Add parallel Print Page Options

16 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat.

Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?

Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo.

Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,

Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?

Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong.

At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha.

Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.

10 Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin.

11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.

12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya.

13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.

14 Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.

15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.

16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;

17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis,

18 Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing.

19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.

20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;

21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.

22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.

16 Then Job answered and said,

I have heard many such things: miserable comforters are ye all.

Shall vain words have an end? or what emboldeneth thee that thou answerest?

I also could speak as ye do: if your soul were in my soul's stead, I could heap up words against you, and shake mine head at you.

But I would strengthen you with my mouth, and the moving of my lips should asswage your grief.

Though I speak, my grief is not asswaged: and though I forbear, what am I eased?

But now he hath made me weary: thou hast made desolate all my company.

And thou hast filled me with wrinkles, which is a witness against me: and my leanness rising up in me beareth witness to my face.

He teareth me in his wrath, who hateth me: he gnasheth upon me with his teeth; mine enemy sharpeneth his eyes upon me.

10 They have gaped upon me with their mouth; they have smitten me upon the cheek reproachfully; they have gathered themselves together against me.

11 God hath delivered me to the ungodly, and turned me over into the hands of the wicked.

12 I was at ease, but he hath broken me asunder: he hath also taken me by my neck, and shaken me to pieces, and set me up for his mark.

13 His archers compass me round about, he cleaveth my reins asunder, and doth not spare; he poureth out my gall upon the ground.

14 He breaketh me with breach upon breach, he runneth upon me like a giant.

15 I have sewed sackcloth upon my skin, and defiled my horn in the dust.

16 My face is foul with weeping, and on my eyelids is the shadow of death;

17 Not for any injustice in mine hands: also my prayer is pure.

18 O earth, cover not thou my blood, and let my cry have no place.

19 Also now, behold, my witness is in heaven, and my record is on high.

20 My friends scorn me: but mine eye poureth out tears unto God.

21 O that one might plead for a man with God, as a man pleadeth for his neighbour!

22 When a few years are come, then I shall go the way whence I shall not return.