Add parallel Print Page Options

20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw,
Sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig;
(A)Sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman,
At siya'y hinihintay ng tabak:
23 (B)Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan?
(C)Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya:
Nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;

Read full chapter