Add parallel Print Page Options

力言人生是短暂且可悲

14 “妇人所生的日子短少,满有搅扰;

他生长如花,又遭割下;

他飞去如影,并不停留。

这样的人你还睁眼看他,

又把他带到你跟前受审吗?

谁能使洁净出于污秽呢?

无人有此本事。

人的日子既然被限定,

他的月数亦在乎你,

你也定下他的界限,使他不能越过。

就求你转眼不看他,使他得歇息(“使他得歇息”或译:“不去管他”),

直等到他像雇工一样享受他的日子。

树木常有希望,

树木若被砍下,也会再发芽,

嫩枝仍生长不息。

虽然树根衰老在地里,

树干也枯死在土中,

一有水气,就会萌芽,

又生长枝条如新栽的树一样。

10 人死了,就化为乌有;

人一气绝就不在了。

11 海洋中的水消失,

江河枯竭干涸,

12 人也是这样一躺下去,就不再起来,

直到天都没有了还不醒过来,

也不能从睡眠中被唤醒。

13 但愿你把我藏在阴间,

把我隐藏,直到你的怒气过去;

愿你为我定一个期限,好记念我。

14 人若死了,怎能再活呢?

我要在我一切劳苦的日子等待,

等到我得释放的时候来到。

15 你一呼叫,我就回答你,

你必渴慕你手所作的。

16 但现在你数点我的脚步,

必不再鉴察我的罪过,

17 我的过犯被你封在囊中,

我的罪孽你以灰泥遮盖了。

18 山崩下坠,

岩石挪开原处;

19 流水磨蚀石头,

水的泛溢冲去地上的尘土,

你也这样灭绝人的指望。

20 你永远胜过人,人就去世,

你改变他的容貌,把他遣走。

21 他的儿女得尊荣,他并不晓得,

他们降为卑,他也不觉得,

22 只觉自己身上的痛苦,

为自己悲哀。”

14 “Ang buhay ng tao ay maikli lamang at puno ng kahirapan. Ang katulad nito ay isang bulaklak, namumukadkad pero agad nalalanta. Katulad din ito ng aninong biglang nawawala. Kaya Panginoon, bakit kailangan nʼyo pang bantayan nang ganito ang tao? Gusto nʼyo pa ba siyang[a] hatulan sa inyong hukuman? May tao bang nabubuhay na lubusang matuwid? Wala! Sapagkat ang lahat ay ipinanganak na makasalanan. Sa simula paʼy itinakda nʼyo na kung gaano kahaba ang itatagal ng buhay ng isang tao. At hindi siya lalampas sa itinakda nʼyong oras sa kanya. Kaya hayaan nʼyo na lamang siya para makapagpahinga naman siya katulad ng isang manggagawa pagkatapos magtrabaho.

“Kapag pinutol ang isang puno, may pag-asa pa itong mabuhay at tumubong muli. Kahit na matanda na ang ugat nito at patay na ang tuod, tutubo itong muli na parang bagong tanim kapag nadiligan. 10 Pero kapag ang taoʼy namatay, mawawala na ang lakas niya. Pagkalagot ng hininga niya, iyon na ang wakas niya. 11 Kung papaanong bumababa ang tubig sa dagat at natutuyo ang mga ilog, 12 gayon din naman, ang taoʼy namamatay at hindi na makakabangon pa o magigising sa kanyang pagkakatulog hanggang sa maglaho ang langit.

13 Panginoon, itago nʼyo na lamang po sana ako sa lugar ng mga patay hanggang sa mawala ang galit nʼyo sa akin, at saka nʼyo ako alalahanin sa inyong itinakdang panahon. 14 Kung mamatay ang tao, mabubuhay pa kaya ito? Kung ganoon, titiisin ko ang lahat ng paghihirap na ito hanggang sa dumating ang oras na matapos ito. 15 At sa oras na tawagin nʼyo ako, Panginoon, sasagot ako, at kasasabikan nʼyo ako na inyong nilikha. 16 Sa mga araw na iyon, babantayan nʼyo pa rin ang aking mga ginagawa, pero hindi nʼyo na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan. 17 Parang ipinasok nʼyo ito sa bag at tinakpan para hindi nʼyo na makita.

18 “Pero kung papaanong gumuguho ang mga bundok at nahuhulog ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan, 19 at kung paanong nagiging manipis ang bato sa patuloy na pag-agos ng tubig, at gumuguho ang lupa dahil sa malakas na ulan, ganyan nʼyo rin sinisira ang pag-asa ng tao. 20 Nilulupig nʼyo siyang lagi at namamatay siya, at binabago nʼyo ang mukha niya kapag patay na siya. 21 Hindi na niya malalaman kung ang mga anak niyaʼy nagtamo ng karangalan o kahihiyan. 22 Ang tanging madarama na lang niya ay ang sarili niyang paghihirap at kalungkutan.”

Footnotes

  1. 14:3 siyang: Itoʼy nasa teksto ng Septuagint, Vulgate at Syriac. Sa Hebreo, akong.