Add parallel Print Page Options

(A)Isang araw nga nang ang mga (B)anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si (C)Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.

At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa (D)pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.

At sinabi ng Panginoon kay Satanas, (E)Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na (F)lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.

Read full chapter