Add parallel Print Page Options

24 At maiukit sa bato itong mga sinabi ko
    upang habang panaho'y mabasa ng mga tao.
25 Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas,[a]
    na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.
26 Pagkatapos na maubos itong aking buong balat,
    makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.

Read full chapter

Footnotes

  1. 25 Ngunit…Tagapagligtas: o kaya'y Ngunit alam kong buháy ang aking Tagapagligtas .