll,(AQ)
24 that they were inscribed with an iron tool(AR) on[b] lead,
    or engraved in rock forever!(AS)
25 I know that my redeemer[c](AT) lives,(AU)
    and that in the end he will stand on the earth.[d]
26 And after my skin has been destroyed,
    yet[e] in[f] my flesh I will see God;(AV)
27 I myself will see him
    with my own eyes(AW)—I, and not another.
    How my heart yearns(AX) within me!

28 “If you say, ‘How we will hound(AY) him,
    since the root of the trouble lies in him,[g]
29 you should fear the sword yourselves;
    for wrath will bring punishment by the sword,(AZ)
    and then you will know that there is judgment.[h](BA)

Footnotes

  1. Job 19:20 Or only by my gums
  2. Job 19:24 Or and
  3. Job 19:25 Or vindicator
  4. Job 19:25 Or on my grave
  5. Job 19:26 Or And after I awake, / though this body has been destroyed, / then
  6. Job 19:26 Or destroyed, / apart from
  7. Job 19:28 Many Hebrew manuscripts, Septuagint and Vulgate; most Hebrew manuscripts me
  8. Job 19:29 Or sword, / that you may come to know the Almighty

19 Then Job answered and said,

How long will ye vex my soul, and break me in pieces with words?

These ten times have ye reproached me: ye are not ashamed that ye make yourselves strange to me.

And be it indeed that I have erred, mine error remaineth with myself.

If indeed ye will magnify yourselves against me, and plead against me my reproach:

Know now that God hath overthrown me, and hath compassed me with his net.

Behold, I cry out of wrong, but I am not heard: I cry aloud, but there is no judgment.

He hath fenced up my way that I cannot pass, and he hath set darkness in my paths.

He hath stripped me of my glory, and taken the crown from my head.

10 He hath destroyed me on every side, and I am gone: and mine hope hath he removed like a tree.

11 He hath also kindled his wrath against me, and he counteth me unto him as one of his enemies.

12 His troops come together, and raise up their way against me, and encamp round about my tabernacle.

13 He hath put my brethren far from me, and mine acquaintance are verily estranged from me.

14 My kinsfolk have failed, and my familiar friends have forgotten me.

15 They that dwell in mine house, and my maids, count me for a stranger: I am an alien in their sight.

16 I called my servant, and he gave me no answer; I intreated him with my mouth.

17 My breath is strange to my wife, though I intreated for the children's sake of mine own body.

18 Yea, young children despised me; I arose, and they spake against me.

19 All my inward friends abhorred me: and they whom I loved are turned against me.

20 My bone cleaveth to my skin and to my flesh, and I am escaped with the skin of my teeth.

21 Have pity upon me, have pity upon me, O ye my friends; for the hand of God hath touched me.

22 Why do ye persecute me as God, and are not satisfied with my flesh?

23 Oh that my words were now written! oh that they were printed in a book!

24 That they were graven with an iron pen and lead in the rock for ever!

25 For I know that my redeemer liveth, and that he shall stand at the latter day upon the earth:

26 And though after my skin worms destroy this body, yet in my flesh shall I see God:

27 Whom I shall see for myself, and mine eyes shall behold, and not another; though my reins be consumed within me.

28 But ye should say, Why persecute we him, seeing the root of the matter is found in me?

29 Be ye afraid of the sword: for wrath bringeth the punishments of the sword, that ye may know there is a judgment.