Job 16:7-16
Ang Biblia (1978)
7 Nguni't ngayo'y niyamot niya ako:
Nilansag mo ang (A)aking buong pulutong.
8 At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin;
At ang (B)aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin,
nagpapatotoo sa aking mukha.
9 Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako;
(C)Pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin:
(D)Pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
10 (E)Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig:
(F)Kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya:
Sila'y nagpipisan laban sa akin.
11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal,
At inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam;
Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako:
Inilagay naman niya akong (G)pinakatanda niya.
13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga (H)mamamana,
Kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad;
Kaniyang (I)ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
14 Kaniyang binubugbog ako ng (J)bugbog at bugbog;
Siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan,
At aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak,
At nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
Mga Awit 42:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(B)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
Mga Awit 66:12
Ang Biblia (1978)
12 Iyong pinasakay (A)ang mga tao sa aming mga ulo;
(B)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
Jonas 2:3
Ang Biblia (1978)
3 Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat,
At ang tubig ay nasa palibot ko;
(A)Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
Apocalipsis 7:14
Ang Biblia (1978)
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (A)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978