Add parallel Print Page Options

Ako man ay marunong din gaya ninyo; hindi kayo nakahihigit sa akin. Alam ko rin ang lahat ng sinasabi ninyo. Pero naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Dios ang mga dalangin ko noon. Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema.

Read full chapter