Add parallel Print Page Options

Sumagot si Job

12 Sumagot si Job, “Ang akala nʼyo baʼy kayo lang ang marunong at wala nang matitirang marunong kapag namatay kayo? Ako man ay marunong din gaya ninyo; hindi kayo nakahihigit sa akin. Alam ko rin ang lahat ng sinasabi ninyo. Pero naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Dios ang mga dalangin ko noon. Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema. Pero ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Dios ay namumuhay ng payapa gayong ang dinidios nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.

7-8 “Matututo ka sa ibaʼt ibang hayop – ang lumalakad, lumilipad, gumagapang, at ang lumalangoy. Sapagkat alam nila na ang Panginoon ang may gawa nito.[a] 10 Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao. 11 Kung alam ng dila ng tao kung alin ang masarap o hindi masarap na pagkain, alam din ng tainga ng tao kung alin ang mabuti o masamang salita. 12 Maraming alam sa buhay ang matatanda, dahil habang tumatagal ang buhay nila, lalong dumarami ang kanilang nalalaman.

13 Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa kanya rin ang kapangyarihan, at siya lang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin. 14 Walang makapag-aayos ng kanyang sinisira, at walang makapagpapalaya sa kanyang ikinukulong. 15 Kung pipigilin niya ang ulan, matutuyo ang lupa, at kung ibubuhos naman niya ito, babahain ang lupa. 16 Makapangyarihan siyaʼt matagumpay, at nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang mandaraya at ang dinadaya. 17 Inaalisan niya ng karunungan ang mga tagapayo, at ginagawang mangmang ang mga hukom. 18 Pinaaalis niya ang mga hari sa kanilang trono at ipinabibihag. 19 Tinatanggal niya sa tungkulin ang mga pari at ang mga taong may kapangyarihan. 20 Pinatatahimik niya ang mga pinagkakatiwalaang tagapayo at inaalis ang karunungan ng matatanda. 21 Hinahamak niya ang mga mararangal na tao at inaalisan ng kakayahan ang mga may kapangyarihan. 22 Ang mga lihim ay kanyang inihahayag, at ang madilim ay pinapalitan ng liwanag. 23 Pinalalakas niya ang mga bansa at pinapalawak ang kanilang teritoryo, pero ibinabagsak din niya ito at winawasak. 24 Ginagawa niyang mangmang ang kanilang mga pinuno at inililigaw sila sa ilang. 25 Kaya para silang bulag na kumakapa sa dilim at sumusuray-suray na parang lasing.

Footnotes

  1. 12:9 ang may gawa nito: Siguro ang ibig sabihin nito, ang mga bagay na nangyayari sa mundo pati na ang paghihirap ay ayon sa kalooban ng Dios.

Job Answers Zophar

12 Then Job answered:

“You really think you are the only wise people.
    You think when you die wisdom will die with you.
But my mind is as good as yours.
    You are not better than I am.
    Everyone knows all these things.
My friends all laugh at me
    when I call on God and expect him to answer me.
    They laugh at me even though I am right and innocent!
People who are comfortable don’t care that others have trouble.
    They think that people who are in trouble should have more troubles.
The tents of robbers are not bothered.
    Those who make God angry are safe.
    They have their god in their pocket.

“But ask the animals, and they will teach you.
    Or ask the birds of the air, and they will tell you.
Speak to the earth, and it will teach you.
    Or let the fish of the sea tell you.
Every one of these knows
    that the hand of the Lord has done this.
10 The life of every creature
    and the breath of all people are in God’s hand.
11 The ear tests words
    as the tongue tastes food.
12 Older people are supposed to be wise.
    Long life is supposed to bring understanding.

13 “But God has wisdom and power.
    He has good advice and understanding.
14 What God tears down cannot be rebuilt.
    The man God puts in prison cannot be let out.
15 If God holds back the waters, there is a time without rain.
    But if he lets the waters go, they flood the land.
16 God is strong and victorious.
    Both the person who fools others and the one who is fooled belong to him.
17 God leads wise men away as captives.
    He turns wise judges into fools.
18 God takes the royal belt off of kings.
    And he dresses them like prisoners with only a cloth around their waist.
19 He leads priests away as captives.
    He destroys the power of those who have been powerful.
20 God makes trusted people be silent.
    And he takes away the wisdom of elders.
21 God brings disgrace on important people.
    And he takes away the weapons of the strong.
22 God uncovers the deep things of darkness.
    He brings dark shadows into the light.
23 He makes nations great, and he destroys them.
    He makes nations large, and he scatters them.
24 He takes understanding away from the leaders of the earth.
    He makes them wander through a desert with no paths.
25 They feel around in darkness with no light.
    God makes them stumble around like drunken people.