Font Size
Job 15:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Job 15:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 “Sino(A) ba ang walang sala, at malinis na lubos?
Sinong isinilang na matuwid sa harap ng Diyos?
15 Kung doon sa mga anghel, tiwala ng Diyos ay di lubusan,
kahit silang nasa langit ay mayroon ding pagkukulang.
16 Gaano pa kaya ang taong nasanay sa kasamaan,
laging uhaw sa masama at hindi tama.